抖阴社区

BS #29: PAYONG KAIBIGAN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mommy, malapit na po ang birthday ko. Gusto ko po ng bike. May pera po ba tayong pambili n'un? Kapag po ba nag-ipon ako tiglilimang piso bawat araw hanggang sa birthday ko, makakabili po ako ng bike?" Tanong ni Reid habang kinakalikot ang cap nito.

Napangiti ako. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Wright. "'Wag ka ng mag-ipon, Baby. Ibibili nalang kita."

"Mommy, narinig mo 'yon? Ibibili daw po ako ni Daddy! Hindi ko na kailangang mag-ipon ng tiglilima." Masayang sabi ni Reid.

"Yes, Baby, narinig ko. Put your shoes on. Malapit na tayo sa school mo." I said softly.

Sumunod ito. Pinatay ni Wright ang makina ng sasakyan at lumabas. Maraming tao ang napatingin kay Wright. Binuksan nito ang pinto ng backseat at tinanggal ang pagkaka-seatbelt ni Reid. Humalik sa pisngi ko si Reid bago ito bumaba. Pumunta si Wright sa likod ng sasakyan para kunin ang bag ni Reid. Sumaludo sila sa isa't-isa bago pumasok si Reid sa malaking gate ng school nito.

Pumasok na si Wright sa kotse nang mawala na sa paningin si Reid. Pinaandar nito ang kotse at tinungo namin ang daan papunta sa paaralang pinagtuturuan ko. Nagulat ako nang hawakan ng malayang kamay nito ang kamay ko na nasa ibabaw ng aking hita.

"Hindi ako ang kambyo kaya alisin mo ang kamay mo." Malamig kong sabi.

Natawa ito ngunit hindi pa rin inaalis ang kamay.

"Alam mo, n'ung nakita kita. Naging twenty ang favorite kong number." Sabi nito.

Wait. Pick-line ba 'to? "Bakit?"

"Kasi twenty-ngin ako sayo, mas lalo kitang minamahal." Humigpit ang hawak nito sa aking kamay.

"Ah." Simpleng sabi ko at tumingin na sa labas ng bintana. Narinig ko itong nagbuntong hininga.

I bit my lower lip nang haplusin ng hinalalaki nito ang likod ng palad ko. Napakarahan niyon, parang hinahaplos nito ang buong pagkatao ko.

Nakarating kami sa paaralan. Pababa na sana ako pero hinila ako ni Wright. Kunot-noong napatingin ako sa kanya. Ngumiti ito ng tipid. "Susunduin kita mamaya, ha? Hihintayin kita kahit gaano katagal."

"S-Sige." I stammered. Damn.

Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang malambot nitong labi sa ibabaw ng aking palad. Nagwala ang puso ko nang magtagpo ang aming mga mata. Lumayo ito at pinakawalan ang aking kamay. Parang nakaramdam ako ng panlalamig nang hindi na maramdaman ang mainit nitong palad.

Nagmamadali akong lumabas ng kotse nito. Pinanood ko kung paano nito paharurutin ang kanyang kotse. Nang makaalis na ito at bigla ko nlang hinawakan ang kamay ko na kanyang hinalikan. Pinagdikit ko ang aking labi at mabilis na naglakad patungo sa gate ng paaralan.

Nagulat ako nang hampasin ni Nadine ang lamesa ko. "Kailan mo balak sabihin ito sa amin?"

Break namin ngayon kaya malaya kaming makakapag-usap. Lahat ng co-teachers ko ay napatingin sa aking gawi. Ang iba ay bumulong sa kanilang katabi habang nakatingin sa akin.

Nakapalibot rin sa akin si Crissa at Ellyza, nakapamewang rin ito sa harap ko.

"At kailan mo balak mag-explain samin?" Napalunok ako sa tono ng boses no Crissa.

Napangiwi ako. "Hehe." 

Pinanlakihan ako ng mata ni Ellyza. "Don't 'Hehe' us."

"Okay. Sorry kasi hindi ko masabi sa inyo na si Wright ang totoong ama ni Reid. Ang akala ko, hindi na siya babalik, okay? Kaya mas pinili ko nalang na 'wag sabihin sa inyo o kahit sa iba." Mahina kong sabi para hindi marinig ng iba kong ka-faculty.

"Ilang beses ko pa naman siya pinagsasamantalahan sa isip ko. Kagabi nga nag-wet dreams pa ako." Nadine murmured.

"Nads!" Ellyza scolded.

Pumunta kami sa loob ng private CR at ni-lock ang pinto para walang makarinig sa sasabihin ko.

"Okay, ganito ang nangyari." Ikunuwento ko lahat. Pati na rin ang ginagawa ko kay Wright ngayon.

"Eh, gago pala siya! Sinong matinong babae ang gustong magpa-abort? Dapat sa kanya ikulong sa oven. Pero since maliit ang oven, kailangan parte-parte ang pagpasok sa katawan nya." Sabi ni Nads.

"Hindi mo ba siya mabibigyan ng chance? Mukha namang nagsisisi na siya at sobrang mahal na mahal ka niya." Singit ni Ellyza.

"Hindi sapat na dahilan iyon, Ellyza. Paano ko papatawarin ang lalaking sumira sa pagkatao ko? Kulang pa ang nararamdaman niyang sakit kaysa sa naramdaman ko dati."

"Minsan kung sino pa ang nakasira, siya rin ang may alam kung paano iyon buuin ulit, Melissa."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ellyza. Ipinagtatanggol niya si Wright. "Hindi ko siya kailangan para mabuo ulit ako."

Nanghahamon niya akong tiningnan. "Hindi nga ba? Sinasabi mo lang 'yan kasi natatakot ka na baka kapag napatawad mo na siya, eh, bumalik ang pagmamahal mo sa kanya."

Nag-init ang ulo ko sa sinabi nito. "Ano bang alam mo sa pinagdaanan ko? Bakit ganyan ka makapagsalita? Kaibigan ba talaga kita?"

"Kaibigan mo ako pero wala akong kinakampihan. 'Wag mong patigasin ang puso mo. Hindi ka ipinanganak na bato."

"Ellyza, stop it." Babala ni Crissa.

Napayuko si Ellyza. "Sorry. I'm just stating my opinion, is that bad? Sa ginagawa mo, pareho niyo lang sinasaktan ang isa't-isa. Sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo. Hindi sa lahat ng oras tama ang isip."

"You said 'follow my heart', but my heart is in a million pieces. Which piece do I need to follow? Ellyza, you won't understand how I felt until it happens to you, until you experience the pain." Lumabas ako ng CR pagkatapos kong sabihin iyon.

Pagkatapos n'un ay hindi na nila ako kinulit pa. Nag-ring ang bell tanda na tapos na ang klase. Pinalabas ko na ang lahat ng estudyante ko at nagpunta naman ako sa faculty. Malamang ay nakauwi na ang iba. Tahimik akong umupo sa aking lamesa nang mapansin ang sticky notes na nakadikit sa cover ng lesson plan ko at nasa gilid niyon ay isang malaking bato.

'Ayan, kausapin mo siya. Tutal magkasingtigas kayo. Hindi masama ang magpatawad. Iyon naman ang utos Niya, 'diba? Mas maraming masasaktan kung mananatili kang ganyan. Natatabunan ng tunay na pagmamahal ang lahat ng sakit.'

--Ellyza

=================

UNEDITED. Sweeties, suportahan niyo ang book ko pag na publish na ha? Love. Love. Malapit niyo ng makita ang mukha ko, konti nalang. :)

UPLOADED: NOVEMBER 22, 2014

SK<3

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon