Christine Gemini
"Can't you drive faster?" Masungit kong puna sa pagmamaneho niya. Tinignan ko ang repleksyon ng side mirror. Malaki ang distansya sa pagitan ng sasakyan namin sa sasakyan ng mga pulis at ng kalaban. Ngunit, kahit na ganoon ay hindi kami maaring maging panatag.
"Gusto mo bang mamatay ng maaga?" Sagot niya ng hindi ako nililingon. Naipagkrus ko ang parehong braso at naiinis na isinandal ang likod sa passenger's seat. Kahit kailan, napaka walang kwentang kausap.
Mariin kong ipinikit ang mga mata sa sobrang pagkarindi sa businang ginagawa ni Terrence at sa sirena ng sasakyan ng mga pulis. Isama mo pa ang pag-sigaw ng mga taong nadaraanan namin. Akala mo'y kasali sa karera. Naiinis kong hinawi ang buhok na tumatama sa mukha. Kanina pa 'yon nagulo at patuloy na nagugulo dahil sa malakas na hangin.
Mahigpit akong napakapit sa upuan nang biglang umalog ang sasakyan. Binunggo ng sasakyang nasa aming likuran.
"Can you please wear your god damn seatbelt, Tintin?" Rinig kong sabi ni Terrence
"Can you please drive faster, Terrence-" nabigla ako nang binilisan niya ang takbo ng sasakyan. Kaagad din naman akong nakabawi.
"Happy?" Nginisian ko lamang siya.
Inayos ko ang pagkakaupo at ipinagkrus din ang dalawang binti. Diretsyo ang tingin ko sa kalsada. Mabuti na lang maluwag ang kalsada. Mas nagiging malaya ang mabilis na pag-takbo ng sasakyan.
"You look so calm, Tintin." Nilingon ko siya. "We're on a high-speed car chase and you look like, you dont care."
"I can't see any reason to not be calm. I don't see them as a threat," simpleng sagot ko at inilabas ang ulo sa bintana.
Napangiwi ako ng makitang binubura ng sasakyan ng kalaban ang sasakyan ng mga pulis. Nakita ko kung paano nila sinasadyang banggain ang likod ng sasakyan ng mga ito, o hindi kaya'y pwersahang itulak sa gilid ng daan. "But, I would like to play with them" biglaang dagdag ko.
"What?" Ang tanging sagot niya sa sinabi ko.
"Ang sabi ko'y, h'wag mo akong pansinin at ipagpatuloy ang pagmamaneho. Mas maganda kung bibilisan mo pa." Malakas kong sabi habang kinukuha ang baril sa back seat.
Naniningkit ko 'yong pinagmasdan at ipinulupot ang kanang kamay sa seatbelt. Mahigpit ko 'yong hinawakan.
Hindi ako naabisuhang sasabak kami sa car racing.
"Hoy! Anong gagawin mo?!" Kinakabahang sigaw niya saakin.
"Just drive, Terrence." Kalmado kong sabi at inilabas ang kalahati ng katawan sa bintana. Ginawa kong kumportable ang pagkakaupo sa nakababang salamin ng kotse. "What are you doing, idiot?! I told you to drive faster!" Sigaw ko nang biglang bumagal ang takbo ng kotse.
"Baka ikamatay mo 'yang ginagawa mo! Pumasok ka nga rito!" Sagot naman niya
"Mas lalo tayong mamatay kapag binagalan mo!" Sigaw ko pabalik. Narinig ko pa ang sigaw niya, Halatang napipikon at labag sa kalooban ang sinabi ko. Ngunit, binilisan niya rin ang takbo ng sasakyan. Mas mabilis pa sa kanina.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakakapit sa seatbelt. Bago ay inilabas na rin ang kaliwang kamay na may hawak na baril. Idiniretsyo ko ang brasong nakakapit sa seatbelt at iniliyad ang likod. Sa ganoong paraan ay mas magagawa kong asintahin ang pinupuntirya. Ang gulong ng sasakyan nila.
"Damn, Tintin! You're making me crazy!" Sigaw na naman niya.
"Can you just shut your mouth and let me concentrate?!" Umungot muna ako bago siya singhalan. Napaka-daldal!
Umangat ang gilid ng labi ko ng mas lalo nilang binilisan ang pagmamaneho. Inasinta ko ang nangungunang sasakyan sa mga pulis. Nakatutok ang baril sa isa sa mga gulong sa unahan. Napasimangot ako ng hindi 'yon natamaan, kundi ang nasa likuran nitong gulong. Hindi na rin masama dahil biglang tumagilid ang sasakyan.
I wasn't expecting that. Ang akala ko lang ay babagal ang takbo nila.
Inulit ko 'yon sa isa pang kotse. Nang mabutas ang gulong ng dahil sa tumamang bala ay mabilis na bumagal ang takbo nila. At dahil ang kotseng nasa likod nito ay mabilis ang takbo, huli na para sila'y makapag-preno. Bumangga ito sa kotseng nabutasan ng gulong. Nakita kong nayupi ang harapang bahagi ng kotseng bumangga. Marahil ay sa lakas ng impact.
Dahil sa tatlong kotse na ang nawala sa hanay ng mga pulis, nabigyan ng pagkakataon ang kotse ng mga kalaban na manguna. Mas mabilis ang takbo ng kotse nila kaysa kanina. Sa muling pagkakataon, ay sinigawan ko si Terrence na bilisan. Ayokong magasgasan ang kotse ko kung sakaling makalapit sila. Kahit na, mayroon pa akong 4 na kotseng mas mahal kaysa sa presyo nito.
Nagawa kong mag-inat inat sa harapan nila. Inilaylay ko pa ang brasong may hawak ng baril. Pinapahiwatig na walang kakwenta kwenta at nakaka-antok ang ginagawa namin. Ni hindi ko na nga magawang magtaka ng bigla akong maghikab.
Kinalaunan ay inis-stretch ko ang aking braso. Ipinantay ko ang pagkakataas nito sa taas ng aking balikat. Nakatutok ang baril sa kung sino man ang nagmamaneho ng sasakyan. Matamis akong ngumiti sa kanila bago iputok ang baril. Hindi man lang nilang nagawang iwasan, ayon tuloy at gumewang-gewang ang sasakyan nila.
Napa-irap ako nang makitang nagkukubli ang isa pang sasakyan sa likod nito. At dahil gegewang-gewang ang sasakyang nagtatakip dito ay tuluyan ko na silang nakita. Nakadungaw sa bintana ang taong nakasakay sa passenger's seat. Nakatutok ang hawak niyang mahabang baril sa gawi ko. At batid kong, kahit na anong oras ay kakalabitin niya ang gatilyo.
Hindi nga ako nagkamali. Sa bilis ng pagbulusok ng bala ay nagawa kong hilahin ang sarili paangat. Nagawa ko 'yong iwasan. Sumama ang timpla ng mukha habang iniisip kung saan 'yon maaaring tumama. Nilingon ko ang side-mirror, at mas lalong nanlisik ang mata nang makitang wala na ito. Isang daan-porsyento akong sigurado na 'yon ang tinamaan.
"Fuck!" Biglaan kong sigaw ng biglang pumihit pakaliwa si Terrence. Kung hindi ko kaagad muling nahigpitan ang pagkakahawak ay baka nahulog na ako mula sa pagkakaupo sa bintana.
"I'm sorry. I forgot you're sitting there. Are you alright?" May bahid ng pag-aalalang tanong niya. Narinig ko ang malakas niyang pagmura at biglang bumusina. Nang maisip ko kung anong maaring dahilan no'n ay bigla kong naipag-krus ang mga binti.
Shit! Paano ko nakalimutang naka bistida ako?! Kanina pa ako naglililiyad dito!
Mariin akong napapikit ng maramdamang nag-init ang pisngi ko. Napaka-raming iling ang ginawa ko bago tuluyang maibalik sa katinuan ang sarili. Nang makaraos sa kahihiyan ay muli kong ibinalik ang seryoso kong mukha. Muli akong pwumesto at inasinta ang naroon sa driver's seat. Ngunit, biglang umalog ang kotse. Bigla kong naiputok ang hawak kong baril at sa iba 'yon tumama.
Pinangkitan ko sila ng mata at mas lalong naningkit 'yon ng makitang may taling nakakonekta sa sasakyan namin at sa sasakyan nila. Sa inis ay sunod sunod kong ipinutok ang baril sa gawi nila. Hanggang sa maubusan 'yon ng bala. Ngunit may natitirang dalawang hindi ko natamaan. 'Yong sasakyang kanina ko pa pinupuntirya at ang katabi nito sa kanan.
Ang iba ay ayon at nagpapagewang-gewang. Dalawa sa kanila ang nagbanggaan. Isang sasakyan mula sa kalaban at isa sa hanay ng mga pulis. Ang natitirang dalawa naman ay biglang pumihit paliko. Ang isa'y bumangga sa malaking poste at ang isa'y dumiretsyo at bumangga sa nanahimik na convenience store sa tabi.
Namumula ang mukha ko sa galit nang tuluyan ko nang ipasok ang sarili sa loob ng sasakyan. Matalim akong tumingin sa side mirror at sabay kaming napayuko ni Terrence nang biglang umulan ang bala sa gawi namin.
Gosh! They're getting into my nerves!
Nagbabagsakan na ang basag na salamin sa lapag. Naramdaman ko ang braso ni Terrence na pumupulot sa katawan ko. Handang sanggain ang balang maaring tumama saakin. Itinutulak niya ang ulo ko na mas lalong ibaba ang pagkakatungo. Kusa namang sumusunod ang katawan ko.
Napaigtad ako ng biglang gumalaw ang katawan niya, kasabay non ay narinig ko ang pag-daing niya. Bahagya rin lumuwag ang pagkakayakap niya.
"Terrence?! Fuck!" Natatarantang sigaw ko at tuluyang kumalas sa kaniya. Nakita kong may tama siya ng bala sa likurang bahagi ng braso niya. Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang magkabila kong palad. Nag-aalala ko siyang tinignan sa mga mata ngunit matamis niya lamang akong nginitian. "Shit!" Muli kong mura ng maramdamang may humihila sa sasakyan namin paatras.
Inalis ni Terrence ang kamay kong nakahawak sa magkabila niyang pisngi. Tinanguan niya ako bago mulinh iniharap ang sarili sa daan. Ayon siya at muling pinaandar ang sasakyan. Nilalaban ang pwersang humihila saamin.
Pagapang ako lumipat sa backseat. At pinulot mula sa lapag ang M134 MINIGUN. May kabigatan 'yon, ngunit kaya ko namang buhatin. Patuloy pa rin sila sa paghila sa sasakyan namin. At onti nalang ay madidikit na kami sa kanila. Malamig ko silang tinignan at ngumisi bago ipaulan ng bala ng minigun sa kanila.
Hindi ako tumigil hangga't hindi naubos ang bala non. Tumatagaktak ang pawis ko ng matapos. Bahagya pang hinihingal. Ibinagsak ko 'yong baril sa upuan. Nadadagan ang briefcase na kinuha ko kanina.
"Terrence..." Nag-aalala kong pagtawag sa kaniya. Isandal ko ang likod sa pintuan ng kotse, bago ay matunog na bumuntong hininga. Umangat ang kilay ko ng may matanawan sa hindi kalayuan. Naninigas siya sa kinatatayuan. Halatang nabigla sa mga nakita. Pansin ko rin na nanginginig ang kamay nito. At nang mapansin nitong nakatingin ako sa kaniya ay mabilis itong tumalikod at naglakad palayo. Na parang walang nangyari. Umangat ang gilid ng labi ko.
"I'm okay, don't mind me." Nakangiti niyang sagot habang ang kaliwang kamay ay dinidiinan sa sugat niya. Makahulugan akong tumango sa kaniya.
"I have to get that shit out of my car" wala sa sariling naiusal ko habang pababa ng kotse. Tinutukoy 'yong taling nakakonekta sa sasakyan namin at sa sasakyan nila.
Nang makababa ako ay bigla akong natapilok. Nakalimutan rin na hindi na sneakers ang suot suot ko. Magkasalubong ang dalawa kong kilay habang tinatanggal 'yon. At nang mag-angat ng tingin ay may malamig na bagay na dumikit sa noo ko.
Lumaylay ang braso ko habang tinitignan siya sa mata. Kahit gaano pa kaayos ang tindig niya ay nababasa ko pa rin doon ang takot. Bumuntong hininga ako at inayusan ang tayo. Natatawa kong itinaas ko ang parehong kamay na parehong may hawak ng sapatos. Pagkatapos ay malamya siyang tinignan.
"Do it," malamig at nanghahamon kong sabi. Umikot ang mata ko nang makitang napalunok siya. "What are you waiting for? Shoot me," muli kong sabi
"Give me the briefcase," nagmamatigas niyang sabi saakin. Mapakla akong tumawa. Bahagya akong nabigla ng hampasin niya ang mukha ko gamit ang kamay niyang may hawak ng baril.
Mas lalo akong tumawa ng makalasa ng bakal sa labi ko. "Is that it?" Nang-aasar ko pang sabi.
"I'm not afraid of you, Mistflower. Give me the fucking briefcase!" Singhal niya pa sa mukha ko.
"Ohh, you're not?" Nakangisi kong sabi.
"Hindi dahil si Mist-" madali kong ibinaba ang dalawang kamay at ipinagkrus ang mga braso. Kaagad akong gumilid para hindi ko masalo ang katawan niya.
"We're sorry, we're late!" Sigaw nila pare-pareho. Tinanguan ko lamang sila. Nakita ko ang isa sa kanila na nakaluhod ang isang binti at may hawak ng baril. Sigurado akong siya ang bumaril rito.
Binuksan ko ang pinto ng kotse ang kinuha ang briefcase sa loob. Napansin kong nakapikit si Terrence at napupuno na ng dugo ang suot niyang damit. Malapit na siyang maubusan ng dugo. Nagmamadali akong lumabas at nakita kong ang isa sa kanila ay nakatayo sa likod ng kotse.
"You two, can't go back at Death Academy, looking like that, Mistflower." Dinig kong sabi niya kahit na natatakpan ng helmet ang ulo niya.
"I know," simple kong sagot at inabot sa kaniya ang briefcase.
"Spend the rest of the day at our place. You're safe there." Ang sabi niya habang binubuksan ang briefcase. Sinusuri ang laman no'n.
"Ayoko," matipid kong sagot.
"Angel of death will kill us if you won't come, Mistflower." Natigilan ako pagkatapos ay bahagyang natawa.
"Not without him," kaagad kong sagot. Tinutukoy si Terrence.
"Of course." Mapakla siyang tumawa. Natigil 'yon ng makarinig kami ng sirena sa hindi kalayuan. "One of you will come with me. And the rest will take care of the mess. Siguraduhin niyong walang makararating sa media at walang lalabas na kahit na anong balita. Siguraduhin niyo rin na mapapatahimik niyo ang lahat ng nakakita." Nakita kong nagtanguan ang tatlo. 'Yong bumaril sa lalaki, at ang dalawang nakasakay sa motor na nakaparada sa magkabila niyang gilid. Iisa lamang ang suot nila. Pare-pareho pang naka suot ng helmet. Hindi ko matukoy kung sino ang sino.
May tumigil na kotse sa harapan namin. Binuksan niya ang pintuan sa back seat at hinagis ang briefcase doon. Pagkatapos ay inalalayan akong makapasok. Pinanood ko rin siyang akayin si Terrence papasok. Itinabi niya 'to saakin. At inabutan ako ng itim na panyo. Nagtataka ko siyang tinignan ngunit bago pa siya magsalita ay nakuha ko na ang ibig niyang sabihin. Piniringan ko si Terrence. Siniguradong wala siyang makikita. Wala akong narinig sa kaniyang reklamo. Mabuti naman.
"Tss," ungot ko nang isinandal ni Terrence ang ulo niya sa balikat ko.
"Already found your prince, huh?" Tinignan ko ang repleksyon niya sa rearview mirror. Kahit na nakasuot siya ng kulay gintong maskara ay batid kong nakangisi siya.
"Shut up," naiiritang sabi ko.
"We miss having you at our place, Mistflower." Sabi naman no'ng isa habang tinatanggal ang helmet niya. Hindi ko siya sinagot at itinuon ang atensyon sa pagtanaw sa labas.
Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko 'yong lalaking biglang naglakad papalayo kanina. Ngunit ngayon ay iba, diretsyo itong nakatayo habang sinusundan ng tingin ang kotseng sinasakyan namin.
***
🍂 Stay safe! I love you all! 🍂