Sheeeeemmmm di ko pa sure pass lahat ng subjectS ko
Yung chem lec at calculus talaga panira sa pangarap sa buhay.
Sakto lang din kasi akong estudyante pumapasa minsan kinukulang pa
Last day na rin kasi ng Finals ngayon kaya wala akong tulog dahil chem lec na lang ang natitira kong exam ngayon sem at kailangang marami akong sure answer don para masiguradong pasado na ako at hindi nag-iisip during christmas vacation.
Yung jacket ni Gelo di ko pa nababalik dahil lagi kong nakakalimutang ibigay tuwing may NSTP class kami or nahihiya lang talaga ako na ibalik sa kaniya yun dahil baka iship na naman kami ng mga kaklase namin kapag nakita nilang magkausap kami
Ipapabalik ko na lang sa ate ko yung jacket kung sakaling di ko maibalik
Dala ko kasi yung jacket ngayon dahil baka makasalubong ko siya at ito na ang last chance this sem para maibalik to
Pero friends lang talaga kami kung sakali sa facebook HAHAHAHA and we followed each other
Tsaka di niya naman ako chinchat or what kaya baka may jowa at friends lang talaga kami
Wala pa naman akong balak na mag jowa HAHHAHA hanggat di ko natatry na mag dl ngayong college di ako mag jojowa chaaaar wanhap joke
Dumaan muna ako sa chapel para mag pray. Alam mo na kailangan ko yun para pumasa at para mag thank you na rin HIHIHI
"You pray, you pass" yan yung saying ng mga taga eselyu
Deritso uwi na ako sa dorm dahil gustong gusto ko na matulog dahil nga wala talaga akong tulog literal
Di ko rin nakita sa Gelo sa school kaya ipapabalik ko na lang sa ate ko baka may training pa sila ngayon or what
Pagdating ko ay nag-aayos na si ate para umuwi sa baba commute lang din kami ngayon dahil busy si papa at yung driver namin
Bukas pa naman kami uuwi kaya mamayang gabi na lang ako mag-aayos ng gamit. Matutulog muna ako dahil bumabagsak na ng kusa yung talukap ng mata ko
Bumaba lang ako ng dorm para bumili ng lunch dahil paggising ko ay alas tres na pala.
Tinanong ko rin si ate kaye kung may training pa ba sila ngayon pero sabi niya wala na daw kaya basically baka next sem/next year ko na maibalik kay Gelo tong jacket
Bumili rin ako ng manggo shake sa nay substrate dahil feeling ko gutom na gutom ako today
After kong kumain ay nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko. Mga papers ngayong sem nilagay ko lang sa isang karton just in case kailangan ko next sem. At yung mga dadalhin ko sa baba na gamit
Iiniwan ko na mga sapatos ko para di na hassle saka na lang kapag sinundo kami
Laptop at mga tirang supply ng pagkain lang ang inuwi namin baka langgamin lang kasi to kapag iniwan namin at sa January pa ang balik namin..
Tapos na ako mag-ayos at dinner na rin pero inaya ko yung ate ko na lumabas kaya lumabas na rin kami
Kailangan namin to dahil kakatapos lang din ng exam at sem
Yung iba nga pumaparty pa pero real talk di ko pa natry mag amper or uminom basta di ko lang bet uminom ng alak or what pero gusto ko rin namang itry kahit once lang HAHAHAHA
Andito na kami sa bus pababa, nag story lang din ako na nasa sison bus stop na kami at yung story ko kagabi na meme about mining
Nagbrobrowse lang ako sa ig tas after nito sa Twitter naman Hahahaha
Ang tagal kong di nakapag social media HAHAHAHA
Nakita ko rin na di ko pa pala naconfirm yung follow request ni Gelo last month or last last month pa ata to nakalimutan ko na rin kasi dahil ang dami daming pinapagawa.
Nakita ko naman na nagreact ng haha si Gelo sa meme na inistory ko sa ig kaya napunta sa message nag react lang din ako ng Haha
Pero biglang may nagpop up ulit si Dan nag reply siya sa story ko na nasa sison bus stop na ako
Dan replied to your sory:
Uy sabay na tayo pauwi
Baba ka sa tapat ng school
naminAmfeeling talagaaaa
nagreact na lang din ako ng haha dahil ayaw ko talagang humaba pa ang usapan namin nitong si Dan.Hahaha ewan ko pero nayayabangan ako sa kaniya sis
Napakajudgemental ko ba? HAHAHHA
Nag Twitter na ako pero improving talaga tong Gelo na to ah HAHAHAHA NAGSEND NA NAMAN NG FOLLOW REQUEST SA TWITTER ANG MOKONG
hindi ko sure kung ngayon lang ba to or dati pa dahil di ko nagchecheck yung Twitter ko lately at nakaoff rin yung notification ko
Sheeeemsss HAHAHAHA
inaaccept ko na rin yun dahil wala naman akong gagawin ngayong vacation tsaka wala namang masama friends naman kami at nasakin pa naman yung jacket niya, hanggat nasa akin pa ang jacket niya friends pa rin kami HAHAHAHA
Ang pinagtataka ko lang ay walang college friend ko ang nakakaalam nitong Twitter account ko na to pero mas active ako dito. Napaka husay mag hanap Hahaha

YOU ARE READING
DISSOLVED (Engineer Series #1)
FanfictionStory of an engineering student from Saint Louis University-Baguio BIBO SEA Calista Denise Fonacier a Mining Engineering student and Ace Jasper Hontiveros a mechanical Engineering Student, they are both from SLU-Baguio. "It's not about the label"