“I’m sorry coach.”
“Doon ka muna sa bleachers! Stay there and feed yourself with sleep!”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at sinapo ang nananakit niyang sentido. Hindi niya lubos akalain na ganito ang kahahantungan ng pagpupuyat niya para lang makasama si Creine. And for goodness sake! Napapabayaan na niya ang sarili niya lalung-lalo na ang responsibilidad niya sa Heartbreakers Team. Napabuga siya at pilit na sumagap ng hangin upang paginhawain ang sarili.
“Just go and have some rest.” Tila nakakaintinding tinapik siya sa balikat ng mga kaibigan.
Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang sinabi ni Coach Ivo tutal ay mukhang iyon nga din ang kailangan niya. Especially the championship game is fast approaching. He need to sleep and take a rest. He need to gather and regain all of his strength.
“COME ON pick up the phone Revin.” Naiinis na bulong niya habang tinatawagan niya ang binata. Kanina pa niya kinokontak ang nobyo ngunit nakailang dial na siya sa number nito ay hindi pa rin nito iyon sinasagot. Nang hindi siya makatiis ay napagpasyahan niyang magtungo sa gym. Alam kasi niyang nandoon ito dahil may practice ang mga ito doon kasama ang mga kateam nito.
Nang makarating siya doon ay nakita niyang may nagpapractice sa gitna ng court. Pilit niyang hinagilap ng tingin ang nobyo sa mga players na nandoon ngunit wala ito doon. Nagtatakang ikinalat niya ang tingin sa buong gym hanggang sa dumako ang tingin niya sa naka-jersey uniform na lalaki sa bleachers. Nakahiga ito doon at sa hinuha niya ay natutulog ito. Naningkit ang mga mata niya nang mamukhaan niya kung sino iyon, si Revin.
So, habang siya ay tumatawag ito naman ay tulog lang. Sa sobrang inis niya ay lumapit siya sa kinaroroonan nito. Nanggigigil sa inis at nakahalukipkip na binunggo niya ng tuhod niya ang tagiliran nito upang magising ito. Agad naman itong nagising at nang makita siya nito ay napabalikwas ito ng bangon.
“Bee..”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Hindi mo ba alam na kanina pa kita tinatawagan?”
“I’m sorry, nakatulog ako.”
Napasimangot siya. “Tara na, nagugutom na ako. Tsaka gusto kong mamasyal ngayon.” Hinatak niya ito sa kamay ngunit natigilan siya nang hindi man lang ito tuminag sa paghatak niya. Nagtatakang nilingon niya ito. Kumunot ang noo niya nang makita niyang nakatingin ito sa ibaba. Nang lumingon siya doon ay nakita niyang nakatingin din pala sa kanila ang lahat. Coach Ivo was glaring at Revin as if telling and warning him not to go with her.
“Revin, come on, I think nakapagpahinga ka na. Magpractice ka na.” utos ni Coach Ivo.
“Yes coach.” Nang tumayo si Revin ay humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. Nagmamakaawang napatitig siya dito.
“R-Revin.. Please come w-with me..” tila may bikig sa lalamunan niya nang sabihin niya iyon.
“I’m sorry Creine.. Pero kailangan kong magpractice ngayon.”
“Revin please..” marahan niyang niyugyog ang braso nito. “Labas na tayo please..” Pinigilan niya ang sariling mapaluha habang nakikiusap siya dito nang mga oras na iyon. “I want to be with you. Bigyan mo naman ako ng oras mo.. Kahit ngayon lang.. I’m begging you..”
“Creine..” mariin nitong ipinikit ang mga mata at napabuntong-hininga. “I’m already giving you so much of my time. I’m asking you to give me time for my practice. Just for today. Malapit na ang championship. Kailangan kong magfocus sa game na ito. Please pagbigyan mo naman ako.”
“No!” napasigaw na siya sa matinding frustration. Nagulat at napamaang ito sa naging reaction niya. “I want to be with you now!”
“Creine, alam mo kung gaano kahalaga sakin ang championship na ito. This game is my life. I waited for this to come. Ayokong sayangin ang pagkakataon na ito at hayaang mawala samin ang title. I’m sorry, I can’t be with you today, I need to focus on our practice.”
Tila nanghihinang napabitaw siya dito. So, mas uunahin pa nito ang basketball na iyon kaysa sa kanya? Pakiramdam niya’y tinakasan siya ng lakas sa mga binitiwan nitong mga kataga. Naluluhang napatitig siya dito. Pakiramdam niya’y tila may kumurot sa puso niya nang mabasa niya ang determinasyon sa mga mata nito. It seems like, wala na siyang magagawa pa para baguhin ang desisyon nito.

BINABASA MO ANG
THE HEARTBREAKER TEAM SERIES Book 4: Mr. DANCER BREAKER (COMPLETED)
Teen FictionTHE HEARTBREAKER TEAM SERIES Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield University. Famous din ito dahil sa basketball team nito na palaging nananalo sa mga basketball league na sinasalihan nila. Ang Hear...
Chapter 10 (Part 1) - Cheated
Magsimula sa umpisa