抖阴社区

CHAPTER VI

73 2 0
                                    

Pinauna ko nang umuwi si ate Kaye sa bahay dahil kikitain ko pa si Cath yung best friend ko na napakatagal namang dumating

From CLSU siya vet med student. Mag-iisang taon na kaming hindi nagkikita, di man lang ako dalawin sa baguio HAHAHAHA

"CALIIII OOOOY SAN TAYO KAKAIN? LIBRE MO AKO? SAMGYEOP NA LANG TOTAL LIBRE MO NAMAN" wow di ako na misss nito yumakap lang saglit nagsabi na kung saan kakain. May choice talaga ako, tinanong pa ako ng gaga

"Ha? KKB TAYO WALA TAYONG PERA PAREHO REMEMBER?" alam niya kasi na wala na akong pera kasi lagi kaming magkavideo chat kapag free kami pareho

"Ang kuripot mo talaga kahit kailaaaan" sabi niya pa at pumunta na kami sa kainan

Nag samgy na lang kami para mahaba habang usapan

"Cath alam mo ba yung kwenikwento ko sayong mechatronics yung athlete medyo nagiging crush ko na siyaaaa" sabi ko "medyo lang naman" tuloy ko pa medyo nagulat din ata siya dahil sa sa nakita kong reaction niya

"Weh? Seryoso ka ba? Paanoooo? Yung nagbibigay sayo ng number niya?"sagot niya at tumango naman ako dahil yung mga kaklase niya trip na trip talaga kaming iship at nagbibigay pa talaga sila ng number ni Gelo sakin.

"Hallaaa yung nagpahiram sayo ng jacket?" Tumango ulit ako

"Pero wala naman kaming communication di kami nag-uusap sa chat or kahit anong social media tuwing magkakasalubong lang sa campus or kapag NSTP class lang kami nagkakausap ng konti kaya feeling ko di niya ako bet" tuloy ko pa

"Ayaaaan akala ko ba ayaw mo sa shipship? HAHAHAHHA buti kung nabalik mo na yung jacket niya? Feel na feel mo ata na nasayo yun ah" lakas pa ng bunganga nito

"Eh kasi namaaaan ikaw ba naman kasi every makakasalubong at every klase sa NSTP may nag aayiee sa pakigid niyo. Pati instructor nakikisali" sabi ko kasi ayaw ko sa shipship dahil ambilis kong mafall ih "Hindi ko pa nababalik kasi naman kapag nag-uusap kami may sumasapaw agad na ayieee kaya di ko nababalik. Lalapit lang saglit mag nag aayiee na agad" sagot ko pa

"Haynako kung di naman siya dumadamoves sayo pigilan mo muna yan. Sinasabi ko sayo Cali ah" at tumigil siya dahil may tumawag sakaniya.

Wow mas importante yung tawag kesa sa kaibagan? Ang laki ng ngiti amp

Sinabi pa ni Cath sa kausap niya sa phone na kasama niya na ako. At may paingat ingat pang nalalaman

Sinimangutan ko lang siya dahil wala siyang sinasabi sakin about don

"Ito naman tatampo naman agad. In person ko nga kasi ikwekwento in detailed" sabi niya at may alam na ako na ito yung crush niya na BS BIO

Nagkwentuhan pa kami at inabot kami ng mahigit isang oras sa kainan sheeeeem tas pinagtitinginan na kami ng staff

Luh? Bakit ba e 2 hours naman ang eat all you can na to mga epal

Nakwento ko rin si Dan sa kaniya na tuloy-tuloy niya pa rin akong chinachat. Alam ko ilang beses ko nang sinabi na ayaw ko sa kaniya. Gusto ko sa piloto pero ayaw ko talaga sakaniya kahit na somehow related sila. Aaaay bastaaaa

After non ay nag lakad lakad pa kami ng konti ang dami rin naming pinag-uusapan. Nag arcade pa kami after non at kumain ulit kami pero sa mcdo na lang.

Nang magdidilim na ay umuwi na rin kami, naghiwalay na kami dahil magkaiba ang way ng bahay namin

Pagdating ko samin ay pumunta muna ako sa family house nila papa dahil kakauwi lang daw ni lolo galing sa hospital.

15 year na siyang nagmemaintenance para sa puso, kaya normal lang na maospital siya every year. Pero malakas pa siya before nito

Pero iba ngayon dahil pagkalabas niya sa ospital ay grabe ang pinayat niya, di na siya maka lakad tapos sumasabay pa yung asthma niya.

Naiiyak ako kasi feeling ko siya lang yung nakakaappreciate sakin tas ganito pa ang nangyayari

Lagi niyang sinasabi na favorite niya ako na ako ang pinakamagaling, pinaka maganda sa aming lahat. Kaihit alam ko namang hindi talaga HAHAHAHA

Pag nag eimbento ako ng mga pagkain na niluluto ko kinakain niya pa rin kahit na hindi na masarap sasabihin niya pa ring masarap at ako ang pinakamagaling magluto na apo niya.

Kinamusta ko lang siya at nagpaalam na uuwi muna ako sa bahay pero babalik din ako para matulog sa bahay nila

Pagdating ko sa bahay ay nakaluto na sila ng hapunan at ako na lang pala ang inaantay.

Di pa sana ako kakain dahil busog pa ako pero number one rule dito sa bahay na sabay-sabay kumain.

Pagkatapos kong kumain at nag-ayos ng pantulog ay bumalik na ako kila lolo

"Ay andito na ang paborito kong apo ang engineer ko na apo" sabi pa niya pagkapasok ko sa kwarto niya. Ang dami na niyang apong engineer pero ako pa rin yung lagi niyang tinatawag na engineer

Pinakain ko na rin siya dahil ayaw niya pa daw kumain kanina at sinabing antayi niya daw ako at papakainin ko daw siya.

"Wag ka muna magboboyfriend hanggat hindi ka pa tapos mag-aral ah" sabi pa niya habang kumakain

Medyo patigil tigil yun pero naintindahan ko naman

1 month break naman tong Christmas break kaya maaalagaan ko siya ng matagal tagal

DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now