抖阴社区

CHAPTER IV

89 1 0
                                    

Nagising lang ako dahil nagring yung phone ko. Tumatawag pala si Sheila, sasagutin ko sana pero namatay na kaya tinignan ko na kung anong oras at 4:30 PM na andito pa rin ako sa higaan ko nakahilata.

Late na naman ako sa course na tooo...

before dismissal pa kasi nagchecheck ng attendance yung instructor namin kaya oks lang na malate

Pagkaopen ko ng message ni Sheila ay ang dami na niya nang sinabi

SHEILAAAA
09562556***

4:25

Hooooy
Halika naaaa
Calistaaaa
Caliiiiii

4:28

TULOG KA NA NAMAAAAN
Gumising ka na jaaaaan
Haynako
Pumasok ka naaaaa
Daliiaaaan moooo

4:30

May activity
By partner
Partner na tayo
Biilisan mooooo

4:40 na ako bumangon at nagmadali na magpalit

Nagdadalawang isip talaga ako kanina kung matutulog ba ako o hindi kaya nakalimutan kong mag-alarm

Pag pasok ka sa room ay yumuko lang ako at pumasok buti na lang at nag susulat sa white board si ma'am

"Oh kararating mo lang Cal?" Biglang sabi ni John tanginaaa talaga tong lalaking to panira sa buhaaaay...

Sinamaan ko lang siya ng tingin at dumeritso na sa tabi ni Sheila para matulungan ko siya sa activity namin kahit na nakalahati na niya

Si Sheila kasi pinakaclose ko sa block namin as in kung matutulog ako matutulog din siya HAHAHAH at same school lang din kasi kami galing pero di namin alam nung una na same school pala kami. Di namin alam na nag eexist kami HAHAHAHA

Inaantay na lang namin si sir Geoge para sa geo class namin kaya nagkwentuhan lang kami

"Ang lakas talaga ni Cali di na naman naka jacket" si justin, kukunin ko sana yung jacket ko sa bag dahil ang alam ko ay naglagay ako ng jacket ko sa bag dahil di pa naman masyadong malamig kaninang pumasok ako pero pagtingin ko sa bag ko wala na naman akong dalang jacket ambobo talagaaaaa

"Oh ang yabang niyo talaga, bat niyo bubuksan yang bintana?" Nakikipag away na ako kila justin at John dahil inaasar pa nila ako at binubuksan yung bintana ng room

Lumabas muna ako sa room para magcr dahil wala pa naman si sir. Ihing ihi na kasi talaga ako ayaw ko na sana lumabas ng room dahil mas malamig dito sa labas pero saglit lang naman ako maglalakad para makapunta sa cr.

Mas lalo akong nilamig pagkatapos at paglabas ko ng cr dahil naghugas pa ako ng kamay ko

Pagkalabas ko sa cr ay sakto rin pumasok sa perfecto si Gelo, baka magtetraining to dahil may dala siyang mas malaking athlete bag.

Nagsmile lang ako sa kaniya saglit at naglakad na

Sheeeeems chill lang dapat ako wag pahalata na nilalamig at walang dalang jacket

"Oooooy ang lamig no?" Biglang sabi niya na ikinagulat ko dahil hindi naman talaga kami nag-uusap

OO NA MALAMIG NAAAAA

"HAHAHA oo nga eh" sagot ko na lang at pumilit ng ngiti

"Sus parang di naman totoong nilalamig ka, tignan mo nga ikaw di ka man lang nakajacket, baguio girl!"  bat parang ang tagal naming makarating sa tapat ng roooom nilalamiig na ako dito siiiiissss

"HAHAHA naiwan ko pala kasi yung jacket ko sa dorm akala ko nalagay ko sa bag ko" peke na lang talaga yung tawa ko dahil nilalamig na ako, buti na lang at malapit na ako sa pinto ng room


"Oy dito na ako ha? Sige ingat byeeee" pumaasok na sana ako ng room

"sayo muna tong jacket ko, magtetraining naman na ako maiinitan na rin ako mamaya" nag-alangan pa akong kunin yung inooffer niyang jacket dahil paano pag pauwi na siya eh mas late pa siyang makakauwi kesa sakin tas mas malamig na naman mamaya pero sabi niya may isa pa siyang jacket sa locker niya

Kinuha ko na lang yung jacket at nagthank you bago pumasok sa room.

Sinabi ko rin ibabalik ko na lang kapag may NSTP

"Wala ata si sir geo ah, uwi na tayo at wag nang pumasok sa last class" sabi ni John, wala talagang kwenta tong class rep namin na to pasimuno pang mag cutting classes.

Okay lang na mag-ingay kami dito dahil kami at sa kabilang dulo na lang ng floor na ito ang may nagkaklase kaya kahit mag -ingat kami di kami maririnig.

"Oh Cali diba wala kang jacket kanina? San mo kinuha yan?" Si Sheila at tinignan niya pa ako na parang may ginawa akong kasalanan

Sheeemsss bat ko ba kasi tinanggap tong jacket na tooooo

Dumating na rin yung mga instructors namin hanggang sa last class

Sinamahan ko munang bumili ng dinner si sheila sa may laxamana dahil sa dorm na lang daw niya siya kakain at si ate na lang ang magtetake out ng pagkain namin dahil may training pa siya hanggang nine.

Papahinga muna ako bago gumalaw at umpisahan ang mga requirements ko

Nag brobrowse lang ako sa twitter nang lumabas yung chat namin ng ate ko na may nakalagay na

Kaye sent a photo.

GASHOOOONG bat ganon pati ba naman si ate ko shiniship ako kay Gelo?!

Nagsend lang naman siya ng picture nila ni GELO selfie lang naman yon

Gashooooong nahihiya at natatakot din talaga ako

Paano kapag may jowa pala yung tao? Tapos awayin ako or ano

Aish binibigyan ako ng sakit sa ulo tong mga to

May nag pop up naman sa notification ko galing sa Instagram

Gelox has requested to follow you

Gashoooong malala na to pag nagtuloy-tuloy to mahuhulog na ako, ang bilis ko pa man ding maattach  sa isang tao sheeeeemmmm 

Lord sana kung di ako sasaluhin sa dulo, wag na lang poooo

Maya-maya lang ay dumating na rin si ate na may nakakalokong ngiti may dala na rin siya bonabil

Sinamaan ko na lang siya ng tingin

Pagpasok niya ay napansin niya agad yung jacket na army green ang kulay na feeling ko may hint na siya kung kanino yun dahil wala naman kaming jacket na ganon

"Oh bumili ka ng jacket? Kanino tong jacket?" Tanong niya pa sakin at sinagot ko naman siya na kay Gelo yun. alangan namang sabihin kong binili ko eh amoy pabango ng lalaki

Tinawanan niya pa ako "kunwari ka pang ayaw mo na shiniship sa kaniya ah"

Nakakainis ayaw ko nga talaga kasing may shiniship sakin dahil sobrang bilis kong maattach legit, at alam nila ate yan pero bat tinutuloy pa rin nilaaaaa

"Ateee close kayo ni Gelo?" Tanong ko lang kay ate Kaye pero tinawanan niya lang ako

"Oo mabait yun" 

"weh? gaano kabait? may jowa? baka ako ang awayin ng jowa kapag nalaman niyang shiniship niyo sakin jowa niya"

"secret, itanong mo sa kaniya ah" sabi ng ate ko at tinawanan pa ako

Sheeem nagdadalawang isip ako kung iaaccept ko ba yung follow request

Nagkwentuhan pa kami ni ate saglit bago nag-ayos bago ko simulan ang aking errands sa buhay

Di ko muna niconfirm yung follow request ni Gelo at inupisahan ko na ring gawin mga requirments ko

DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now