34 | Detonate
AFTER ALMOST FIFTEEN minutes, lumipad na rin pababa si Maria at ang iba pa. Hindi ko pa rin alam kung nasaan na kami pero naaaninag kong may solid surface sa ibaba. Nang lumapad na si Maria ro'n, saka ko lang nakumpirma na lupa ang binabaan namin.
“What are we doing here?” tanong ko kay Maria.
I stared at her body. The color's slowly changing color again, but I think it would take some time for it to change completely. Why was it changing colors, though?
“It's a complete chaos in the Grand Ships now,” sagot niya. “It would be best for you to stay here for now.”
I bit my lower lip. May gusto pa akong sabihin pero pinipigilan ko na lang ang sarili ko dahil alam kong hindi maganda ang tanong ko. I wanted to ask if they'll really win this time. It's been years, their weapons might have improved. I was hoping they would win.
“Hindi ba mas delikado rito kasi nandito sa lupa ang halos lahat ng kalaban natin?” tanong naman ni Reivohr na nakahawak sa sugat niya sa may tagiliran.
Maria sighed. “I have no time to answer all of your questions,” aniya sabay talikod. Her back opened and a jetpack went out from there. Wala pang ilang segundo ay umilaw na ang jetpack, ready na bumwelo palipad. “Just stay here for now while we clear things there.”
Mariin akong napapikit nang paglipad ni Maria ay bumuga ng mainit na hangin mula sa lupa at sumabay ang iilang buhangin. Nang imulat ko ang mga mata ko, sobrang layo na ni Maria at hindi ko na siya mamukhaan.
Nilibot ko ang paningin ko. There were other people here besides us, at kagaya namin ay nababahala rin sila sa kaligtasan nila rito sa ibabaw ng lupa. May ibang naisipang lumakad para maghanap ng mapagtataguan, ang iba naman ay nanatili at piniling maghintay na bumalik ang mga nagdala sa amin dito.
Binalik ko ang paningin ko sa direksyon ng dagat. Bumuga nang bahagya ng hangin ang mask na suot ko, at 'yon ang nilanghap ko para pakalmahin ang dibdib kong mabilis ang kabog.
Mr. Siarez said he has a plan to stop this chaos. I wonder what his plan is. Hindi niya naman nabanggit sa akin kung ano. I just do hope it's not something risky and would cause a lot of lives.
“Anzaria!”
Napabaling ako ng tingin kay Caesonia nang tinawag niya ako. Nang natingnan ko ang mukha niya, nakabahid sa mukha niyang nag-aalala siya at natataranta na. “Bakit?”
“Rei and Zeig are bleeding! Bumuka yata ang mga sugat nila,” aniya.
Napabaling kaagad ako sa direksyon kung saan nakapwesto sina Zeig and Reivohr. Reivohr looked calm, but his shirt was wet because of blood and he's trying to stop Zeig's wound from bleeding. Si Zeig naman, mas malala ang sa kaniya. Nakakunot na ang noo niya dahil sa iniindang sakit. Nakahawak siya sa sugat niya habang nakaupo sa lupa.
Mabilis akong lumapit papalapit sa kanila. Lumuhod ako sa gilid ni Zeig at saka ko chineck ang sugat niya. Looks like his wound was a slash from something sharp, and it's opened now. I sighed before I ripped half of my shirt and tried to wrap it around his wound. Nang nasigurado kong mahigpit na ang pagkakatali ng tela sa sugat niya, nag-angat ako ng tingin kay Reivohr.
“Rei...” I looked at his shirt that was wet from blood. “You should stay put, you're bleeding, too.”
Mabilis siyang umiling. “I'm fine.”

BINABASA MO ANG
Beyond the Boundary | ?
Science FictionStatus: COMPLETED "Curiosity kills the cat. Going beyond the boundary means risking your life." In the year 3001, people have to live in large ships in the middle of the vast ocean after the World War V happened about 700 years ago. Anzaria lives i...