18 | Transportation
"ANZA!"
Napakislot ako at napahinto kaagad sa paghakbang nang marinig ang boses ni Yelena. Palabas na sila ng bahay. Tapos na siguro ang pag-i-interview nila.
Napakurap ako. "Tapos na kayo?"
She sighed and smiled afterwards. "Yeah. Uwi na tayo. I-se-send ko na lang sa inyo ang mga gagawin ninyo."
Tumango na lang ako.
Sabay na kaming umalis doon. While walking, my mind kept wandering back to that place kaya nababangga ko na ang mga nadadaanan ko.
I couldn't believe it. Back when I opened the end of the bridge, hindi ako nakahinga no'n. Siguro dahil iyon sa biglaang pagbungad ng malakas na hangin pagkabukas ko ng pinto? And also back at the waterworks where me and Reivohr went, may oxygen circle doon kaya nakakahinga kami nang matagal kahit nasa ibabang parte na kami ng Grendan.
And now, that door...
Lolo said they've been using that place for so long dahil doon sila kumukuha ng tubig. Nothing bad happened to them, I guess, kasi bumabalik pa rin sila ro'n.
I was silent the whole time we were walking back to the bus stop, kahit noong nakasakay na kami at magkatabi pa kami sa bus. I'm glad hindi na nila ako pinapakialaman kahit ang tahimik ko habang sila ay kaswal na nag-uusap.
Pagkarating ko sa bahay, sinalubong ako ni Maria. She just greeted me and told me hindi makakauwi ngayong gabi si Mama at bukas pa babalik dahil sa trabaho.
Pagkatapos kong magbihis ng damit pambahay, nagpahatid na lang ako kay Maria ng pagkain sa kwarto ko habang ginagawa ko ang parte ko sa project namin. I encoded and checked every word in the files they sent. Hindi naman ganoon kahaba kaya isang oras at kalahati lang ay natapos ko na rin.
I was busy typing when I heard a soft knock on the door. I quickly assumed it's Maria since we're the only ones here in this house as of the moment.
"Bakit?" tanong ko habang nasa monitor pa rin ang mata at nagtitipa sa keyboard.
"Anzie, Caes is here," she answered.
Napahinto kaagad ako sa pagtitipa at napabaling ng tingin sa direksyon ng pinto. From an indian sit position, naibaba ko sa sahig ang mga paa ko at saka ko inikot ang upuan paharap sa pinto. Sakto namang bumukas ito at pumasok si Caes na naka damit pambahay lang.
I immediately smiled when I saw here. "Caes! What are you doing here?"
Napabuga siya ng hangin. "Magpapatulong lang sa Physics. Hindi ko gets ang itinuro kanina, eh."
Napasunod lang ako ng tingin sa kaniya habang naglalakad siya papuntang kama ko. Pabagsak siyang umupo ro'n. Suot niya ang bracelet ng school kaya nang ini-spread niya sa ere ang mga kamay niya, lumitaw kaagad ang hologram screen na nanghihingi ng subject code. Tinipa niya ang code para sa subject at specific lesson sa Physics at ilang segundo lang, lumitaw na rin ang mga salita at larawan ng lesson namin kanina.
"Dito ako sa part na 'to--"
"Caes," pagputol ko sa sinasabi niya kaya napaangat kaagad siya ng tingin sa akin. "I found out something today."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano na naman?"
Inikot ko ang upuan paharap sa kaniya. Inangat ko ang dalawang tuhod ko sa upuan, pinagdikit at saka ko ipinatong ang baba ko ro'n.
"Habang ginagawa namin ang interview para sa project kanina, may matanda akong nakausap," panimula ko.
Napairap kaagad siya. "Bakit ba puro matatanda ang nakakausap mo. Pati sa GS 99 matanda rin nakausap mo."

BINABASA MO ANG
Beyond the Boundary | ?
Science FictionStatus: COMPLETED "Curiosity kills the cat. Going beyond the boundary means risking your life." In the year 3001, people have to live in large ships in the middle of the vast ocean after the World War V happened about 700 years ago. Anzaria lives i...