SVEN's POV
Nagkaka-ilangan pa sa una makipag-usap ang pamilya ni Noreen kay lolo pero kalaunan din ay nawala rin at nagkatuwaan sa huli.
Pero di ko alam kung bakit pakiramdam ko naiipit ako sa isang bagay na di ko alam ang dahilan.
Ows? Talaga? Di mo alam?
Ahem! -////-
Kay ate Cassie at kay lolo oo... meron dahil sa naglayas-- uh, I mean umalis ako sa bahay ng mga magulang ko ng dis-oras ng gabi at di na bumalik pa ng.....
ilang linggo? 😓
Buti alam mo! Kaya nga nandito lolo mo! Kung di pa sya nagpunta dito sa Manila baka di ka na naman magparamdam.
Natuto na ako. Sa sampal pa lang ni ate... sakit ng pisngi ko talagang di na ako uulit!
Pinag-alala mo kasi! Kita mong namumula na mga mata nya... ni di mo man lang sinasagot kasi mga tawag nya!
Nakarating kay lolo di na ako umuuwi kila ma- sa mga Madrigal kaya nga ako nandito, eh!
Napakawais mo rin no? Laki ng pinagbago mo! Takot kang masermonan kaya you took this chance para ipakilala si Noreen at ang pamilya nito sa lolo mo.
Di no! Kung alam ko lang na darating din si ate dito di ko iinjanin mga tawag nya para di ako matadtad ng panermon nya!
Pero anak ng tipaklong naman o... gusto ko ng magtatalon-talon palayo rito!
Tama na ang isang tao ang nagsesernon sa akin dahil umatras na si lolo at ipinaubaya nya ito kay ate, pero...
Bakit may dalawang babaeng nakikisabay sa kanya? 😖
"Hoy, Ven nakikinig ka ba?"
"Huh?" Napatingin ako sa nagtanong... mali pala dapat di na ako tumingin pa. 👀
"Uh... o- oo n-naman I'm listening Isa---belle..." napangiwi ako ng ngiti ng makita ko ang matalim nyang tingin sa akin. 😅
Agad ko rin tinakpan magkabila kong tenga at lumayo sa kanya ng kunti kaya napalapit ako masyado kay Noreen.
Tama nandito rin Isabelle Fointess na mas subra pa ata ang galit nya sa akin kaysa ate kong si Cassie.
Gusto ata nyang tanggalin ang kaliwa kong tenga sa pagkapingot nya rito, eh! At di pa sya roon nakuntinto! Tusokin ba naman nya ang naghihilom ko ng sugat!
You deserved it!
"Iniipit mo na jan si ms. Noreen buntis pa naman sya kaya dito ka lang!" Sabi ni Isabelle sa akin sabay hila palapit sa kanya. "Baka mapano pa sya!"
Ako lang ba o talagang pinandidilatan nya si Noreen?
Tanga ikaw pinandidilatan nya, no!
Oo nga naman... teka ano bang kasalanan ko sa kanya at nagagalit sya sa akin? Di ko rin alam magkakilala pala sila ni lolo at kelan pa?
Sira... malamang pinakilala ni Michael. Sino pa nga ba magpapakilala sa kanya kay lolo kundi gonggong na iyon!
"At ibaba mo nga yang mga kamay mo para kang kung ano jan!"
Agad ko rin naman ibinaba mga kamay ko.
Takot kamo yan sabihin mo...
Di no! Kaya kong makipagbangayan sa kanya no! Um... uh... ayaw... ayaw ko lang mapi- mapingot! Ma-masakit kaya! O////O
Namumula at mainit ang kaliwang tenga ko dahil sa kanya!
"I'm not that too fragile to be easily broken ms. Kristine. At talaga namang lalayo sayo si Sven kung ganyan ka rin naman sa kanya." Singit ni Noreen at hinawakan nya face ko to let me turn to her para makita ang namumula kong tenga.
Nag-aaway ba tong dalawang ito? Pero nakangiti naman sila, ah?
Imagenation mo lang yan... tingan mo si Cassie ngiting-ngiti!
Imagenation pero bakit pakiramdam ko pa rin naiipit ako sa isang bagay na di ko alam?
Puta!
"Akala ko ba kakampi kita Renren?!" Napahiyaw kong sabi at napahawak sa kawawa kong tenga.
Sino bang sirang basta-basta ka nalang pitikin sa tenga! At sa tenga ko pang humahanghang sa pula dahil sa hapdi?
Ba't ba kasi ako pinagitnaan ng dalawang babaeng ito pagkalipat namin sa isang table kung saan kami kasya?
Lolo Lucas William
Cassie Wilma
Isabelle Ako Noreen
Sa isang round table kami ngayon pero sa sitwasyon kong ito gusto ko ng umuwi.
"When did I say that?" Painosenting nakangiting sagot sa akin ni Noreen.
"Renren?"
Napatingin ako kay Isabelle kasi parang may iba sa tuno nya.
"Palayaw ko sa kanya friends din kami eh." Sagot ko.
Iba talaga ang araw ngayon anong bang meron ngayon? Kuminang ang mga mata ni Isabelle pero may bahid pa ring inis.
"Friends?"
"Yes, friends kami bakit may angal ka?" Si Noreen na ang sumagot sa kanya at ako naman naiwang nakabuka ang bibig ko dahil naunahan akong sumagot.
"Pero tama ka ms. Kristine need ng batang ito to learn her lesson. It seems na di pa nga nya gets kong anong kasalanan nya, eh."
Magkaaway ba talaga ang dalawang ito o hindi? Kasi sa huling pagkikita nila halos mga dragon sila kung mag-away, eh.
"And based on how confused she looks right now di sya nakinig sa mga sermon nyo kanina."
"😅😅😅😅 wagmonamanakongbukingin!" Alanganin kong bulong pero di ko pinarinig kanino man sa kanila.
"Seems like malaki kasalanan mo sa kanila Samañiego pero may kasalanan ka rin sa akin." Dugtong pa nya.
"Huh? Sayo? Ako?"
Aba't sumusubra na sila ha! Anong kasalanan ko.
Gusto mo isa-isahin ko aside for running away maroon rin di ka na nagpacheck-up at di ka na rin sumulpot sa theraphy-
Ta-tama na! Tama na! Get's ko na! Wag mo ng ulitin pa baon na ako sa utang eh... kukutain mo pa.
"Uhuhm... kaya pala. Don't you know that your sister Catherine angrily asked me where you are kahapon? Sa akin ka nya hinahanap at binantaan pa ako."
Anong oras na ba ha?
Next time Ven wag mo ng galitin pa ang mga babaeng nakapaligid sayo para di ka naiipit ng ganito. Wala ka kasing tatakbuhan pa. Tumingin ka sa kanan mo ng makita mo kung sino pang babaeng nag-aapoy sa galit kung makatingin sayo.
Araw ba ngayon ng Sven's prank day or talagang minamalas ako ngayon?
Ang babaeng patungo rito kulang na lang patayin ako sa titig nito. Parang si Perinang nag-aapoy sa galit si ate Catherine palapit sa amin dito.
Kung alam ko lang na magiging ganito ang sitwasyon I wouldn't have arranged this meeting kay lolo makilala lang ang apo nya at ang mga McKenzie.
Tanga sabihin mo dapat di kana naglayas pa!
Ako na naman mamatay sa poot ng galit ang dapat ko sanang ginawa kahit papaano dapat nagparamdam ako kay ate Cassie at sinabi kung saan ako tumutuloy o kay sinagot ko sana-
"So you're still alive?" Para akong binuhusan ng malamig ng tubig sa lamig ng boses at tuno ni ate Cat.
Napaupo ako ng tuwid bago tumungo bilang sagot.
"Second time mo na tong ginawa Sven Madrigal and I'm warning you... wag na wag mo akong subukan, dahil sa pangatlong pagkakataon gawin mo 'to ako na ang maglalagay ng kadina sayo."
Napalunok na lang ako at wala sa sarili akong napa-oo dahil napakaseryoso ng sabi yon sa akin ni ate Cat at talagang tutuhanin nya ito.
Di ko na rin inalintana na tinawag nya akong Sven at Madrigal pa ang kasunod hindi Samañiego.
So takot ka pala sa eldest sister mo?
Sinong hindi kong ganyan kalamig ang tuno nya pagkalapit nya dito tapos bantaan ba naman ako.
"It's good that we understand each other." Sabi nya tapos parang anghel naman sya kung ngumiti ng lumapit kay lolo.
"Hi, lolo! It's good to see you again!"
"Good to see you too apo." Natutuwang sabi ni lolo ng halikan sya ni Catherine.
"Uh... e-excuse me lang-" sabi ko ng papatayo na ako pero di ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang hawakan ako ng dalawang babaetang katabi ko sa magkabilang braso ko.
"Where do you think you're going?" -Isabelle
"Where are you going?" -Noreen
Lahat sila naman napatingin sa akin kaya pinagpapawisan na ako sa mga titig nila. 😓
Tama na! Inaamin ko nawiwiwi na ako sa takot sa kanila! 😭
Need ko muna magretreat because di na ako makahinga! Nasasakal na ako lalo na ng dumating si ate Catherine.
I don't even know what to feel right now.
What would you do if dumating ang iba?
"Hey, are you ok?" Nag-aalalang tanong ni Noreen.
"May masakit ba sayo? Masakit ba sugat mo?" Si Isabelle worried din nyang tanong.
"O-ok lang ako." Sagot ko sa kanila.
"Really? You look pale na kasi." Di naniniwalang tanong ulit ni Noreen.
"Yeah... ok lang ako Renren." Pilit kong ngumiti while looking for excuse na reason ko makaalis lang ng saglit.
"N-need ko mag-number 2 kasi, eh..." namula ako sa nasabi ko ewan ko ba kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig ko.
😐😐😐
"Um... mag-CR I mean." And I tried to wiggle both of my eyebrows para kitang nagpapatawa ako ng di nila halata na nahihiya ako.
"Ah...." -all
Tatayo na ako ng tumayo na rin si Isabelle kaya napatingin ako sa kanya.
"Samahan na kita baka mapaano ka pa jan. Putlang putla ka na kasi."
"Mabuti pa nga at samahan mo sya Kristine." Natatawang sabi ni ate Cassie.
"Te naman eh! Di na ko bata para samahan pa. Nanahimik ka na lang jan kung yan lang lalabas sa bunganga mo." Inis ko sabi.
"But she is right Sven baka tumakas ka pa." Si ate Cat sumang-ayon kay Cassie.
"Peks man di ako ako tatakas. Cross my heart mamatay man ako ngayon di talaga ako tatakas." Sabi ko sign ng X sa bandang puso ko then itinaas ang kamay ko at ngumiti.
Tumaas ang isang kilay ni ate Catherine.
"That's your left hand Sven." Matter of fact nyang sabi.
I blushed sa hiya at dali-dali kong itinaas ang right hand ko. Nagmukha akong parang hinuholdap o isang krimenal na nahuli aa akto kaya natawa sila liban lang kay ate Catherine.
"Ano ka ba Catherine tinatakot mo na nyan si Sven. Tingnan mo namamawis na sya oh..." sabi ng magaling kong kapatid na si Cassandra na natatawa habang tinuturo ako. "Baka dito pa sya abutan... sige ka ikaw bahala."
"So long you keep your promise dahil tutuhanin ko talagang kadinahan ka..."
Pagkasabi nya non mabilis pa sa alas kwatro pa akong umalis patungo sa CR kahit na di naman talaga ako natatae after all ito ang reason ko kaya pangangatawanan ko na.
Pagdating ko sa CR agad sa basin area kung saan naghuhugas ng kamay.
Dali-dali kong binuksan ang gripo at sinabuyan ang mukha ko ng tubig panghilamos na para bang ito ang kailangan ko para makahinga ng maluwag.
I could see my own two hands are trembling at di ko rin maintindihan ang sarili kong nararamdaman ngayon.
And truth to be told kinabahan ako sa sarili kong tanong kanina sa sarili. What if dumating nga ba sila dito?
What does that mean? Na nagworry sila sa akin kagaya ni ate Catherine?
Teka nga worried nga ba si Catherine sa akin?
Ang gulo! At di ko alam because all my life I grew up alone at di na umalis sa tabi ni lolo.
I was home schooled until I graduated in my Business Administration course sa murang edad. Nakapag masteral pa nga ako ng di nalalayo kay lolo kaya buong buhay ko sya lang nakakasama ko sa paglaki.
Di akong lumaking normal ang buhay unlike my other siblings and I don't even know why.
I always say na pamilya ko sila na balik-baliktarin man ang mundo they are my family that's why I show them respect and be there sa kanila.
But the thing is... I feel obliged to act, na obligasyon ko silang igalang and be there sa kanila kasi yon ang sabi ni lolo.
Dahil ang totoo? I don't understand what family is but I know what it means kaya ako nasasaktan dahil di ko na matandaan anong pakiramdam ang magkaroon ng isang pamilya.
"You want to know a secret Isabelle?" Sabi ko sa taong nasa likod ko habang nakatingin ako sa kanya sa salamin.
Di nya ako sinagot pero deritso lang syang nakatingin sa mga mata ko. Nagtitigan kami gamit ang mirror.
"Di ako naglayas noon dahil gusto kong magkaroon ng normal na buhay... I'm looking for something that was long lost in me. Kaya nga ako nagvolunteered sa military because from my impretation sa usap-usapan ng iba at sa mga napapanuod ko I'll find it there."
Walang emosyon kong sabi and unlike noon kay Noreen di ako umiyak but my beating heart felt so heavy.
"And I've changed so much after... malayong malayo sa dating ako. At ayaw kong bumalik sa dati because I don't want to feel cold again."
"Then that won't happen again..." lumapit sya at pinunasan ako sa mukha gamit ng hankie nya. "Tingnan mo to para kang bata if I didn't come after you basa kang lumabas dito siguro."
"Walang pangakong di napapako Isa."
"That's not a promise Sven Samañiego because I'll be with you when you need me at gagawin ko ang nabitawan ko ng salita." She intently look in my eyes telling me she is dead serious and she will act on it.
"Kaya be prepared Sven."
Huh? O_O
"Tara na kanina pa tayo dito baka kung ano na isipin nilang nangyari sayo." sabi nya sabay gulo sa buhok ko.
"Ano ba I'm not your pet for you to pat my head." Saway ko sa kamy nya. "Wag mo rin ipinapamukhang matangkad ka sa akin amasona ka!"
Ewan ko ba pag ginaganito nya ako naiinis na lang ako naiinsucure pa naman ako paghieght na napag-usapan.
TSUP!
"There... di na nag-eemot si baby!" Sabi nya at ginulo muli ang buhok ko at nagmadaling umalis habang natatawa.
Natauhan ako sa pagkabigla ng halikan nya ako sa pisngi.
"FOINTESS!!!!" Sigaw ko sa inis dahil sa hiyang naramdaman ko! Sinong tinatawag nyang baby? At ako nag-eemot! 😡 Di no! Hmph!
Grabe kawawang Sven naipit sya sa sitwasyong sya mismong may gawa...
Kaya guys... isip-isip muna anong consequense sa mga balak mong gawin ng di ka mapagalitan ng mga taong mahal at malapit sayo.
Sinong may gustong dumating sina Michael at ang magulang ni Sven sa restairant meeting na dapat para lang sa lolo ni Sven at ng pamilya McKenzie?
And will Sven be ready sa ano mang balak sa kanya ni Isabelle?
Be right back sa next update ko!!!! 😆😆😆😆
Until next time! 😘