I blew a breathe to calm me down before I continued explaining.
“And he wrote something at the next page of this book that shocked me...”
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nila. I quickly flipped to the next page and showed them what was written there.
“The contents of this book is the truth about the place we called our home and about the ‘home’ we left a long time ago. That's what he wrote—what my father wrote.”
Napaangat ako ng tingin kay Caesonia nang biglang tumayo siya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
“Oh my gosh, Anza, stop right there,” aniya sabay angat ng isang kamay. She sarcastically laughed. “So ang ibig mo bang sabihin may iba pang katotohananan bukod sa alam natin? Are you seriously gonna believe that book just because your scientist father wrote that years ago?” She scoffed.
Nagsalubong ang mga kilay ko. “I didn't say I believe this but there's a possibility—”
“Pwede ba, Anzaria, tumigil ka na?!” she snapped, causing my eyes to widen and my jaw to fall in surprise. “Tigilan mo na ang kakaisip na may iba pang bagay sa kabilang side ng boundary! Tigilan mo na ang kahibangan mo! Walang araw na hindi kita naririnig na nagsasalita tungkol sa boundary and it's so annoying!”
Nanatiling nakaawang ang mga labi ko. I was so shocked at her sudden outburst to even say a word. Sa tagal naming pagiging magkaibigan ni Caes, she never once shouted at me like this. She never once got angry at me like this.
“Caesonia, calm down,” marahang sabi ni Zeigmund sa kaniya. “You're getting people's attention.”
Nagtaas-baba ang kaniyang dibdib. She glared at me and bit her lower lip. Napakurap ako nang makitang may kuminang sa gilid ng mata niya pero bago pa ako makapagsalita, mabilis siyang tumalikod at tumakbo paalis.
Napatayo ako. “C-Caes—”
Natigilan ako nang biglang tumayo si Reivohr at mabilis na hinabol si Caesonia. Napakurap ako at nakagat ko na lang ang ibabang labi ko bago bumalik sa pagkakaupo.
I sarcastically laughed. “I expexted you all to disagree with me... but I never expexted this to happen.”
Napaangat ako ng tingin kay Aveyron nang tumayo siya.
“I should leave as well,” seryoso niyang sabi. “I still have my private lessons with Mr. Terry coming. Mauna na ako.”
Napasunod na lang ako ng tingin kay Aveyron nang lumakad na siya paalis. Ilang segundo ang lumipas, nagbaling ako ng tingin kay Zeig na nakaupo pa rin sa tapat ko at nakakrus ang braso sa dibdib.
“Ikaw? Hindi ka rin ba aalis?” I joked.
Napabuga siya ng hangin bago tumayo. “Come with me.”
Nagulat ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko at marahan akong hinila. Napasunod na lang ako sa kaniya nang lumakad siya.
“U-Uy, teka... Saan tayo pupunta?” I asked.
I waited for him to answer but he didn't. Hindi na rin ako nagtanong ulit dahil baka hindi niya pa rin ako sasagutin.
We walked until the bus stop. We waited there for a whole minute and he wasn't letting go of my hand. Gusto ko sanang sabihing pwede niya ng bitiwan ang kamay ko pero baka hindi niya na naman ako papakinggan.
Noong dumating na ang bus, he used his card so we could ride the bus. At noong umupo na nga kami, binitawan niya na sa wakas ang kamay ko.
Napatingin ako sa kaniya. He's sitting next to the window at nakapatong ang kaniyang pisngi sa kaniyang isang kamay habang nakatingin siya sa labas.

BINABASA MO ANG
Beyond the Boundary | ?
Science FictionStatus: COMPLETED "Curiosity kills the cat. Going beyond the boundary means risking your life." In the year 3001, people have to live in large ships in the middle of the vast ocean after the World War V happened about 700 years ago. Anzaria lives i...
Chapter 09
Magsimula sa umpisa