“Babawi na lang ako sayo pagkatapos nito, ok?” hinalikan muna siya nito sa pisngi bago ito tumalikod upang puntahan ang mga kasamahan.
Tila tuod na pinanuod lang niya ito sa paglayo sa kanya. Habang palayo ito sa kanya nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam niya ang paninikip ng dibdib at ang unti-unting panunubig ng kanyang mga mata. Ilang sandali pa’y hindi na niya napigilan ang sariling emosyon. Tahimik niyang pinagmasdan si Revin habang lumuluha at sapo ang naninikip niyang dibdib.
“R-Revin..” lumuluha at mahinang tawag niya sa pangalan nito. “You just don’t know how important it is for me to be with you..”
Nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya ay agad niyang binasa ang mensahe. Pakiramdam niya’y lumala ang lungkot na naramdaman niya nang mabasa ang laman ng mensahe. Lumuluhang napalingon siya sa kinaroroonan ni Revin. She took the chance to stare at him for the last time before she decided to walk away, disappointed, burdened and empty.
“YOU seemed so quiet. Is there something wrong?” nagtatakang tanong sa kanya ni Zion habang lulan sila ng kotse nito. Pilit siyang ngumiti at pinasigla ang sarili.
“No, I’m fine. It’s just that.. I’m.. sleepy.” Pagsisinungaling niya at nagkunwaring humikab pa. Walang imik itong tumitig ng mataman sa kanya na tila ba pilit nitong binabasa ang laman ng isip niya. Bago pa man nito malaman at mabasa ang pinakatago-tago niyang emosyon ay agad niyang iniiwas ang paningin at dumungaw sa labas ng bintana. “Saan ba tayo pupunta?”
“Mamamasyal tayo sa mall. We’re just going to celebrate.”
“Celebrate?” kunot ang noong ulit niya.
“Yeah.. It’s our first day together as a couple remember?” Nginitian siya nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Ah oo nga pala. They’re couples now but she doesn’t seem to like the idea after all. Pakiramdam niya’y lalong lumala ang bigat na nararamdaman niya nang marinig iyon mula dito.
Celebration? Funny.. Bakit pa kailangan ng celebration kung pakiramdam niya ay burol niya ngayon. Being in a relationship with him felt like she’s dead. Kung sino man ang masaya sa mga nangyayari, it’s nothing but Zion. No one else.
Ilang sandali pa’y nakarating sila sa mall. Sa isang restaurant siya nito dinala. Sa hinuha niya ay mukhang nagpareserve pa doon ng table ang binata.
“So, kailan mo balak ipostpone ang engagement niyo ni Revin?”
Natigil siya sa akmang pagsubo nang marinig ang tanong na iyon ni Zion. Pakiramdam niya’y tuluyan na siyang nawalan ng gana. Ipostpone ang engagement nila ni Revin? Buong buhay niya ay wala siyang ibang hiniling at pinangarap kundi ang makasama at mahalin si Revin. Gusto niyang maging sila ni Revin hanggang sa huling hininga niya ngunit mukhang hindi nakikiayon sa kanya ang tadhana. She need to end their love for the sake of Zion’s selfishness. Pinigil niya ang sariling mapaluha nang maramdaman niya ang paninikip ng dibdib lalo na nang maalala niya si Revin. Isipin pa lang niyang hihiwalayan at sasaktan niya ang damdamin nito ay nasasaktan at nahihirapan na siya. Hurting and breaking Revin’s heart is the least thing she can do but she was left with no choice.
“Creine?”
Napabuntong-hininga siya. Nginitian niya ito ng pilit at pinamanhid niya ang sarili. “One of these days.. I’ll end whatever relationship I have with him.”
Ngumiti ito ng matagumpay sa sinabi niya. “That’s good to hear. Let’s have a toast for that.”
“I’M PLANNING to have a vacation in Mindoro next week. I want you to come with me.” sabi sa kanya ni Zion. Nang mga oras na iyon ay naglalakad at namamasyal sila ni Zion sa loob ng mall.

BINABASA MO ANG
THE HEARTBREAKER TEAM SERIES Book 4: Mr. DANCER BREAKER (COMPLETED)
Teen FictionTHE HEARTBREAKER TEAM SERIES Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield University. Famous din ito dahil sa basketball team nito na palaging nananalo sa mga basketball league na sinasalihan nila. Ang Hear...
Chapter 10 (Part 1) - Cheated
Magsimula sa umpisa