抖阴社区

                                    

So ngayon, well... every Sunday, buo ang pamilya ng Madrigal lumabas ako with some lame excuses to be not with them para di makasabay sa family dinner nila.

Sounds bitter? Hahaha... bitter na kung bitter pero ayaw kong ma-out of place ako, no? That would only make me more feel bitter.

Walang masyadong katao-tao ngayon napatingin-tingin ako like the usual na ilang beses na napunta ako dito aside for the days na di ako tinatantanan ni Cassie at Fointess na wag lumabas ng mag-isa.

Kung di lang exclusive area ang subdivision na 'to siguradong walang mag-aatubiling maglakad-lakad dito sa park o tumambay man lang.

Mailaw dito kaya kahit gumagabi na medyo tanaw mo parin ang daan so I went and look for a bench where I can sit.

Sa kahahanap ko ng mauupoan may nahagilap akong pamilyar na mukha.

Well di ko makita ang face nya pero ang pigura nya mismo ang kita ko.

Babae, blonde ang buhok na slightly waivy hanggang likod o balakang ata, na nakayuko.

Tingin ko nakita ko na sya eh... pero saan?

Iiwas sana ako dahil baka nagkakamali lang ako at imahenasyon ko lang na nakita ko sya dati pero di maalis ang mga mata ko sa kanya.

Parang may mali, eh. Her shoulders are shaking at may naririnig akong... paghikbi?

Something flashed sa isipan ko and that's when I realize kung sino sya at dali-dali akong lumapit.

"Um... ito, oh..." sabi ko na lang sabay abot sa kusot kong panyo.

Hoy, wag kayo mslinis yan ah! Di lang ako masyadong nag-ingat ibulsa no.

Tiningnan nya ang panyo then napatingala sa akin pero nanlaki ang mga mata nya. Tila kumislap at nabuhayan ang mga ito.

"M-michael? Michael! I know-"

Napangiwi ako sa narinig at agad ko sya pinigilan ng mapatayo sya at akmang hahagkan ako.

"Miss sa tuno ng boses ko tunog lalaki ba ito?" Tipid na ngiti ang naipakita ko sa kanya. "And we've meet again miss."

Di sya sumagot at tinitigan lang nya ako ng maigi.

"Kumusta?" Tanong ko na lang sa kanya when she didn't talk. "Sven Alexandria Samañiego at pangalawang beses mo na akong mapagkamalang si Michael."

Nanlaki ang mga mata nya siguro naalala na nya kung sino ako kaya ngumiti na lang ako ng makita ko ang takot at alanganin sa kanya at di rin pahuhuli ang guilty look, para ipahiwatig sa kanya na wala syang ipangamba mula sa akin.

"I saw you sa ospital pero nawala ka agad at di rin kita mapuntahan dahil need kong magpa-check-up." Tuloy kong pagsasalita. "At di ko rin alam kung saan ka nakatira to check kung okay ka ba."

Oookaayyy? Di pa rin sya nagsasalita. Di ba sya nakaintindi ng tagalog? Pero sa pagka-aalala ko nagawa nyang managalog that day?

Maybe not?

"Um... I... think I should be going na. I just want to know if you're okay and I'm glad to see you again. Uh... um... if you need anything-"

"... sorry."

"Huh?" Napatingin na lang ako sa kanya when she said something.

"I'm so sorry." This rinig ko na ng maayos at nakatingin sa aking mga mata. "I didn't meant to hurt you. I didn't meant to shot you that day...."

Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon