SVEN's POV
I am fuming mad right now! Galit na galit akong umalis sa bahay ng mga Madrigal! Galit ako mga Madrigal! Galit ako sa kanilang lahat! 😡
Puta-niawa!!! Mas naiinis at nagagalit ako sa sarili ko! 🤬
I'm so god damn angry, so angry that I want to punch myself dahil kahit anong galit ko sa kanila, I am still afftected by this emotion called pain! 😡
Akala ko after so many years di ko na ito mararamdaman! Akala ko di na ako maaapektuhan dahil ako na mismo ang pumatay ng damdamin ko para sa kanila! Pero bakit ganon? Bakit hanggang akala lang pala ako?!
Di ko maiwasan ang tumingala sa langit na puno ng mga bituin na kaigandang tingnan pero kahit gaano pa ito kaganda di ko ito makita.
Puno ng hinanakit at galit akong nakatingin sa mga ito.
Napapikit na lang ako ng maalala muli ang nangyari kanina.
Nagkapiyansahan na kami dito sa prisinto at nagbayaran na ng medical insurance para sa lalaking waiter at damage of property para sa restaurant na pinanggalingan namin ng wala ng aberya.
Dapat sana bukas o sa makalawa pa ako makakalabas, na ayos lang sa akin dahil ako naman talaga ang nanugod at nanakit ng iba, pero ayaw pumayag ni ate Cassandra.
Ewan ko kung paano nya nagawaan ito ng paraan ika nga nya: magkakamatayan muna bago sya pumayag na patulugin ako dito dahil ikaka-high-blood daw nya... eh, ang patagalin pa kaya ako dito na di pa nakakapasok sa kulungan di nya magawang pagbigyan.
Ako na ang nahiya sa inasta nya dahil halos awayin nya ang mga pulis dito sa prisinto. Di rin ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil para syang lenta kung makadikit na di maalis-alis sa akin.
"Why do you look like that? Kanina ka pa ha!" Inis na sabi sa akin ni ate ng makarating kami sa bahay ng mga Madrigal.
"Sino bang hindi after the scene you made sa prisinto?" Sagot ko na medyo may inis ang pagkasabi ko. "Hinayaan mo na lang sila dahil makakalabas din naman ako bu-"
"At ikaw pa ang naiirita, ha?" -ate Cassie
Di pa kami nakakababa lalo na ako di makalabas-labas ng kotse dahil pinapagitnaan ako nina ate at Isabelle sa backseat.
"Aray! Bakit ka naman nambabatok ha Isabelle?" Inis akong napatingin sa kanya habang nakahawak sa ulo kong nabatukan.
"Tama si Cassie Ven..."
Ngayon ko lang napansin gumagaya na sya kay ate na tinatawag ako ng Ven.
Ni sya na ang nagpahintulot na tawagin akong Sven sa ayaw at sa gusto ko ngayon na naman Ven?
"Maka-scene ka jan parang wala kang ginawang scandal kani-kanina lang! Pasalamat ka your sister had done everything to prevent this scandal to spread before others feast on it sa social media."
Napairap ako sa sinabi nya. Anong kunek non sa akin?
"You're a Madrigal Sven-" singit ni ate Cassie pero agad akong umangal bago pa sya matapos magsalita.
"Samañiego not Madrigal!" Sigaw ko sa kanya.
Bastos na kung bastos pero lumabas na ako sa sasakyan sa shotgun seat area at di na sila hinintay pa.
Pagkapasok ko nabungaran ko ang mag-asawang Madrigal, sina papa at mama.
Di ko na sila inabala pang maka-usap at lalagpasan ko sana sila patungo sa aking silid dito sa kanilang bahay ng biglang may isang malutong akong nakasalubong na sampal!

BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
RandomNagsimula lahat magbago ang takbo ng buhay ni Sven Sama?iego the moment na magpunta sya sa Manila to attend her brother's wedding. How well she'll cope up sa unexpected situation na di sinasadyang nasali sya ng walang ka-alam-alam? Specially kung ma...