抖阴社区

Chapter 09

1.4K 155 32
                                    

09 | Torn


“SO? WHAT'S the catch? Bakit mo kami pinapapunta rito?”

Napaangat ako ng tingin sa gilid ko nang marinig ang boses ni Zeigmund. I was about to answer him pero nakuha ng taong nasa likuran niya na papalapit dito sa amin ang atensyon ko. Namilog ang mga mata ko.

“Teka... Reivohr!” Mabilis akong tumayo at tumakbo papalapit sa kaniya. He was spacing out while walking, hindi niya ako narinig na tinawag siya kaya namilog ang kaniyang mga mata nang hawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

He blinked twice. “A-anza...”

I moved my head a bit closer to him and whispered, “Are you okay? Hindi naman siguro nalaman ng daddy mo 'yong ginawa natin?”

His expression shifted from surprised to amused. Mahina siyang natawa. Hinawakan niya ang mga kamay kong nasa mukha niya. “Relax. Hindi niya pa nalalaman,” he whispered back before removing my hands on his face.

Magsasalita na sana ulit ako nang makarinig ako ng tumikhim sa gilid namin. Napatingin ako ro'n at napaangat kaagad ang isang kilay ko nang makita si Caesonia na nakakrus ang mga braso sa dibdib at nakaangat din ang isang kilay sa akin.

Napairap na lang ako bago tumalikod at lumakad na lang pabalik sa upuan ko. Nasa harapan ko na nakaupo si Zeigmund at nakakrus ang kaniyang mga braso sa dibdib. Katabi niya na rin si Aveyron na hindi ko namalayang nakarating na pala. Caes and Reivohr occupied the seats left.

“So?” tanong ni Zeig sa akin nang nagtama ang mga paningin namin.

Napabuga ako ng hangin.

Andito kami ngayon sa isang bagong bukas na cafe malapit sa bahay namin. I asked them to come here dahil may sasabihin ako.

Yesterday after finding out about the book my father wrote, hindi ko pinagpatuloy ang pagbabasa at kaagad kong itinago sa kwarto ko ang libro. I never told Mama and Maria about the basement.

Naisip ko na pwede kong sabihin ito sa mga kaibigan ko kasi mga kaibigan ko sila. They might support me about this.

“I found something,” panimula ko.

They suddenly became attentive. Nang tingnan ko ang gawi ni Reivohr, he was staring at me as if warning me and stopping me from saying anything. I smiled at him and shook my head before continuing.

“I know you might not agree with me about this, but please listen to me, okay?” I asked. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nila.

I grabbed my sling bag and took out the book and laid it on the table. Napatingin naman kaagad sila ro'n nang may pagtataka.

“A... book?” tanong ni Caes sabay angat ng tingin sa akin. “May nag-eexist pa ring hardcopy books ngayon?”

“Ang sasabihin ko sa inyo ngayon ay may kaugnayan sa content ng libro na 'to,” sabi ko. “But first, promise me you'll hear me out at 'wag kayong magulat, okay?”

“Dipende sa kung ano ang sasabihin mo ang reaksyon namin,” Aveyron finally spoke. Marahan siyang bumuga ng hangin.

I bit my lower lip. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang inaabot ang libro. I slowly opened the book and showed them the first page.

“This book is owned by my late father,” wika ko. “None of you might not know, but my father was a scientist and he once worked at Grendan's science laboratory before I was born.”

Hindi sila nagsalita pero nakikinig naman kaya nagpatuloy ako.

“Kahapon, I found out this book at the basement of our house. Mom didn't told me na may laboratory sa basement namin at doon ko nahanap ang libro na 'to. My father owned the laboratory and I somehow got in because of the customized security of his laboratory...”

Beyond the Boundary | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon