抖阴社区

I'll Always Be Your Safe Have...

By ionycolide

2.2K 228 150

Simula pagkabata, magkaibigan na sina Eve at Atlas. Habang lumilipas ang panahon, unti-unting nahulog ang pus... More

Disclaimer
EverLas
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 14

24 8 2
By ionycolide

Chapter 14

"Lola..."

Hapon na. Maliwanag ang araw pero presko ang hangin sa garden. Nasa ilalim kami ng punong sampaguita, nakaupo sa lumang wrought iron bench.

Hawak niya ang baso ng calamansi juice habang ako naman ay abala sa pag-aayos ng mga bagong tanim naming sunflower sa paso.

"Bakit, apo?" tanong niya, hindi inaalis ang tingin sa halamang inaabot ng sinag ng araw.

"May sasabihin po ako..."

Napatingin siya sa akin, marahan ang kilos. Ako naman, pakiramdam ko para akong lalagnatin sa kaba.

"Si Atlas po... nanliligaw na sa akin."

Narinig ko pa ang pagaspas ng dahon sa hangin. Tahimik si Lola, pero may ngiting sumilay sa labi.

"Ay, 'yon lang pala."

Napakunot noo ako. "Po? Hindi po kayo nagulat?"

"Hindi na. Nakaraan ko pa alam, kilala ko kayong dalawa. Matagal ko nang inaasahan 'yon."

"Okay lang po ba 'yon?" tanong ko, may alinlangan pa rin sa tinig.

"Basta kilalanin mo nang mabuti. Hindi lang puso ang ginagamit sa gan'yang bagay, apo. Kailangan may tiwala, respeto, at tamang panahon."

Tumango ako, saka ipinahinga ang ulo sa balikat niya.

"Pero kung ako ang tatanungin mo..." bulong niya, sabay sulyap sa akin. "May tiwala ako kay Atlas."

Napangiti ako. At sakto namang dumating si Atlas, may dalang maliit na kahon ng brownies.

Lumingon si Lola, inirapan si Atlas ng pabiro. "Nandito na ang paborito mong manliligaw."

Kumunot ang noo ni Atlas habang naglalakad palapit kay Lola para magmano. "Paboritong manliligaw? May ibang manliligaw pa po ba si Hart, La?"

Natawa ako habang tumayo mula sa pagkakaupo. "Ano sa tingin mo?"

"Kung meron man, sigurado akong panandalian lang sila. Ako kasi... pangmatagalan."

"Naku, 'yan ang delikado," sabat ni Lola, pero may ngiting hindi maitago. "Marunong nang sumagot."

Tinawanan namin siya, at ilang saglit pa ay nakiyuko na rin si Atlas sa paso para tulungan akong ayusin ang sunflowers. Si Lola naman, pinagmamasdan lang kami, paminsan-minsang nagbibigay ng tips o pang-aasar.

"Ilagay niyo sa gilid 'yang maliliit, para pag lumaki, hindi sila nag-uunahan sa araw," bilin niya.

"Noted, Head Gardener," saad ni Atlas, sabay saludo.

"Hoy, respeto sa senior citizen!" sagot ni Lola pero hindi mapigilan ang tawa.

Ako naman, abalang nililinis ang lupa sa gilid ng paso.

"Atlas, 'wag mong kalimutan 'yong tabo ng tubig, baka matuyuan ulit 'yang sunflower ko tulad ng feelings mo dati."

"Grabe ka sa 'dating feelings'," sabi niya, kunwaring nasaktan habang hawak ang dibdib. "I was about to admit that I've been consistent with you since I was seven!"

"Eh bakit ngayon ka lang naglakas loob?"

"Kasi... ngayon lang ako sure na may chance ako."

Nagkatinginan kami, sabay lingon kay Lolang nakataas ang kilay sa amin. "Naku, naglalandi na kayo sa harap ng mga halaman ko!" biro ni Lola habang pinapagitna ang sarili sa aming dalawa. "Kung gan'yan kayong magharutan habang nagtatanim, baka sa susunod baby na itanim niyo!"

"Lola!" sigaw ko.

"Anong 'Lola'? Totoo naman! Pero 'wag muna, ha! Sa ngayon, halaman lang muna ang palakihin niyo. 'Pag stable na, saka na mag-level up."

Pagtapos naming mag-ayos ng hardin, umupo kami saglit sa tabi ni Lola para magpahinga.

"Dad would love for you and Lola to join us for dinner tonight since they're flying back to Italy tomorrow," saad ni Atlas habang pinupunasan ng bimpo ang kamay.

Napatingin ako kay Lola na agad namang umiling, may ngiti sa labi.

"Ay, hindi na ako sasama. Magpapahinga na lang ako, apo. 'Yong katawan ko, mas gusto na ng pahinga," sagot niya, sabay tayo at pinunas ang kamay sa apron niya.

"Sigurado po kayo, La?" tanong ni Atlas, bahagyang nag-aalala.

"Oo naman. Kayo na lang. Mas mabuti 'yan, makapag-usap kayo nang maayos. Huwag niyo na 'kong isipin," ani Lola, sabay kindat pa sa akin na parang may pinapahiwatig. Napangiti ako, kahit medyo nahiya.

Tumayo si Atlas, tinakpan ang maliit na kahon ng brownies at hinawakan ang paso ng sunflowers para ilipat sa gilid.

"Sige po, uuwi na po muna ako," aniya. Lumapit siya kay Lola at magalang na nagmano.

Tumingin siya sa akin. "I'll be back by 7, okay? Don't even think about backing out," dagdag niya.

Napailing ako, pero hindi mapigilang mapangiti.

"Hindi ako aatras. Basta 'wag mo 'kong paghintayin," sagot ko.

"Of course," sagot niya bago tumalikod at tumakbo palabas ng gate, pero bago siya tuluyang makalayo, humarap siya ulit at sumigaw, "Save me a smile for later, ha!"

Natawa si Lola. "Apo... in love na 'yan."

Tumango ako nang mahina, hawak-hawak pa rin ang maliit na pala. Hindi man ako sumagot, sa loob-loob ko, alam kong tama si Lola.

I wore a black dress with a white off-shoulder detail. It was simple but elegant—just the right length, falling below my knees, and showed a bit of my collarbone. I paired it with white pointed heels that had a little sparkle—not too fancy, just enough to look ready for the night.

My hair was in a French braid, my usual style. It was neat and simple.

Just as I finished getting ready, I heard the doorbell ring, so I quickly stepped out. Atlas looked as calm as ever, but the way his eyes lingered on me gave him away—he was a little caught off guard. I smiled, trying to hide the butterflies fluttering in my stomach.

"You look really beautiful," he said, almost like it wasn't planned, like it just slipped out.

I froze for a second, unsure if I heard him right. My heart skipped a beat. "Really?" I asked, trying to hide the sudden warmth in my cheeks.

He nodded, not looking away. "Yeah. Really."

And just like that, the nervousness I'd felt earlier melted into something lighter—something sweet. Like maybe, just maybe, this night would turn out even better than I expected.

We got into the car, and soon we were on our way to the restaurant. The city lights passed us by, but my mind was still stuck on the way he looked at me earlier.

"Nando'n na sila," Atlas said, breaking the silence as he glanced at his phone. "My dad just texted. They're already at the restaurant. My stepmom will be there too. First time meeting her."

My smile faded just a bit—not out of fear, but from the sudden wave of butterflies. "Oh. Right."

Atlas reached over and gently squeezed my hand. "She'll like you. I know she will."

Napalingon ako sa kaniya, saka bahagyang tumango habang pilit tinatabunan ang kaba sa isang maliit na ngiti.

Tahimik kaming nagpatuloy sa biyahe, pero sa loob ko, ang ingay ng tibok ng puso ko parang may sariling mundo. Pilit kong iniisip kung anong sasabihin ko sa stepmom niya, kung paano ako magpapakilala at kung paano siya titingin sa akin.

Naramdaman yata ni Atlas ang kaba ko, kaya bigla siyang nagsalita, "You don't have to impress her. Just be you."

Napatingin ako sa kanya ulit. "Easy for you to say," sabi ko, sabay tawa ng mahina. "You're already used to her."

"But you have this… effect on people. You're warm. She'll see that."

Bago pa ako makasagot, tumigil na ang sasakyan. Nakarating na pala kami. Mula sa loob ng restaurant, aninag ko agad ang ama ni Atlas na nakaupo, pormal pa rin pero may ngiti sa mukha. Sa tabi niya, may babaeng elegante ang postura—iyon na siguro si Tita Alice. Hindi rin nagtagal, napansin ko si Aldrin na kausap si Tito Adrian.

Huminga ako nang malalim.

"Ready?" tanong ni Atlas, sabay abot ng kamay niya.

Tumingin ako sa kaniya, saka ako ngumiti. "As I'll ever be."

Naglakad kami papasok ng restaurant. Tahimik lang si Atlas sa tabi ko, at ako naman, pilit pinapakalma ang sarili. Habang papalapit kami, ramdam ko ang bahagyang pagbigat ng dibdib ko—hindi dahil sa takot, kundi sa ideyang ito ang unang beses kong makikilala si Tita Alice.

Tumayo agad si Tito Adrian nang makita kami. Ngumiti siya, pamilyar at magaan. "You made it," sabi niya, sabay tango kay Atlas, tapos sa akin.

"Hi, Tito," bati ko, sabay ngiti. May kaba pa rin, pero kahit paano, nakakahinga ako nang mas maayos dahil kilala ko na siya. Tinapik niya ang balikat ni Atlas bago kami pinaupo.

Paglingon ko, nakatingin na sa akin si Tita Alice.

Eleganteng nakaayos ang buhok niya, may makinis na ekspresyon, at parang binabasa niya ako gamit ang tingin niya. Bahagyang kumunot ang noo ko sa loob-loob ko—hindi dahil masungit siya, pero hindi ko agad mabasa kung anong iniisip niya.

Ngumiti ako, mahinahon. "Good evening po," bati ko.

Tumango siya, saka sumagot, "So you're the girl my stepson keeps talking about."

Napatingin ako kay Atlas, na ngayon ay biglang umiwas ng tingin na parang nahuli sa akto.

"I hope that's a good thing," sabi ko, pilit pinapanatili ang pagiging magaan ng boses ko kahit may konting kaba pa rin.

At doon, parang bahagyang lumambot ang mga mata ni Tita Alice.

"Let's find out," sagot niya, medyo may biro sa tono.

Umupo na kami sa mesa, at nagsimula nang dumating ang mga pagkain. Tahimik ako sa una, pinagmamasdan lang kung paano sila mag-usap. Si Atlas, panay tingin sa akin, parang sinisigurong okay lang ako.

"Hindi mo sinabi na ang girlfriend mo ay may magandang taste sa pananamit," biro ni Tita Alice habang naglalagay ng salad sa plato niya.

"She basically lives in dresses—she pulls them off so effortlessly." sagot niya, hindi tumitingin, pero halata sa tono niya ang totoo.

"Uhm... just to clarify po, I'm not his girlfriend." I took a sip of water, trying to hide the awkward smile creeping onto my face.

"Not yet," sabi ni Atlas.

"Parang nakaraan lang niloloko mo 'ko na girlfriend mo si Ate Eve, ngayon parang malapit nang magkatotoo," asar ni Aldrin.

Napatawa silang tatlo. Pati si Tito Adrian, na kanina'y tahimik lang, ngumiti.

"Marunong ka rin ba magluto?" tanong ni Tita Alice, this time looking directly at me.

Medyo natawa ako. "Konti lang po. Pero mas madalas po akong kumakain kaysa nagluluto."

"Good. At least hindi ka mapilit sa kusina," sabi ni Tita Alice, sabay kindat. "Ako kasi, kahit anong luto ko noon, si Adrian, wala namang reklamo—pero hindi rin inuulit."

Napansin ko, si Tita Alice, hindi naman pala intimidating. Maayos siyang kausap, matalas lang ang mga mata, pero may warm na aura kapag nasanay ka na.

After a while, I noticed Atlas kept stealing glances at me. When our eyes finally met, he smiled.

"Gusto ko pa sanang mag-stay dito, kaso kailangang bumalik sa Italy," sabi ni Tito Adrian, may bahagyang lungkot sa boses niya. "Work is calling again. May mga pasyenteng naghihintay sa akin."

Then he turned to me with a kind smile. "You and Atlas are always welcome to visit," he said sincerely. "You should both come see us there. The house feels too quiet sometimes—lalo na kapag wala si Atlas."

I nodded, smiling politely. "That sounds lovely, po."

"Promise me you'll think about it," he added. "Italy has a way of making people fall in love—with the place, the food, the feeling of slowing down."

Atlas chuckled softly. "Dad's right. It's different there. Calmer. Simple, but… unforgettable."

Napatingin ako sa kaniya. For a moment, I wondered if he was just talking about Italy—or something else entirely.

"I'll think about it," I said, meeting his eyes. "Maybe one day."

"Someday," Atlas echoed, more to himself than to anyone.

"Speaking of visiting… Atlas, naaalala mo pa si Halila?"

Atlas's expression shifted—subtle, but I caught the slight tension in his jaw.

"She's planning to visit here in Philippines," Tita Alice continued. "If matuloy, I'll let you know para mapasyal mo siya rito."

"Ah," was all Atlas said, clearing his throat.

I looked down at my plate, trying to focus on the food, but my mind was elsewhere. Halila. Whoever she was, the name carried weight. And by the way Tita Alice smiled, I had a feeling she wasn’t just a random family friend.

I forced a smile, still trying to process what I was feeling. But Atlas reached for his glass, took a sip, then leaned a little closer to me.

"She's just someone from a long time ago," he whispered, as if sensing my thoughts. "Don't overthink it."

I nodded and smiled.

Continue Reading

You'll Also Like

821 496 24
"You're a wizard,Harry!" Whoops,wrong book. "You're a Light Healer, Aurelia!" Eh....Not as catchy but let's roll with it. One night Princess Aurelia...
7.6K 70 42
"We never asked for this. Our lives were written by others, our hearts shackled to a contract neither of us wanted. But somewhere between the lies we...
3.4K 222 29
R18 | SPG Sa isang ordinaryong gabi, nagulat si Dr. Seraphina "Sera" Velasquez nang makita ang isang lalaking duguan sa lobby ng kanyang apartment. K...
259 11 5
So many unrealistic demands. Bakit kaya ang daming expectations na sine-set ng mga taong na sa paligid natin? Na kahait na anong mangyari sa buhay mo...