Hands Intertwined

By Humrann

49.7K 1.5K 268

Babala. Slowburn. Patience will be needed. BL? Opo Mascxmasc? Opo Light story? Hmm. May angst po. Kulit kasi... More

Hands Intertwined
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chpater 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54

Chapter 51

960 40 8
By Humrann

Sweat

Kinabukasan, maaga akong nakauwi sa bahay. Tulog pa ang lahat nang umalis ako—siguro bandang alas-kuwatro iyon ng madaling araw. Sinabihan ko na si Alli kagabi bago ako natulog para hindi siya magtaka kung bakit wala ako pag gising nila. Nauna na rin akong matulog sa kanila dahil alam kong mapupuyat pa sila sa inuman. Hindi ko na kinayang hintayin pa sila—sobrang antok ko na rin.

Kailangan ko rin kasing samahan si Mama mamalengke sa kabilang bayan. Aagahan namin para maabutan pa ang murang paninda bago magkaubusan. Kaya maaga rin kaming nakaalis. Pasikat na ang araw nang makauwi kami ni Mama, bitbit ang mga pinamili.

Ako na ang nagluto ng almusal namin habang si Mama naman ay abala na sa pag-aalaga ng mga halaman at gulay sa labas. Palagi na iyang ganyan tuwing nandito ako. Alam kong iyon ang nagpaparelax sa kaniya kaya sinisigurado kong ako na ang gumagawa ng iba pang gawaing bahay tuwing weekend.

Tapos na akong magsaing, hinihintay ko na lang lumambot ang karne nang mapalingon ako sa sala. Naroon si Papa, mahimbing ang tulog at malakas ang hilik. Napako ang tingin ko sa maliit na mesa sa tabi niya—may ilang bote ng alak at upos ng sigarilyo na nakakalat. May kung anong kumirot sa aking dibdib dahil sa sa nakita.

Mabilis akong naging abala sa kusina para tapusin ang niluluto, tapos ay dumiretso sa sala. Nilinis ko ang kalat na iniwan niya. Paglapit ko, sumingaw agad ang matapang na amoy ng alak at yosi mula sa katawan niya. Lumuhod ako sa sahig para pulutin ang mga bote.

Napalalim ang buntong-hininga ko nang mapagmasdan ko siyang mabuti—malapit, tahimik, at tila napakalayo.

Ramdam ko ang bigat na unti-unting umakyat sa dibdib ko, kasabay ng init na namuo sa gilid ng mga mata ko.

"Pa..." bulong ko pilit na wag bumigay ang boses. "Bumalik ka na sa'min."

Hindi ko napigilan ang pait na gumapang sa loob ko. Parang ang hirap-hirap niyang maabot, kahit ilang pulgada lang ang layo namin sa isa't isa.

Hindi ko siya kayang sukuan. Hindi ko magawang bitawan 'yung taong unang nagturo sa'kin kung paano tumawa, paano mag magic, kung paano maglaro, kung paano mangarap. Kilala ko siya—hindi siya ang lalaking nilamon ng alak at paninigarilyo.

Akala ko noon ay okay na ang lahat. Akala ko, tuloy-tuloy ang ginhawa sa aming pamilya gawa nga naging maganda ang takbo ng trabaho ni Papa. Pero nang mawalan siya ng trabaho, parang may nawala na malaking bahagi sa kaniya. Parang pinutulan siya ng pakpak. Hindi niya alam kung saan tutungo, kung paano lumipad muli. At mula noon, unti-unti siyang bumigay. Ang hirap talaga siguro kung isang araw ipinagkait sa'yo ang isang bagay kung saan mo binuhos ang lahat ng iyong oras at buhay.

Lahat ng kamag-anak namin ay pinagsasabihan kaming iwan na si Papa. Pero hindi kami nakinig. Hindi nila kilala si Papa.

Wala nang ibang may alam kung gaano siya kabibo at mapagmahal noon—ako lang, si mama at si ate. Kami lang ang nakakakita sa kaniya kahit palaging lasing. Ako lang ang may baon na alaala ng Papa ko na laging nagtatawanan kami habang hinahabol namin ang isa't isa sa sala. Yung papa kong sinasakay ako sa balikat habang nakangiti si Mama. Hindi siya ito ngayon, pero hindi rin siya nawawala.

Maaaring tanga kung tawagin nila kami dahil pinili wag namin siyang iwan, pero kung dadating man ang panahon na bumalik ang dating siya, alam kong magiging sulit ang lahat.

Kahit ilang pasa pa ang ibigay niya sa akin, kahit ilang beses pa niya akong matulak palayo, pipikit ako't kakapit pa rin. Dahil para sa akin, ang pamilya ay hindi basta sinusukuan. Isa itong pangako. Isa itong tahanan na kahit magiba pa, pipilitin kong tayuan muli.

Pamilya ang pinakamahalagang meron ako. At kahit anong mangyari, mananatili akong naniniwala na babalik ang Papa ko—hindi sa kung anong estado niya ngayon, kundi sa kung sino talaga siya. Yung bibo, makulit at palatawa.

Sa bahay naming luma, sa amoy ng mantika sa kusina, at sa mga kalat na iniwan ng isang ama sa sofa, doon ko natutunang hindi lahat ng sirang bagay ay kailangang itapon.

May mga bagay na pinipili mong ayusin. Kahit masakit. Kahit matagal. Dahil mahal mo.

Nakakatawa siguro ang iniisip ko para sa iba, na ito ang paninindigan ko. Pero kung kapalit nito na bumalik si Papa sa amin. Sige lang, pagtawanan niyo na ako lahat-lahat.

Niyakap ng mainit na kamay ang puso ko, nilalaro na sa isip ang hinaharap na magkakasama ulit kami na pamilya na kasama muli ang masiyahin ko na ama. Masaya at nagtatawanan kaming lahat tulad ng dati. Gagawin ko ang lahat para lang maibalik 'yon kahit ano man ang kapalit.

Matapos kaming kumain ng agahan ni Mama, ay agad akong umakyat ng bubong dahil may kailangang palitan na lumang yero ng bago. Kinakalawang na rin kasi at may butas na kaya ilang linggo rin ang pagtatiyaga ni mama dahil tumutulo iyon sa kusina at pati na rin sa kwarto nila ni Papa.

Maya-maya, nagising na rin si Papa. Tulad ng dati, dumiretso siya palabas—nakasando, may busangot ang hitsura na parang may kalaban palagi, at parang walang iniwang kalat kagabi. Tahimik siyang sinundan ng tingin ni Mama habang palabas na siya ng gate, hawak ang tasa ng kape na hindi naubos ni Papa.

Nasa itaas na ako ng bubong, tinatanggal ang mga pinaglumaang pako gamit ang martilyo, nang bigla akong matigilan. Parang may dumaan na hangin na may dalang alaala. Napapikit ako saglit.

Awtomatikong gumalaw ang kamay ko, at bago ko pa mapigilan ang sarili, nasa labi ko na 'yong mga daliri ko. Napahawak ako ro'n, parang sinusubukang alalahanin kung totoo ba talaga 'yong nangyari kagabi.

Kaiden.

Siya agad ang unang pumasok sa isip ko.

Napakagat ako sa labi ko. Tangina.

Naalala ko kung paanong nagdikit 'yong mga labi namin. Kahit may marshmallow sa gitna, kahit pa hindi buo ang nangyari, alam kong naramdaman ko siya.

'Yong init. 'Yong kaba. 'Yong sandaling parang tumigil ang lahat.

Putangina talaga.

Napahawak ako sa dibdib ko. Huli ko na napagtanto nang maramdaman na naka-angat ang labi ko at ngiting-ngiti.

"T-Tangina?!"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Anong ginagawa ko? Bakit ako kinikilig mag-isa rito sa bubong?!

Buti na lang talaga, parang sinadya ng langit, sumigaw si Mama mula sa ibaba.

Ayun. Reality check. 

"May bisita ka, nak! Hinahanap ka!" sigaw ni Mama.

"Po? Teka lang!" sigaw ko pabalik. Napatayo kaagad ako at  dahan-dahang lumalakad papunta sa dulo ng bubong para masilip si Mama.

Unti-unting tumutulo ang pawis sa gilid ng aking noo at sa aking dibdib. Topless ako ngayon at naka short lang kaya kitang-kita ko ang mga pagkintab ng katawan ko dahil sa pawis at dahil rin sa sinag na galing sa araw.

"Ano po ulit yon, Ma—" natigilan ako nang makita ang pamilyar na sasakyan na naka park sa labas ng luma naming gate. At parang multo na ayaw akong lubayan sa aking isipan, napanganga ako kung sino ang nakitang nakatayo katabi ni Mama.

"May bisita ka. Kaibigan mo raw," ngiting-ngiti na nakatingin si Mama kay Kaiden. Nakatingala naman si Kaiden sa akin at pinapayong ang mata gamit ang kamay mula sa sikat ng araw.

Pinipigilan niyang ngumiti at tsaka siya kumaway sa akin. Napasinghap na lang ako ng malalim at itinukod ang dalawang kamay sa beywang ko.

Bakit nandito siya? Ang aga-aga ah?

"A-ano ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong sa kaniya. May halong inis ko siyang tinitigan at ayaw ipakita ang namumuong kakaibang damdamin sa akin.

Ayaw ko ba nandito siya? Nagulat lang.

Masaya ba akong nandito siya? Tsk. Pupwede na?

"Obviously, I'm looking for you. Hindi ka man lang nagsabi na aalis ka ng maaga. Hinatid na sana kita," si Kaiden at natigilan ako.

"B-bakit mo naman ako ihahatid. Nanay kita?" sarkastiko at natatawa kong sabi. Talaga bang nagpunta siya dito para lang sabihin 'yan?

"Bakit ganiyan ka naman sa bisita mo, anak? Bumaba ka muna diyan at mamaya na yan ang bubong. May dala pa naman siyang mga pagkain." pagmamadali ni mama sa akin sabay pakita ng isang ecobag na puno ng mga Tupperware.

"Mamaya na, Ma. Tatapusin ko lang 'to. Mainit na mamayang tanghali. Hayaan mo na lang siya diyan. Malaki na 'yan,"

"Ano ka ba, 'nak. Nagpunta ang tao para sayo oh—"

"Okay lang po, Ma'am. Ako na lang po ang aakyat," si Kaiden. Pareho kaming kumunot ang noo ni Mama at binalingan siya.

May kumalabog bigla sa dibdib ko.

"S-siraulo ka ba? Aakyat ka dito? Bakit ka naman aakyat—"

"Ha? Bakit ka aakyat? Seryoso ka ba, hijo?"

Tumango din kaagad sa kaniya si Kaiden. "Tulungan na po muna kita ipasok ang pagkain, Ma'am." hindi ako pinansin ni Kaiden at naguguluhang iginiya siya ni Mama sa loob ng bahay.

"Ano ka ba, Tita na lang tawag mo sa'kin. Kaibigan ka naman ng anak ko. Magkaklase ba kayo ngayon sa college? Hindi kasi kita namumukhaan..."

Unti-unting naglaho ang boses ni Mama nang papasok na sila ng bahay. Napahilot ako ng sariling ulo ng wala sa oras. I was about to climb down and check on Kaiden pero nakalabas na siya ng bahay at paakyat na ng hagdan. Nasa gilid lang iyon ng bahay kaya hindi na ako nagtaka na nahanap niya iyon kaagad.

Hinawi ko ang sanga ng puno ng mangga na sumasagabal sa kaniyag pag-akyat.

"Hala, ang gago. Umakyat nga,"

"Good morning," Kaiden smiled as soon as he lands his feet on the roof.

Tumabi ako para bigyan siya ng daan. Napaupo na lang ako doon sa tabi habang siya ay nakatayo pa rin at tinatanaw ang paligid, mga kamay nito ay parehong nakatukod sa kaniyang beywang. The soft breeze played through his hair. Tinignan ko siyang habang nagsasalpukan ang aking mga kilay.

"May amats ka ba? Bakit ka nandito?" tanging tanong ko sa kaniya at bumalik sa pinapalitan kong yero kanina.

"Wala lang," he said softly. "I just...missed you,"

He paused, then turned to look at me. Unti-unting bumaba ang tingin niya. His gaze lingered—too long—on my body, as if something had caught and held his attention. Napalunok siya, dahan-dahan.

Curious, sinundan ko ang direksyon ng mga mata niya sa aking katawan at saka ko lang napansin ang lagkit ng pawis sa balat ko, ang pagtaas-baba ng tiyan ko sa bawat malalim na paghinga—at ang abs na bahagyang lumilitaw dahil doon.

Pero higit pa ro'n, kita rin ang mga bakas ng sugat ko, hindi lang sa balikat. Hindi naman doon nakatingin si Kaiden dahil mukhang hindi naman iyon kita, at hindi rin gano'n ka-obvious ang ibang galos ko, pero kasi...na-conscious ako bigla.

Napaayos ako ng upo, iniangat ang tuhod, at niyakap ito, parang may dapat akong itago. I looked away, heat crawling up my neck at sa di maipaliwanag na hiyang gumapang sa akin.

Kaiden blinked, caught—too late—realizing where his eyes had just been. He immediately cleared his throat at parang may nabara doon.

Dahil sa halo-halong nararamdaman at sa huling sinabi nito ay wala sa oras akong napatayo sa kinauupuan at naglakad kung saan ako nag-aayos ng yero kanina.

"Wala akong good morning?" now, I can hear his steps following behind me.

Napatigil ako saglit sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Walang bahid ng pagbibiro ang boses niya.

But still, my thoughts still lingered kung ano ang sinabi niya sa huli.

M-miss niya ako? Tangina.

At tangina. Bakit kahit sa isip nauutal ako?

Pilit ko na nga na wag alalahanin ang mga sinabi niya sa akin kagabi, ngayon magdadagdag pa siya ng mas lalo kong ikakagulo ng aking isipan? Bwiset talaga.

"M-morning," nahihiya kong sambit at mabilis ulit na lumakad palayo sa kaniya.

"Mag...mag-ingat ka. Baka mahulog ka. Malayo ang ospital dito. Ikaw magpapa-ospital ng sarili mo pag nahulog ka," dagdag ko at hindi na siya nilingon pa.

Wala na akong may naririnig na yapak na sumsunod sa akin pagkatapos non kaya mabilis akong napalingon sa likod, takot na baka ano ang nangyari sa kaniya.

Napako lang si Kaiden sa kinatatayuan niya at seryosong tinititigan ako ng kaniyag mga mapupungay na mga mata. Humahaplos sa balat niya ang banayad na sinag ng umagang araw, binibigyang ginto ang kaniyang dark brown na buhok. Kumislap ang mapusyaw niyang mga mata sa ilalim ng araw, at sa bawat guhit ng kanyang mukha—matalim, maamo, perpekto—almost looking unreal.

Parang hindi siya nababagay dito—o baka ako lang ang hindi sanay makita siya sa ganitong liwanag.

Nakasuot siya ng navy blue na polo shirt at may logo ng damit sa kaliwang dibdib, medyo nakabukas ang itaas na butones kaya kita ang konting balat sa pagitan ng leeg at dibdib niya. Malinis siyang tignan. Maayos. Parang hindi lang basta bumisita—parang sinadyang ayusin ang sarili bago siya nagpunta dito.

Napakagat ako sa loob ng pisngi, pilit nilulunok ang kabang biglang sumirit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa itsura niya, o dahil sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin. Tahimik, pero matalim. Parang sinusubukan niya akong basahin.

Nang makita niyang lumingon ako, Kaiden's lips curled into a soft, almost knowing smile.

"That's old news," aniya, ang boses niya mabigat ngunit buo, may halong kalmado na may nakakabinging lakas sa ilalim. "I already fell, Zachary. And it's deep."

May kung anong bagay sa kanyang sinabi na parang kulo ng init na dumaan sa katawan ko. Hindi ko nga lang alam kung ano iyon o mabigyan ng pangalan,

"Ikaw?" tanong niya, matalim ang mata, ngunit may kaunting pilyong kislap. "May balak ka bang sumunod? I'm just here...waiting."

Parang may humigpit sa lalamunan ko. Ramdam ko rin ang sunod-sunod at malalakas na pagkalabog ng puso ko sa dibdib—hindi na normal 'to.

"A...a-ano?" nauutal kong balik, pilit pinipilit ang sarili na makatingin sa kaniya nang matapang, sabay banat ng irap. "B-bakit ko naman gugustuhing mahulog...s-sa bubong?" matagal bago ko iyon sinundan. Tama, Finn. Bubong ang tinutukoy niya.

Pinilit kong gawing matigas ang boses ko, kalmado, walang tama. Pero kahit anong pilit kong magpakatatag, mabigat ang bawat salitang binitiwan niya.

Pagkahulog sa bubong ang pinag-uusapan namin, 'di ba? 'di ba?

Oo. Tama. Bubuong ang pinag-uusapan namin.

Kaiden chuckled, pero may kung anong kakaiba sa tawa niya—parang siya lang ang nakakaintindi ng lihim na ayaw niyang sabihin nang diretsahan. Parang kasalanan ko pang hindi ko pa kayang unawain.

"It's lonesome," bulong niya, mas mahina na ngayon. "To be the only one falling."

Biglang naging mabigat ang hangin sa pagitan namin. Hindi ko na kailangang tanungin—alam kong hindi lang bubong ang tinutukoy niya.

At hindi ko rin alam kung paano ko siya dapat sagutin.

Kaya ang tanging nagawa ko... ay tumawa na lang. Pilit. Bitin. May bahid ng takot.

"Tangina, ang drama mo," sabay iling ko, pilit na tinataboy ang damdaming ayaw pa rin magpahuli.

Kaiden chuckled, shaking his head before looking away. Pero kahit hindi na siya nakatingin sa akin, alam kong hindi pa rin nagbabago ang ibig sabihin ng mga sinabi niya. Alam kong hindi ko 'yon dapat ipagsawalang-bahala—dahil ramdam kong may kahulugan ang mga sinabi niya. Ramdam kong may gusto siyang makuha na sagot.

Pero paano kung hindi pa ako handang sagutin 'yon? Paano kung ayaw ko?

Umiling kaagad ako.

Wag kang mahuhulog, Finn. Tandaan mo, parte lang to ng paglalaro niya. It's obvious that he's making you feel all of these emotions only for his gain. Kapag nahulog ako at nasabi ko iyon sa kaniya—tapos na ang laban. Pagtatawanan niya lang ako.

Tama. 'Yan na lang ang iisipin ko sa likod ng lahat ng mga pinanggagawa at pinagsasabi. Bakit naman hindi? Yun lang naman ang pinakaposible at may sense na dahilan sa lahat ng naiisip ko.

Merong pa akong naiisip kung bakit siya ganito sa akin pero...takot akong harapin iyon. Mahirap na at kung yun ang paiiralin ko, baka ako lang ang masasaktan sa huli pag nagkamali nga ako ng hinala. Alam ko kasing marami ang mga nabibiktima sa mga ganyan eh. Uso ata. Tch.

"Tulungan na kita," si Kaiden matapos akong mag-squat sa harap ng lumang yero na paunti-unti kong tinatanggalan ng pako.

Nagsquat din siya sa tabi ko at aakmang kuhanin ang martilyo sa aking kamay.

"Wag na. Ako na. Sagabal ka lang dito,"

At isa pa, marunong ba 'to mag-ayos ng bubong? I tried to look at him at hindi ko makumbinsi ang sarili na marunong siya. Umiling din kaagad siya at parang alam kaagad ang nasa isip ko.

"Tulungan na kita. Mas mabilis tayong matatapos dito," si Kaiden at tuluyang nakuha sa akin ang hawak na martilyo. "At 'wag ka mag-alala. Marunong ako mag-ayos ng bubong kung 'yan ang iniisip mo. I didn't take Civil Engineering for nothing,"

"I didn't take Civil nye nye nye nye. Oo na. Ikaw na ang magaling,"

Natawa lang siya. Umangat ang kamay niya, at akala ko kukurutin ako sa pisngi. Kinabahan ako, pero hindi niya itinuloy. Nagkatinginan lang kami saglit habang dahan-dahang bumaba ang kamay niya.

"T-tulungan kita," si Kaiden matapos tumikhim ng malakas.

Hindi na ako umalma at hinayaan na lang siya sa kaniyang gusto. Nakakapagod din kasi minsan ang makipagtalo. Alam ko na rin kasi na ipipilit niya iyon kahit tatanggihan ko ang alok niya. Sa tagal na ng pagkakilala ko sa kaniya, alam ko na may taglay siyang kakulitan at hindi siya madaling sumuko. Lumaki ba naman siguro ito na nakukuha ang lahat ng kaniyang gusto.

Kalaunan, si Kaiden na lang ang gumawa at hindi na niya ako pinatulong. Nakaupo na lang ako sa gilid at pinagmasdan siyang inaayos ang bubong namin.

I feel guilty all of a sudden when his sweat began to damp his clothes at wala man lang akong ginawang tulong kahit bahay din namin 'to. Seconds later, beads of sweat started to drop from his face. Nag-alok na ako na ang tumapos no'n at magpahinga siya pero hindi siya nagpaawat.

"You could just wipe my sweat off, if you want," he suggested, still hammering the nails down to the truss. Ngayon, napalitan na ang lumang yero namin ng bago.

Suminghap ako at wala ng magawa matapos ang mahabang bangayan namin. Kinuha ko ang dalang tuwalya na para sa akin sana pero inalok ko na lang iyon sa kaniya.

"Magpunas ka nga muna. Malinis 'to. Hindi ko pa nagagamit,"

Tinignan niya lang ang hawak kong tuwalya at napangiwi ang labi. Bumalik ang kaniyang mata sa pagpapako at hinayaan ang kamay ko na nakabitin sa ere.

"Sorry. My hands are full at the moment," aniya at patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa.

Pinagmasdan ko lang siya matapos no'n. Basa na ang kaniyang mukha at pati rin ang kaniyang damit. Kahit ang tungki ng matangos na ilong nito ay may tumutulong pawis. Para akong naguilty na parang ewan. Siya naman 'tong ayaw tanggapin ang tuwalya kaya bakit ako nababahala ng ganito. Bahala siya.

Not until another drop of sweat rolled off the tip of his nose.

Mabigat akong napabuntong-hininga, hindi na kayang tignan pa na nalulunod na ang kaniyang mukha sa sariling pawis.

"Tsk. Ako na nga,"

Lumapit ako at marahang idinampi ang tuwalya sa noo niya. Basa rin ang leeg niya kaya pinunasan ko na rin 'yon, sinusundan ang kurba ng kanyang panga. Nang bahagya niyang ikiling ang ulo para bigyan ako ng mas maayos na daan, hindi ko na pinigilan ang sarili ko—pinunasan ko ang pisngi niya, saka dahan-dahang pinadaan ang tuwalya sa basa niyang buhok.

Bahagyang lumawak ang ngiti sa kanyang mga labi, habang nanatiling nakatingin sa bubong. His whole face screamed at parang nagtagumpay siya sa kung ano man ang kaniyang plano.

"Thanks, love."

Napahinto ang kamay ko. Biglang uminit ang mukha ko, parang may kung anong sumabog sa loob-loob ko.

At sa reflex—na parang ako na mismo ang gustong tumakip sa sarili kong kahihiyan—ibinalibag ko ang tuwalya diretso sa mukha niya.

"Sabihin mo pa ulit 'yon ng isang beses—"

Mabilis siyang lumingon sa akin, ang mukha nito'y biglang sumeryoso.

"Why? You don't like it?" Tumigil siya sandali, parang nag-iisip.

"Hmm. May suggestions ka ba? Okay din ang baby. Babe is fine. Mahal? Bebe? Medyo cringey. Pero lablab... I like lablab. It's cute." sunod-sunod niyang sabi at parang nagbibilang lang ng kamay.

I scoffed, shaking my head in disbelief.

"Yawa ka. Bahala ka nga diyan," I muttered before turning away, pretending I wasn't affected.

Pero ramdam ko pa rin ang init sa mukha ko, lalo na nang marinig ko ang mahina niyang tawa sa likod ko. Sinadya niya 'yon. Gusto niya lang akong asarin.

"Alright. Love it is."

"Love mo mukha mo!"

"Wag ka na magalit, love. Sayo din ang oras ko mamaya. Your husband is a bit occupied right now, alright?" Naaaliw niyang sabi at binalingan ako.

Ramdam ko kaagad ang pagbaliktad ng mga kalamnan ko sa loob at ang paglakas ng kalabog ng puso ko.

"Nag-aadik ka ba? L-lakas ng amats mo ah,"

Umiinit ang pisngi ko nang naglakad ako ng papalayo sa kaniya, takot na marinig niya ang pagbangga ng puso ko sa dibdib ko at gustong kumawala. Tangina. Para akong nababali sa mga sinasabi niya. Sa totoo nga, parang tuluyan na akong nabali.

Ang hina ko naman! Tinawag lang naman akong 'love', ganito na ako makapag react? Ganito ba ako kadali matiklop? Tch. Piste talaga!

I sat back down under the shade, trying to distract myself as he continued hammering away. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang mapatingin ulit sa kaniya. Kaiden, drenched in sweat, the sunlight hitting his skin just right—like he was meant to be here, on this roof, nag-aayos ng pinaglumaang bubong kahit hindi niya naman iyon responsibilidad.

Ilang minuto rin ang lumipas bago siya napabuntong-hininga nang malalim, sabay bitaw ng martilyo sa tabi niya.

"Done," anunsyo niya, sabay-unat ng mga braso at ikot ng balikat paatras.

Kinuha niya ang tuwalyang tinapon ko sa kaniyang balikat at pinunasan ang sariling mukha. Pinunasan niya din ang kaniyang katawan sa ilalim ng kaniyang damit dahilan para umangat iyon ng kaonti at sumilay ang kaniyang batak na katawan. Sanay naman akong makakita ng katawan ng mga lalaki, kahit nakahubad pa kami nina Tristan at Sander—walang malisya iyon. Pero sa katawan lang ata ako ni Kaiden unang napaiwas ng tingin.

"Tapos na?" tanong ko tsaka napatayo para tignan ang resulta ng kaniyang pagpapawis.

"Yup." Pinalis niya ang mga pawis na natitira sa kaniyang noo gamit ang likuran ng kaniyang kamay.

"Solid na 'yan. Baka nga mas matibay pa sa'yo."

Napangisi ako, agad napagtanto ang gustong iparating. "Gago."

Just as I was about to say something else, boses ni Mama ang umalingawngaw sa ilalim.

"Mga anak, tama na 'yan! Kumain na kayo."

Kaiden looked at me with that usual teasing glint in his eyes. Doon pa lang gusto ko nang umirap sa kaniya at talikuran siya.

"You heard that? Mga anak daw." He paused as his smile grew even wider, halatang nagustuhan iyon.

"Tara na, love." His hand gesturing me to take our leave.

I groaned, shoving him lightly before climbing down the ladder first.

"Isa pa, Kaiden. Makikita mo," banta ko, kahit alam kong tatawanan niya lang ako.

And he did.

Behind me, he only laughed, following me down.

"Ano?" nakangisi pa rin siya, bahagyang tumagilid ang ulo. "I think it's only right that we should have our own endearment at least. Especially now that we just shared our first kiss last night. Kailangan natin 'yon panindigan, diba?"

Muntik na akong mabilaukan sa hangin. Talaga bang ayaw niyang kalimutang ang nangyari kagabi? Hirap nan ga akong kalimutan ang nangyari kagabi tapos heto siya at pilit na pinapaalala ang lahat sa akin.

"Mukha mo. Anong endearment?" irap ko sa kaniya, pero hindi ko na rin napigilan ang pag ngiti ko habang patuloy kaming naglalakad papunta sa bahay. "Manindigan ka mag-isa," dagdag ko sabay iling sa kaniya, tinatrato bilang biro ang mga pinagsasabi niya. Kailangan kong tanggapin lahat ng mga sinabi niya bilang biro, dahil kung hindi, natatakot ako para sa sarili ko.

Kaiden just laughed softly, the kind that says he knows exactly what he's doing.

Naglakad siya sa tabi ko, bahagyang sumulyap habang hawak pa rin ang tuwalya sa balikat.

"Ginagawa ko na nga, diba?" bulong niya, halos mahulog sa hangin ang mga salita. "Pinaninindigan na kita."

Continue Reading

You'll Also Like

38.6K 1.6K 48
Everything comes to us at the right time. Be patient and when the right moment comes, it'll totally worth the wait. At the right place. For the righ...
456 21 28
Not yet done and ongoing palang po. Madalas po akong nag u-update. Sana suportahan nyopo itong istorya ko huhu Salamat🙏
135K 4.6K 54
Ang kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisani...
82.8K 2.8K 55
Maibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakata...