抖阴社区

BS #19: NO WRIGHT, NO REID (2)

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumikhim ako. "Are.. Are you bored, Son? What kind of music do you like?"

Hindi ito sumagot. Maski ang tingnan ako ay hindi niya magawa.

"Mahilig ka din ba sa mga rock music?" Tumawa ako ng mahina kahit na mukha akong tanga na sarili ko lang ang kausap ko. "Ah. O-Oo nga pala. Tumutugtog ka ng Piano kaya mas gusto mo ang Mellow musics, right?"

Nasasaktan ako dahil para lang akong hangin sa kanya.

"Reid, he's asking you. Talk to him." Narinig kong bulong ni Melissa. Hindi natinag si Reid.

"May balak ka bang sumali uli sa mga ganung contest?" Bukas ko ng ibang topic.

Tumango ito. Sa simpleng tango lang nito ay parang nabuhayan na ako ng loob.

"Talaga? Maganda 'yan. Kasing edad mo lang din ako n'ung nahilig akong sumali sa mga contest. At first, hindi ako nanalo. Naiiyak pa nga ako n'un because the winner didn't deserve the trophy. But I never lose hope, ginawa kong inspirasyon ang pagkatalo ko. Sumali uli ako hanggang sa magsunod-sunod na ang panalo ko." Kwento ko. "What's your inspiration?"

"My mom." Simpleng sagot nito.

I sighed. Hinalikan ni Melissa ang malagong buhok ni Reid.

"You really love your Mom, Son. That's good." I'm so envious.

"She's all I have." But I'm also here.

Ilang sandaling katahimikan na naman ang namayani sa loob ng sasakyan.

"Help me." I mouthed when Melissa glanced at me.

"Reid, talk to him. Talk to your D-Daddy." Daddy. It feels like I won in a f-ucking lottery.

"Wala naman po akong sasabihin."

"Magkuwento ka."

Umiling ito at ibinaon na ang ulo sa balikat ni Melissa. Umiling si Melissa sa akin na sinasabing wala na siyang magagawa. Nag-concentrate nalang ako sa pagmamaneho. Hindi ko talaga mapipilit ang anak ko na tanggapin ako ngayon. Maybe I hurt him so bad that it left a hole in his heart.

"We're here." I announced.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang pulang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay nila Melissa.

"Si Eugene." Mahinang sambit ni Melissa. Nabuhay ang inis sa pagkatao ko.

----

MELISSA QUIZON

Umalis sa pagkakasubsob si Reid sa balikat ko at tiningnan ang sasakyan sa harap.

"Si Doc!" Nakangiting sambit ni Reid.

Kumunot ang noon i Eugene pagkalabas nito sa sasakyan. Nakatingin ito sa sasakyan ni Wright. Heavy tinted kasi ang salamin ni Wright kaya hindi nito alam kung sino ang nakasakay.

"Don't move." Matigas na utos ni Wright. Sinuot nito ang Ray-ban at cap bago bumaba ng kotse. Umikot ito at binuksan ang pinto ng passenger seat. Binuhat niya si Reid para makababan ng kotse.

Nagpumiglas si Reid dahil parang ayaw siya ibaba ni Wright. Walang nagawa ito kundi ang ibaba ang anak ko. Pagkalapat ng mga paa nito sa lupa ay agad itong tumakbo sa gawi ni Eugene. Nakita ko ang inggit sa mata ni Wright habang nakatitig siya kay Reid na ngayon ay karga na ni Eugene.

"He hates me. So d-amn much, it hurts." Bulong nito.

Naaawa ako sa kanya. Alam kong nahihirapan siya. Pero yung paghihirap niya ngayon, wala pa sa paghihirap na naranasan ko. "I told you, he needs time. Ipapaliwanag ko naman sa kanya ang lahat, pero nasa kanya pa rin ang desisyon, Wright."

Bumaba ako. Sa taas ng sasakyan ni Wright, hindi ko nakontrol ang balance ko kaya napakapit ako sa balikat nito.

"Careful." Alalay nito sa akin.

Bumitaw ako agad sa kanya na parang napaso. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Dahil sa sobrang lapit namin, nararamdaman ko na tumatama ang hininga niya sa buhok ko.

"Uh, gusto kong ako na ang maghahatid at sundo kay Reid sa school niya."

"Okay. Sasabihin ko sa kanya mamaya."

"Thank you." Nagulat ako nang halikan niya ang noo ko. "I love you." He murmured.

"I.. I'm sorry.. Could you.. Could you let go of me." I stammered. Tinulak ko siya at kumawala sa braso niya.

"Bakit namamaga ang mata mo?" Narinig kong tanong ni Eugene. "Umiyak ka ba?"

"Hindi po." Reid's eyebrow twitched. Bumaba ito mula sa pagkakakarga ni Eugene at pumasok na sa bahay namin. Nasa kanya kasi ang susi niyon kaya agad siyang nakapasok.

Lumapit sa amin si Eugene. Halata ang inis sa itsura nito nang makita si Wright.

"Eugene Fuertes." He offered a handshake to Wright.

Malugod namang tinanggap ni Wright ang kamay nito. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. "Wright Agoncillo. The real father of Reid."

"Alam ko. Marami akong alam, Agoncillo. Mas marami pa kaysa sa alam mo." Pagmamalaki ni Eugene.

Nang magbitaw sila ay inilagay ni Wright ang kamay nito sa loob ng bulsa ng pantalon niya.

Tumango-tango ito. "Mabuti naman. Alam mo na siguro kung saan ka lulugar."

"Oo. Sa lugar kung nasaan sila Melissa."

Nag-iba ang timpla ng mukha ni Wright pagkatapos sabihin iyon ni Eugene. Nagulat ako nang hablutin ni Wright ang kuwelyo ni Eugene. Nakayukom ang kamao nilang dalawa at hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti sa labi ni Eugene.

"Wright, ano ba?! Let him go!"

"Layuan mo ang buong pamilya ko." Matigas na sabi ni Wright.

Tumawa ng pagak si Eugene na mas lalong kinagigil ni Wright. "Kailan pa kayo naging buo? Kahit nga ang anak mo, ayaw sayo."

"P*t-ang ina mo!"

"Wright, Eugene, stop! Mas pinalalala niyo lang ang sitwasyon! Kung gusto niyong gumawa ng gulo, umalis kayo sa bakuran ko." Naiinis kong sabi. Napatingin sila sa akin. Pinadyak ko nalang ang paa ko sa sobrang inis. "Umalis na nga kayo!"

Tinalikuran ko sila bago pa man sila makapagsalita. Mabilis kong sinara ang pinto ng bahay ko. Ilang minuto lang ay nakarinig na ako ng tunog ng sasakyan hanggang sa mawala iyon.

Nakahinga ako ng maluwag. Nahanap ko si Reid sa loob ng kwarto nito. Nakabihis na siya ng paboritong pajama niya na lighting mcqueen at mahimbing na natutulog sa kama niya. Umupo ako sa tabi nito at hinipo ang kanyang pawisang noo. Tumayo ako at itinutok ang electricfan sa kanya.

Halata ang pagod sa anyo nito. Alam kong nagugulat siya sa mga nalalaman niya pero wala akong magagawa. Nalaman na niya in the most unexpected way and in the most unexpected situation.

Napansin ko ang isang papel na nasa ibaba ng kama nito. Lumuhod ako at kunot-noong inabot ang papel na iyon.

I was shocked. No. I was surprised. It wasn't just a simple piece of paper but a very big poster of his father.

Wright Agoncillo.

May gulgol na ang mukha nito na parang sinandyang guhitan ng pentel pen.

Litrato iyon na naggigitara si Wright habang nakaharap sa mikropono at nakapikit. Tinalikod ko iyon, at tama nga ang hinala ko, may doon.

Idol. Gusto kong maging katulad mo paglaki ko.

Tumulo ang luha ko nang mabasa iyon. He's idolizing Wright without him knowing that Wright is he's real father.

------

Sorry po sa sobrang late na UD. Sobrang dami ko lang na inaasikaso. Pinangungunahan ko na po kayo, matatagalan ulit ang next UD ko. Please understand. Kapag may extra time po talaga ako nakakahanap ng chance para gumawa ng drafts.

Uploaded: September 15, 2014

BALIW SI SWEETKITKAT.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon