Hindi ako makahinga habang binabasa ang sulat ni Wright. Tumulo ang masagang luha sa aking mata. Walang lakas na napaupo ako sa sofa at nakatingin sa sulat sa akin ni Wright. Tinakpan ko ng kanang kamay ko ang aking bibig para makulong ang hikbi.
Pumunta sa pwesto ko si Reid. "Mommy! Why are you crying? Did Daddy made you cry? Do you want me to punch him? What's wrong, Mom?"
Umiling ako ng ilang beses. Hindi ako makapagsalita.
Binasa ko ang karugtong ng sulat.
It's for Reid.
Iniupo ko ito sa aking kandungan.
Hinaplos ko ang pisngi ni Reid. "Baby, y-you listen, o-okay?"
Nagtataka man ay tumango ito.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili at sinimulang basahin ang sulat ni Wright.
"To my loving, sweet Prince." Tumikhim ako para mawala ang bara sa aking lalamunan. Binagalan ko ang pagbabasa para mas maintindihan ni Reid. "Baby, don't think that I left you again. No. I love you. I love you so much, my son. It breaks my heart whenever I face my days without you in my arms. It's so cold. So cold, son. But I need to do this, because if I don't, I might hurt you both. I'll come back. I promise." Tumulo na naman ang traydor kong luha. "Wait for me. Take care of our queen for a while. I'm so proud of you, Son."
Pagkatapos kong basahin iyon ay tumingin ako kay Reid.
"Iniwan ulit tayo ni Daddy?" Seryosong sabi nito. Namuo ang luha sa bilugang mata nito.
Tumango ako. Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ang panginginig.
"Where did he go?" Mahina nitong tanong.
"Hindi ko alam, Baby."
Nasaktan ako nang tumulo ang luha sa mga mata niya. Nagbaba siya ng tingin. "Daddy said he will never leave me. He will never leave us."
"I guess he broke his promise."
Itinaas nito ang hinliliit niya. "B-But, we pinky-promised!"
"Reid, baby, I know you're hurt and I'm sorry. Napakamakasarili ko." I said between my sobs.
Niyakap ko ng mahigpit si Reid.
"No. Don't cry, Mommy. I'm fine. You taught me how to be strong. I know Daddy will come back to us. Poprotektahan kita." He murmured.
Buti ka pa, anak. Kaya mong magsakrapisyo para sa akin. Samantalang ako, wala akong ginawa kundi ang gumawa ng desisyon na alam kong masasaktan ka.
Pride.
I felt his shoulder tremble. I hugged her more tightly to calm and comfort him.
"Kung saan ka mas masaya, Mommy. Kasi love na love kita." Hikbi nito. Anong klase akong ina? Nasaktan ko ang anak ko.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap ni Reid. Pareho kaming nagulat nang tumunog ang doorbell.
Agad na tumalon si Reid pababa sa kandungan ko. "Baka po si Daddy na 'yan. Sabi ko sa'yo, Mommy, hindi tayo iiwan ni Daddy!"
Hinabol ko si Reid sa tapat ng gate. Nabuksan na nito ang gate at nakatayo roon ang babaeng nakasuot ng formal attire. Naka-skirt at naka-coat pa ito. In-adjust nito ang salamin sa mata at tumikhim.
"Who are you?"
"Good morning, Miss Melissa Quizon. I'm Fritzie Faye Angeles. Mister Wright Agoncillio's personal lawyer." Seryoso at malamig na sabi nito. "Can I talk to you, please?"
"Tungkol saan?"
"May I come in? This is confidential." Pormal nitong sabi.
Pinapasok ko ito sa loob. Napahinto ito nang makita ang loob ng living room namin.
"Oh. I see." Tumitig ito sa akin. Alam kong napansin niya ang pamumugto ng mata ko. "Do you know that red roses symbolizes eternal love? A kind of love that will conquer all. There's an ancient beliefs na kapag may Teddy bear ka, he's your protector-"
"Ano ang kailangan mo sa amin, Miss Angeles." Prangka kong sabi.
"Okay. That's quit rude but I understand. Please sit down. All I need now is your ability to hear and understand, Miss Quizon." Tumango ako at umupo sa one sitter sofa. Tumabi sa akin si Reid, yakap nito ang isang may kalakihang teddy bear. Niyakap ko ang balikat nito. Inilabas ni Miss Angeles ang isang puting folder.
"What's that?" Tanong ko.
"A contract. Signed and approved by Mister Agoncillio." Huminga ito ng malalim at binuklat ang puting folder. "Ako, si Wright Gomez-Agoncillio ay ibinibigay ang lahat-lahat ng aking kayamanan, kompanya, at mga ari-arian sa Pilipinas at America sa pangalan ng ina ng aking anak na si Melissa Flores-Quizon. Siya na ang may karapatang magpatakbo ng kompanya na dati'y aking pinamahalaan."
Tiningnan nito ang ekspresyon ko bago ituloy ang pagbabasa. "At inaatasan ko ang aking pinagkakatiwalaang abogado na si Fritzie Faye Cruz-Angeles na gabayan si Melissa Flores-Quizon sa pagpapatakbo ng Agoncillio Group of companies."
Marami pang sinasabi si Miss Angeles pero hindi na mag-sink in sa utak ko. Ipinangalan sa akin ni Wright ang lahat ng dating kanya? What would he do that?!
"W-Wait! Everything?" Singit ko.
Tumango ang abogado. "Yes. Everything, Miss Quizon."
Oh, shit! She must be kidding!
"B-But-Where.. Where is he?"
Umiling ito at isinara ang hawak na folder. "I'm sorry, Miss Quizon. But, I have no idea where he went."
"H-How- Are you kidding me?!"
Ini-adjust muli nito ang salamin sa mata. "Miss Quizon, I'm a licensed lawyer. Top six in 2013 bar exam. I graduated with full honors. Do you think I will not take my profession seriously?"
Humingi ako ng paumanhin sa kanya.
"Pero ano ang natira sa kanya gayong nasa pangalan ko na ang lahat ng kayamanan at ari-arian niya?"
"He left with.. nothing."
N-Nothing?
-----------------
UNEDITED.
H.I.M - He Is Moving-on.
#Maipilit
UPLOADED: 12-17-14
SK<3

BINABASA MO ANG
BROKEN STRINGS (COMPLETED)
General FictionCOMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Please, Wright. H-Hindi ko to k-kayang mag-isa." pagmamakaawa ako. "Please, wag mo naman akong iwan!" "S-Sorry." pilit nitong tinatanggal ang m...
BS #37: H.I.M.
Magsimula sa umpisa