抖阴社区

Chapter 06

1.6K 174 48
                                    


06 | Permission Slips

I THOUGHT he was driving the car, may driver pala siyang kasama. And while we were on our way to their house, Caesonia called him at nagmakaawa ako sa kaniyang 'wag sabihin kay Caes na kasama niya ako dahil hindi ko sinabi kay Caes ang lakad ko na 'to.

The car stopped in front of a large golden bars gate, at sa loob ng gate na 'yon ay ang napakalaking mansion. Wow, as in, wow. Vice Mayor pa lang pero ganito na ang bahay. Paano pa siguro kung nasa Grand Ship 1 and 2 'to? Baka palasyo na mga bahay nila ro'n.

Nauna siyang bumaba ng kotse at inalalayan niya pa ako pababa. I was so amazed with their house na nakatitig lang ako ro'n at hinahayaan na lang si Reivohr na hawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papasok.

There was a large round fountain at the front of their large double doors. At sa fountain na 'yon ay mayroong mermaid na may hawak na banga. I think it's Aquarius. I remembered Reivohr's zodiac was Aquarius, too.

Huminto kami sa tapat ng double doors at saka binitawan ni Reivohr ang kamay ko. Kusang bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaking humanoid na naka-formal black attire. He's a butler! And his mark was on the right side of his neck.

"Welcome back, Sir Reivohr," anito sabay yuko. His voice was so deep, just right for his hot features. Nang nag-angat ulit ito ng tingin, kaagad napako ang mga mata nito sa akin. "Is she, perhaps, your girlfriend?"

Namilog ang mga mata ko at kaagad akong umiling. "N-no! No, hindi niya ako girlfriend!" Mapapatay ako ni Caesonia kapag naging girlfriend ako ni Reivohr.

Nang nag-angat ako ng tingin kay Reivohr, pulang-pula ang kaniyang mukha habang nahihiyang tumatawa. He scratched his nape bago siya nag-iwas ng tingin.

Reivohr cleared his throat. "Nandiyan pa ba sa loob si Papa?"

"Yes. Nasa loob pa rin siya ng kaniyang opisina. But he's talking to the mayor as of the moment."

Tumango si Reivohr. "We're going inside."

Hinawakan ni Reivohr ang kamay ko at hinila ako papasok. Hindi na ako nagreklamo. While we were walking, the maids that we passed by would greet him and stare at me afterwards.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Pumanik na kami sa grand staircase na nasa tapat ng double doors kanina at ngayon, naglalakad na naman kami sa napakahabang hallway.

"Saan tayo?" I asked him in a low voice after almost five minutes of walking.

"Sa kwarto ko," he answered in a low voice, too. Napatango naman ako. Ang layo naman ng kwarto niya.

Makalipas ang isa at kalahating minuto, huminto kami sa tapat ng isang pinto at tinulak niya 'yon pabukas. Ito na siguro ang kwarto niya.

He sighed and let go of my hand after he closed the door. Ako naman ay nilibot kaagad ang paningin ko sa kaniyang kwarto. Sobrang lawak, kakasya yata ang buong bahay namin dito. He has a shelf full of figurines of those characters we often see on movies. May mga standee pa siya at mga posters. I even saw guitars in different varieties hanged at the top of his king-size bed.

"Nandito na tayo," ani Reivohr kaya napalingon ako sa kaniya. "Ano na ang balak mong gawin? How will we steal a permission slip from Papa's office?"

Nilibot ko ulit ang paningin ko, naghahanap ng mga CCTV cameras. I placed my hand at the side of my mouth before I whispered, "Ayos lang bang pag-usapan natin dito? Wala bang CCTV or something?"

He chuckled. "Don't worry, walang gano'n dito sa kwarto ko. I asked Papa na 'wag lagyan ng mga devices ang kwarto ko for my privacy." He shrugged.

Naningkit ang mga mata ko nang marinig ang word na 'privacy' but I shrugged the thought off at bumalik na lang sa tunay na pakay namin dito.

Beyond the Boundary | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon