Kuya Lennon and I were in total silence until we reached the center of Obando where the parade starts earlier, my eyes drifted in the sight in front of us.
Sa covered court kung saan naghihintay ang hindi ko mabilang na mga upuan, marami ng naghihintay sa pagdating ng Gobernador. Sa tingin ko ay galing din sila rito sa sentral, o kaya naman ay talagang sinadya pa nila ang pagpunta rito mula sa kanilang barranggay.
Sa tingin ko ay maghihintay lang kami rito hanggang sa dumating ang buong partido ni Daddy. Hindi ko alam kung nalaman na nila ang nangyari, sana ay hindi. Baka mamaya lang ay makita ko na lang sila kaagad dito.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ko kapain ang buckle ng seatbelt. I unbuckled it and for the first time since we came inside the car, I looked at him. Hindi na ako nagulat nang nagtama ang aming mga mata.
"Are we going to stay here, o lalabas tayo para kamayan din ang mga tao?"
"Hindi naman ikaw ang tatakbo, hindi mo kailangang kamayan silang lahat." Mabilis niyang tugon kaya naman bumagsak ang balikat ko.
Ramdam ang galit sa tono nito, hindi ko alam kung para sa akin ba iyon o para sa mga taong nag-alispusta sa akin.
"Sasabihan nila akong bastos kung makikita nila akong hindi man lang bumati sa kanila," I explained, nagbuntong hininga ito at tila hindi pa rin kumbinsado sa sinabi ko. "Kung ayaw mo, ako ang lalabas." Ngunit hindi pa ako nakakagalaw ay kaagad niyang na-lock ang mga pinto.
"Hindi ka lalabas," Mariin niyang sabi.
"Kuya Lennon!" Sigaw ko at matalim siyang tinignan.
I was about to extend my arms to unlock the doors when he immediately caught it. He gripped my wrist and I wasn't able to take it back.
"You can't swallow their words forever, Dale. I won't let you. I won't fucking let them, not in front of me."
Ibinagsak ko ang sarili sa upuan at tuluyan niya na akong binitiwan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagalit siya sa mga taong naging malupit sa akin, naalala ko pa kung paano siya kinalma ni Kuya Meteo noong nagalit siya sa media. He can literally make everyone quiever, but me. He can make me flinch, but he can't make me shiver down to my spine. I don't know, too.
Inilabas ko ang cellphone at nakipagtext na lang kay Sea, nanghingi ako ng mga updates sa kanila. Kung nasaan na silang baranggay, kung kumusta na ba sina Comet at Aster. If ever that someone backlash them too just like what happened to me. Puros ang tunog ng aking cellphone, sa bawat tunog nga 'non ay naririnig ko ang pagbubuntong hininga ni Kuya Lennon.
"Nagugutom na ako," Bulong ko sa kanya at ibinaba ang cellphone, tanghalian na.
Kung lumabas kami, baka may naghihintay na pagkain sa gym para sa mga volunteers. Kaso ay ayaw niya namang lumabas.
"You should text whoever you are texting, Dale. Sabihin mo na bilhan ka ng pagkain." Mabilis niyang sabi at tumingin sa harapan, ikinuyom ko ang kamao at inihagis ang cellphone sa dashboard.
"Si Celestine 'yon!" Sigaw ko sa kanya. "You can check my phone if you want to!" I don't know why I told him that but I feel like I have to tell him for some reasons that I don't really know! God, life's perplexed.
"Alright, where do you want to eat?" Sa isang iglap ay naging malamyos ang boses nito.
Kuya Lennon and I ate in a nearby fastfood restaurant, that's the first time I went out since we got here. After eating, we went back to the parking lot of the covered gym and we never went out again. I adjusted the car's seat, I lean backwards so I can rest my back.

BINABASA MO ANG
Caressing My Perplexed Stella [HS #3]
RomanceHechanova Series 3/4 Dale Stella Hechanova is the keenest. She always believes that even a single strand of mistake will never escape the copyreader's eyes, perhaps, it became her persona too. She nitpick not only articles but all of the people arou...