抖阴社区

BS #27: SURRENDER

Magsimula sa umpisa
                                    

"KoKo!" Tumatalon na sabi ni Reid. Magalang nitong kinuha ang supot. "Salamat po."

Binuhat ko siya para ibaba sa kama ni Wright. Tinangka ni Wright na hulihin ang kamay ko ngunit naiiwas ko kaagad. Sumunod ako sa lamesa at tinulungang ihanda ang almusal ni Reid.

"Mister Agoncillio." Matatag na saad ni Mister Contreras. "Here's your request of company's sales this month."

"Thank you, Mister Contreras. You may take your two days leave with your daughter." Rinig kong sabi ni Wright.

Agad ding umalis si Mister Contreras. Nang maisara ko ang pinto ay bumalik agad ako sa pwesto ni Reid. Hindi ko tinatapunan ng tingin si Wright ngunit alam kong nakasunod sa akin ang mga mata nito.

"Small bite, Reid." I scolded.

Bago pa man ako makaupo ay may kumatok na ulit. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Malamang ay may nakalimutan lang si Mister Contreras na sabihin kay Wright.

"Did you forget something, Mister Contreras--- Oh. Hi." It's Eugene.

Naalala ko bigla ang pitong araw na palugit nito sa akin. 

“Six days left, Sweetheart.” Napalunok ako.

"May I come in?" Nakangiting sabi nito. Niluwagan ko ang pinto para makapasok ito.

"Oh. You again." Malamig na sabi ni Wright. Nawala na rin ang ekspresyon nito nang makita ang doktor.

"I'm here to check your vital signs. I want to check if you're close to dying." Sarkastikong sabi ni Eugene. Hinayaan ko silang magpatayan doon at pinanuod ko nalang na kumain ang anak ko. Pinunasan ko ang labi niya nang may tumakas na gatas doon.

"No. I'm good, so you better leave." Pinanlakihan ko ng mata si Wright dahil sa tono ng boses niya.

"I own the hospital, Mister Agoncillio. My hospital, my rules. Got it?" Namumuo na naman ang tensyon sa kanilang dalawa. At eto pa rin ang anak ko, busy sa kinakain niya.

"I'm sorry to say Mister Fuertes. But we don't need you here. I already have a mighty beautiful nurse, you see."

"With that attitude, she might as well leave you, Mister Asshole-cillio." Nanigas ako sa sinabi ni Eugene.

"Mommy, they're fighting!" Reid said.

"No, Baby. They're growling at each other. Rrr." Nakangiti kong sabi.

Humalakhak si Reid. "Oh! Like dogs! Bark!"

"I ain't like dogs." Pareho kaming napatingin kay Wright. Tinaasan ko ng kilay si Wright na sinasabing wag kaming idamay sa tensyon nilang dalawa.

Hinuli ko ang pisngi ni Reid at pinagtama ang ilong naming dalawa. "Don't mind them, Baby. Let them fight. Eat your food."

Inumang sa akin ni Reid ang kutsarang may lamang koko crunch. Kinain ko iyon. "Love you, Mommy."

Malapit ng matapos si Reid sa kinakain niya pero hindi pa rin nagsasawang magsagutan ang dalawang unggoy.

"Daddy, 'wag mong awayin si Doc!" Umalis si Reid sa harap ng lamesa at pumunta sa tabi ng kama ni Wright. Nilagay nito ang magkabilang kamay sa gilid ng bewang. Pasulyap-sulyap ako sa kanila habang nililigpit ang pinagkainan niya.

Salamat at nang sabihin iyon ng anak ko ay tumahimik ang mundo.

Nadatnan ko si Reid na nakaupo sa ibabaw ng kama ni Wright habang nakayakap naman si Wright sa bewang ni Reid. Hindi nito inaalis ang mga mata kay Eugene. Parang any minute ang kukunin ni Eugene si Reid sa kanya. "Doc, laro tayo?"

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon