"Pwede namang si Daddy nalang ang kalaro mo, Anak."
"May sakit ka po, baka mahawa po ako." Napasimangot si Wright.
"Ano ang gusto mong laruin, Reid?" Matagumpay na ngumiti si Eugene. Parang inaasar pa nito si Wright dahil siya ang gustong kalaro ni Reid.
"SURRENDER! Alam mo po bang laruin iyon? Parang hangman lang 'to." Inabot ni Reid ang papel at lapis na nasa lamesa sa gilid ng kama ni Wright.
Ang rules ng larong SURRENDER, may word na kailangan mong hulahan. Magbibigay ka ng isang alpabeto para mabuo mo yung word at sa oras na may mabanggit ka na alpabet na wala naman sa word na ipapahula, matatanggal ang bawat letra ng SURRENDER. May siyam na letra ang surrender ibig sabihin may siyam na buhay ka. Kahit ilan ang manghula, pwede.
"Alam mo, Reid, champion si Daddy dyan." Nakansising sabi ni Wright kay Reid. Agad namang sumimangot ito nang tingnan si Eugene. "Baka may duty pa si Duck!"
"Wright." Babala ko.
Tumaas ang kilay ni Wright at inirapan ako.
"Kung sino ang manalo, pwedeng humalik kay Mommy." Anunsyo ni Reid.
I gasped. "But, Baby. ."
Ibinebenta ba ako ng anak ko?!
"Game!" Sabay na sabi ni Wright at Eugene.
Nagsusulat si Reid at hindi nito pansin ang batuhan ng matatalim na tingin ng dalawang lalaki na nakaupo sa gilid nito. Umupo naman ako sa sofa at pinapanood sila.
"A." Panimula ni Wright. May limang guhit sa papel at ang tanging clue ay bagay.
Umiling si reid at inekis ang 'S'.
"E." Saad ni Eugene.
Inekis ni Reid ung 'U'.
"'Wag ka na ngang manghula, mali-mali ka naman, e." Asar na sabi ni Wright kay Eugene.
"Ikaw rin naman, a." Balik naman ni Eugene.
"Dali na po." Tumatawang sabi ni Reid. Hindi nito batid ang tensyon sa kanyang paligid. "Unahang maka-three points."
Dapat kasi vowels muna bago consonant para mas mapadali sila. Ayoko namang makisali, dangal ko ang nakasalalay dito.
"I." Wright.
Napasimangot si Reid at isinulat ang 'I' sa pangalawang guhit.
"O." Eugene.
Mas lalong humaba ang mukha ni Reid. Isinulat nito ang sa 'O' sa panlimang guhit.
"S?" Hula muli ni Eugene.
Napangiti si Reid at inekis ang unang 'R' sa SURRENDER.
"L?" Hula ni Wright.
Lumawak ang ngiti ni Reid at inekis ang pangalawang 'R'.
"N?" Eugene.
Lumabi si Reid at isinulat ang 'N' sa pangatlong guhit.
Oh shit! Makakahula na.
"K?" Ginulo ni Wright ang kanyang buhok dahil inekis ni Reid yung 'E' sa Surrender. "Anak, ang hirap naman."
"Pinto?!" Sigaw ni Eugene.
Napamaang si Reid. "Aya!"
"Madaya siya! Ako dapat ang makakasagot n'un e." Turo ni Wright kay Eugene.
Eugene smirked. "Magtigil ka. Wala ka naman palang ibubuga."
"Laro na. Doc, ikaw naman po ang magpapahula." Saad ni Reid. Tila ba naiinip na ito sa nangyayari.
Nagpatuloy sila sa paglalaro samantalang ako ay naghahanda na para sa tanghalian namin. Walang makaistorbo sa kanila habang naglalaro. Dahil dangal ko ang nakataya, nakibalita ako sa score. Lumapit ako sa kanila at dumungaw sa score board.
Reid- 0
Daddy- 2
Doc- 2
Oh, no.
"Ayoko na." Anunsyo ni Reid. Tumayo ito sa kama at ipinalupot ang mga braso sa leeg ko.
"Huh? Hindi pwede." Sabi ni Wright. Nag-init ang magkabilang pisngi ko.
"Bawal humalik sa Mommy ko." Hinalikan ako ni Reid sa pisngi bago muling binalingan ang dalawang parang nabitin ang mga mukha. "Ang humalik sa kanya, lagot sakin."
"Hindi mo naman makikita, e." Narinig kong bulong ni Eugene.
“Anong sabi mo?!” Nagulat kami sa sigaw ni Wright. Maski si Reid ay hindi nakapagsalita.
Binuhat ko si Reid. Mabilis akong naglakad papunta sa pinto. Kailangang hindi makita ni Reid ang mangyayari. Alam kong magsasabong na yung dalawa.
"Mommy, they're fighting again!"
---------------------------------------------
UNEDITED. Uhh. Sorry kung medyo boring. Inihahanda ko lang kayo. Hahaha. Guys, may nag-offer sa akin na publisher. Sa sobrang excited ko, hindi ko alam kung ano ang i-re-reply ko. Hahahaha. Hindi ako makahanap ng magandang portrayer ni Reid na sakto sa personality niya. :)
UPLOADED: NOVEMBER 18, 2014
SK<3

BINABASA MO ANG
BROKEN STRINGS (COMPLETED)
General FictionCOMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Please, Wright. H-Hindi ko to k-kayang mag-isa." pagmamakaawa ako. "Please, wag mo naman akong iwan!" "S-Sorry." pilit nitong tinatanggal ang m...
BS #27: SURRENDER
Magsimula sa umpisa