SVEN's POV
Huh? Asan ako? Ba't nasa bahay ako?
Natigil ako sa paglalakad ng may marinig akong batang tumatawa.
Nakapagtataka... ba't may bata dito? Kaya hinanap ko saan ito galing.
Anong... O_o kababalaghang nangyayari rito?! Kinilabutan ako sa kinatatayuan ko ng matigil ako sa bakuran ng bahay ng mga Madrigal.
There in front of me is myself! To be exact nasa harapan ko ang batang ako! Naglalarong mag-isa sa hardin.
WTF!
Napatingin ako sa kapaligiran saka ko lang napansin na may pagkakaiba ito sa bahay ng mga Madrigal... I mean no ito nga ang bahay nila but there is something wrong!
"Ok lang po ba kayo ate?"
Nawala ang pagkakataranta ko ng marinig ko ang tanong na yon.
Limapit pala sa akin ang batang ako...
Paano ko nasabi ako ang batang ito? Madali lang naman she has the same face I had when I was a kid at the age of six!
"Huh?" Di ko sya masagot ng matino.
"You look troubled ate... did you forgot something?"
"W-wala akong nakalimutan." Nauutal kong sagot.
"Hmm... but you look like you forgot something ate..." tumango-tangong sabi nya sa akin.
"A-anong name mo baby girl?" Tanong ko sa kanya at paninigurado ko na rin.
Tinawanan nya na lang ako at itinuro. "Hala si ate tinanong anong name ko, eh... alam mo naman ang name ko, eh..."
Ayaw kong maging narcissistic pero ang cute talaga ng batang ito if only di ako kinilabutan at kinabahan sa sagot nya baka pinagpipisil ko na ang pisngi ng batang ako.
"Sven Alexandria Madrigal." Sabi ulit nya ng di ako sumagot pero ako naman para akong bunuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.
"Nice meeting you po big me!" 😀
"This is a dream..." wala sa sarili kong sabi at napaatras.
Napatingin ako sa bahay ng marinig kong may tumatawag sa akin... hindi pala sa batang ako.
"Andito na si papa!" Natutuwang sabi ng batang ako.
"Ate do you know what day is today?" Nakangiting tanong nya sa akin.
No this can't be... napailing-iling ako sa tanong nya and praying to god na this isn't that day.
"Hahaha... ate alam mo ang sagot."
"D-don't g-go..." nauutal kong nasabi at hinawakan sya sa braso.
Parang di nya alintana ang kaba ko at ang sinabi ko at natawa na lang sya sa akin.
"So you know pala ate kinalimutan mo lang! Ate today is the day papa promised na magpipiknik kami with mama!" Tuwang tuwa nyang sabi.
Gusto kong batukan ang batang ako! Gusto ko syang sigawan pero di ko magawa dahil sa maamo at inosente nitong mukha.
"D-dito ka lang... l-laro na lang tayo dito sa b-bahay." Ang nasabi ko na lang.
"You want to play with me ate? Why don't you come with us na lang then we could play sa pupuntahan namin ni papa kasama si mama."

BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
RandomNagsimula lahat magbago ang takbo ng buhay ni Sven Sama?iego the moment na magpunta sya sa Manila to attend her brother's wedding. How well she'll cope up sa unexpected situation na di sinasadyang nasali sya ng walang ka-alam-alam? Specially kung ma...