抖阴社区

Natuturuan Ba Ang Puso.

By basapagmaytime

222 0 0

Tunay na istorya ng Tapat na Pagibig na nauwi sa Pagtalikod. More

Natuturuan Ba Ang Puso 1
Natuturuan Ba Ang Puso 2
Natuturuan Ba Ang Puso 3
Natuturuan Ba Ang Puso 4
Natururuan Ba Ang Puso 6
Natuturuan Ba Ang Puso 7
Natuturuan Ba Ang Puso 8
Natuturuan Ba Ang Puso 9
Natuturuan Ba Ang Puso 10
Natuturuan Ba Ang Puso 11

Natuturuan Ba Ang Puso 5

17 0 0
By basapagmaytime

September 26 2014,
Riza:nagpa print sya ng mga pictures ninyo
Resselle:gagawin niya atang Scrapbook.wag ka maingay na sinabi ko ha!
Christian:ah talaga, sige di ko sasabihing sinabi ninyo, kinikilig ako.hehe

Paglabas ni Jenet ay sinalubong niya ko ng yakap at binati
Jenet: Happy Anniversary satin mahal ko!
Christian: Happy Anniv mahal ko!
Jenet:pasensya ka na di ko pa mabibigay gift ko sayo.ginagawa ko pa e,tska marami pang kulang.
Christian :hmmm,ano naman kaya yun ? Hehe
Jenet: basta, lalagyan ko pa ng mga design e, basta!Next month ko na lang ibibigay sayo.

Christian:parang may idea na ko kung ano yan a ! Ok no problem. Eto yun gift ko sayo

Jenet: (binuksan ang balot)ay wow, Songbook at may pictures pa natin bawat page, halus parehas pala tayo ng idea.(binuklat unti unti)ang ganda,kaso sana nilagyan mo na rin ng tagalog songs nina Sarah,Genilyn Mercado,Yeng,Nina at Aiza !

Ate Bek: Wow ang ganda,(binuklat bawat pahina)ang gaganda ng mga kanta at may pictures nyo pa,naku !  Mahihirapan kayo maka move on niyan pag nagkahiwalay kayo(sabay halakhak) grabe, pinag trabahuhan talaga maige.sayang to pag nagkahiwalay kayo
Riza: itatabi ko !Tsaka puede naman gamitin pag nag gigitara, takpan na nga lang mga mukha nila,
Resselle: Ayos ang lupet, ang sakit niyan kapag di kayo nagkatuluyan sa huli,sayang nga yung songbook.haha

Bumili ako sa labas saglit ng tatlong 1.5 na Coke sa tindahan sa tapat ng bahay nila Jenet ng biglang nagtanong sakin ang tindera.
Tindera: ay Kuya, ikaw ba yung Bf nung Jenet ?
Christian: Opo bakit po ?
Tindera: totoo bang pina aaral mo sya ?
Christian:eH Oho,
Tindera: naku e dapat pakasal din kayo,alam mo sa panahon natin ngayon mahirap magpa aral ng di mo naman ka anu-ano. Wag kang pumayag ng ganon,dapat ay makasal din kayo mamya di naman kayo magkatuluyan sa bandang huli, nagsayang ka lang ng pera !
Christian: sige salamat po.

Napaisip din ako sa mga sinabi ng kanilang kapit bahay, tama !  sayang kung hindi kami ang magkakatuluyan, wala pa naman ako nakikitang pagbabago kay Jenet at sa relasyon namin.ang mas nakakatakot pa nito ay di ko talaga nararamdamang mahal niya ako,pag nagkataon sayang ang aking Pawis, Panahon, Pera at Pag ibig,

Hindi sinungaling ang puso, kahit pa nakikipag talik ang isang babae sayo ay di ito mangangahulugan ng siyay nagmamahal,ang ating Utak ang nagsasabi ng tama at mali, pero puso naman ang nagsasabi at nakakaramdam kung minamahal tayo, noon di ko to matiyak sa sarili pero kinalaunan hindi pala guni guni o maling hinala lamang ang mga nararamdaman ko ,sa bandang huli ay napatunayan kong ako ay Tama.Hindi Sinungaling ang ating nararamdaman sa Pagtukoy ng Pagmamahal, maaaring hindi nga basehan ang Emosyon o Pakiramdam lamang sa pag alam ng katotohanan, pero ang ating nararamdaman ang syang basehan sa pag tukoy ng kapwa nararamdaman.

Panay ang Dalangin so Panginoong May Kapal, na sana mahalin ako ng babaeng mahal na mahal ko, Masyado ng malaki ang Paghihirap ko at pakiramdam koy naglalaro ako ng sugal na di mo alam kung mananalo ka o matatalo, Patuloy ang pakikipag sugal ko sa relasyong ito.

Pumasok sa isipan ko kung yayain ko na kaya siya ng kasal tutal may pangako naman siya sa akin na pakakasal siya kung mapag aral ko sya.nag iisip ako ng mga surpresa noon pero kinakabahan ako na ma reject, pano kung tanungin mo sya ng "Will You Marry Me ? " pero sumagot sya ng "No"?  Given na alam kong tagilid ako sa kanya. Alam kong di pa nya gusto mag buhay pamilya at kung gusto nya talaga ito di sin sana narinig ko na sana sa bibig niya ang mga futuristic  plans kung saan ako ang ama at siyay isa ng ina at may baby kami.pero malabo ganon pa man siya ang may pangakong pakakasal sya sakin pag pinag aral ko siya. Hindi naman kami papakasal agad ang mahalaga ay mapag usapan na ito at makapag plano na, maaring next year by vacation or june or july or next christmas basta this coming 2015.

Lumipas ang isang buwan, oktubre sembreak ng mga International schools nagkaron ako ng chance ma masundo sya ng madalas sa school niya.sinubukan kong i open ang topic ng kasal pero nagpasa kalye muna ako.

Christian: Nik,Jenet o isang buwan na,actually mag da dalwang buwan na asan na yung gift mo saking Scrapbook ?
Jenet: lang hiya!  Alam mo na pala,sino nagsabi? Si Riza o Resselle ?

Christian: Nope !Walang Nagsabi, nahulaan ko lang !

Jenet: weh!Kalokohan ! kilala ko mga kapatid ko, madadaldal.

Christian: Hindi nga !Nahulaan ko lang kasi nga sabi mo parehas halus tayo ng gift, with pictures at sabi mo pa lalagyan mo ng design kaya nahulaan kong scrap book.

Jenet: a eh hindi pa kasi tapos,pinapaganda ko pa malaki pa kulang, kulang na sa Colored paper tsaka busy ako diba?Nag rereview dahil sa exams minsan.puede next month na lang ulit ?O kaya sa Birthday mo na lang ?Promise !!!

Christian: okay sige walang problema, o eto nga pala yung baon at fare mo for the coming week plus dagdagan ko na rin, bale 1k na yan, i-awas mo na rin jan sa 1k yun mga sinasabi mong colored paper.
Gandahan mo ha !

Jenet: sure Promise !Super ganda !

Christian:Jenet !Ahmm,diba sabi mo sakin pag pina-aral kita pakakasal ka sakin ?
(napatulala sya)ano kaya kung magpakasal na tayo?

Jenet:ha eh!

Christian: di ba may pangako ka sakin, paaralin lang kita, pakakasal ka sakin!

Jenet:e pero bata pa ko 19 pa lang ako.Marami pa kong magagawa,gusto ko makatapos,gusto ko mag work,gusto ko pa makatulong sa pamilya.tsaka ayaw ko pa magka pamilya at magka baby.

Christian:pero puede naman tayong di pa magsama e.Papakasal lang tayo pero di muna tayo magsasama.

Jenet:hindi pa ako handa diyan e,

Christian:Pero Nagbitiw ka ng Pangako sakin,pano naman yun?(maluha luha kong sagot sa kanya) di ko napigilan ang luha kong tumulo.(pinunasan ko saglit) Mahal mo ba talaga ako?

Jenet:oo naman! Ikaw tamang hinala ka na naman. Nanlalaki ba ko!?diba hindi naman!

Christian:bakit ganyan ka sakin,Unlimited ang load mo pero di ka man lang nagtetext kung nakarating ka na o papasok ka na, o ano man, bakit naging unli pa ang load natin,di ka naman marunong gumamit ng cp?Ni monthsaries natin di mo naaalala, nagtetext ka lang kung kelan mo naisipan at pag magpapatulong ka, ang daming okasyon nagdaan pero ni hindi man lang ako makatanggap ng anumang bagay mula sayo. Ultimong ireregalo mo na nga lang sakin ako pa nag p provide para maibili mo ko, pero nagagastos mo pa,Alam mo, ako lang naman ata ang nagpipilit sa relasyon na ito e?Nung bago pa lang tayo, sabi mo kaya ka nag sinungaling na birhen ka pa dahil ayaw mong hiwalayan ka ng magiging nobyo mo, hindi kita iniwan at hindi lang yun ang ginawa ko, minahal pa kita at tinutulungan pa kita sa pangarap mo.

Jenet:eh di kung gusto mo, wag mo na ko loadan, wag mo na ko bigyan ng kung anu anong bagay, wag mo na rin ako paaralin kung gusto mo!sinusumbat mo rin pala lahat!

Christian:alam mo hindi naman ganon e!hindi ko yun binabawi,at hindi ako naghihingi ng kapalit, alam kong di mo ko kayang bigyan ng mamahaling bagay,pero hindi kapalit na bagay ang hinihingi ko kundi yung mahalin mo lang ako!

Jenet: Ano pa bang hinhingi mo eh hindi naman ako nanlalaki,tapat naman ako sayo!

Christian: ewan ko, Oo wala ka ngang iba, hindi ka nanla-lalaki pero,hindi ko maramdaman sa mga kilos mong mahal mo ko.may nagmamahal bang ganyan?

Christian:walang patutunguhan tong pagtatalo natin, ganito na lang next year na lang natin pag usapan yang kasal kasal na yan.

Christian:bahala ka,di kita pipilitin, kung ayaw mo wag na lang, sana lang kayanin ko pa to.Di ko alam kung dapat ba kong maging masaya, Nasasaktan na ko sa relasyong ito.

Ng mga panahong yaon ay aaminin kong nanlalata na ako sa relasyon namin, galit na galit ako dahil di ako magawang mahalin ng taong mahal na mahal ko,sa kabila ng lahat effort na ginagawa ko.

Dumaan ang Undas Nobyembre, nawalan ng pasok ng mga tatlong araw sa lahat ng pribado at publikong eskwelahan,naisipan kong dumalaw kina Jenet,sumaglit ako sa tindahan ng kapit bahay nila na dating kumausap sakin. Uminom ako ng softdrinks dahil sa uhaw ko galing sa byahe ng biglang

Tindera:Naku,tsk tsk tsk di mo naabutan!

Christian:ano?ano po yung di ko naabutan?

Tindera: wala,pumunta ka kasi minsan ng di niya alam,yun tipong surprise visit para mahuli mo,mahirap na kasi magsalita e.

Nagisip isip ako kung ano kaya iyon.pero wala akong ideya,mula sa tindahan ay tanaw ko ang bahay nila Jenet na puno ng mga taong magkaka maganak na nangag susugalan, may nag iinuman at nagsasabong mga pinsan niyang nag kakantahan gamit ang gitara ng walang ipinagbago at karaniwang tanawin na sa kanila.pagpasok ko ng bahay ay nabungaran ko si Resselle na masama ang loob at umiiyak.

Christian:o musta?Bakit?

Reselle: ewan ko jan ke tatay at Kuya Bibe, binugbog nila yung bf ko.isa pa yang syota mo,

Christian: bakit? E baka naman may dahilan?

Resselle: ayaw nila kasi ron dahil adik daw, at walang trabaho e nagbago naman na yun.

Christian:ah! Intindihin mo na lang, gusto rin nila ikaw mapunta sa mabuting lalaki.

Resselle,nagbago na yun tao.at anung magagawa nila kung yun ang gusto ko?

Christian:eh pero dati syang adik, at puede manumbalik yun! Tska marami namang lalaki bakit sya pa?

Resselle: eh yun ang mahal ko e,tsaka naghahanap naman na yun ng trabaho.tsaka di na yun babalik sa dating bisyo dahil nagbago na yun dahil mahal niya ko.

Christian: hmmm, naintindihan ko.mahirap nga yan sitwasyon na yan,pero kung mahal mo sige, ipaglaban mo!Basta ang tiyak mo na mahal ka niya.buti ka pa, nagmamahal despite of his past na dating adik and his status na walang work, samantalang ako,ewan ko kung bakit ganun ang ate mo.Alam ko na magtagayan na lang tayo dito sa bahay.Eh pano na ngayon?

Resselle: yun na nga problema e, di ko alam kung pano na relasyon namin, binasag ni tatay yun cellphone ko. Di ko alam kung pano na communication namin.

Nung araw na yon pagtapos kumain ng hapunan ay nilibre ko ng inuman si Resselle pinayagan naman ako ni Jenet dahil may tiwala sya sakin.ganun din naman ang mga magulang ni Jenet na may tiwala sakin.at naganap lahat iyon sa loob ng kanilang bahay,

Christian: sige,ako na bahala sa cellphone mo,bibilhan kita ng maliit (pabulong ko.)

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 128 24
Hindi sa ayaw ko, takot lamang ako na paano kung pag binigay ko muli ang tiwala ko mapahamak na naman ako?
734 118 100
Ang mga tulang ito ay para iyo 鉂わ笍
983 81 65
Minsan hindi mo na kailangang maghanap pa Dahil kusa nalang dumarating ang mga salita. [Akimala (Koleksiyon ng mga Tula)]
97 2 22
lahat tayo ay may kanya kanyang gusto lahat tayo ay may kanya kanyang minamahal papaano kung isang araw.inisip mo na ayaw mo ng magmahal ng dahil sa...