抖阴社区

CHAPTER XXI

60 1 0
                                    

"Congraaaaaatsss!" Sabi ko kay Jasper bago ko siya yakapin dahil lumabas na yung list ng mga may latin award at isa siya sa mga yon.


Nasa giant steps lang kami nag-uusap I'm so proud of him talaga


"We should celebrate, saan mo gusto pumunta?" I asked him


"Antayin na lang natin si Enzo, kain daw sa labas eh"


"Tanginaaaa si Enzo na lang walang jowa satin, para kasing babae sa kachoosyhan" sabi ni llyod habang naglalakad kami papuntang good taste center mall


"Tanginaaa kayo mga puro walang label! yung kilala ko nga jan magdadalawang taon na  wala pa ring label"  Alam naman naming lahat na kami ni Jasper yun


Masaya kami for the past year sana di kami umabot sa point na kailangang pumili at hindi piliin ang isa't- isa.


"Diba Aj?" Balik niya pa kay jasper kaya binatukan na lang siya niyo.


Akala din ng mga pamilya namin ay kami na, ang hindi nila alam ay wala pa rin kaming label

Plano ko siyang sagutin pag nakapasa na kami pareho, bakit ba eh bida bida ako eh HAHAHAHA



_______________


"Yieeee Congrats babe!" Bungad sakin ni Jasper at may binigay pang Bouquet pagkababa ko sa giant step after picture taking ng mga mining engineering department


"AYIIIEEE CONGRATS DIIIIN!" Tsaka ko siya niyakap


Sumunod naman ang mga ME na umakyat para mag picture


Nagpicture rin kaming magkakaibigan.


"Last picture na natin to na kumpleto!" nakatanggap ng batok si Enzo galing kay Lloyd


"baka ikaw kasi lagi ang magpapalusot kapag magkikita tayo"


Hinanap lang namin ang mga pamilya namin na magkasama lang pala sa may malapit sa fountain.


Nagpicture kami with my family tas with his family rin


Binigyan kami ni papa ng susi. Wooowww susi ng sasakyan


Nagpicture lang kami at umuwi muna para makapagcelebrate sa kaniya kaniyang pamilya.


_________________________





Aalis na  ako bukas papuntang manila dahil doon lang ang may review center for Mining board exam.


Pero si Jasper ay dito lang din siya sa baguio dahil may recommended na review center ang school for them.


Palabas na ako ng condo dahil magkikita kami ni Jasper before ako pumunta sa Manila


"Hiiii!" Niyakap ko lang siya pagkapasok ko sa sasakyan

Pinaandar niya rin agad yung sasakyan at papunta kami sa mile hi para kumain


"Babe" tawag ko sakaniya habang inaantay namin yung order namin kaya tumingin naman siya sakin. Tinignan ko muna siya ng mabuti bago ako ulit nagsalita


"I think, we need space" sabi ko na ikinagulat niya naman


"Ha?! What do you mean?" Sabi pa niya at pinipigilan ang sarili para wag maiyak


"I think we should focus muna sa on our career"Sabi ko pa ng nakayuko "ayaw ko na habang nagrereview tayo ay naka focus pa rin tayo sa isa't- isa" Sabi ko pa pero dii pa rin siya nagsasalita


"Alam ko kasi na napakadependent ko sayo at gusto kong mag grow muna for myself.


"Ple..." bigla niyang tinakpan yung bibig ko gamit yung kamay niya


"Please wag mo munang sabihin yung magic word?" Sabi pa niya saka niya ako hiniila palabas ng restaurant, nag-iwan na rin siya ng pera para pambayad sa inorder namin


Paglabas namin ay bigla niya lang akong niyakap "please don't say that word. Kasi wala akong magagawa kundi ang pumayag na lang agad"


"Please?" Sabi ko habang nakayakap lang siya sakin.

Unti-unti naman siyang tumango at hinalikan yung ulo ko


"Just one last thing, ihahatid kita bukas" sabi niya bago ako pinagbuksan ng pinto sa sasakyan


"Okay lang kung sakaling may makilala" di ko na natuloy pa yung sasabihin ko


"Okay, tama na babe" sabi pa niya habang tumatango at nagbubuntong hininga


Nagdrive na siya papuntang condo. Umalis din siya agad pagkahatid niya sakin


Bat parang ang bilis. Umiyak lang ako magdamag para iwan ko na lahat dito yung sakin



Inaantay ko na lang yung text or tawag sakin ni Jasper dahil sinabi niya na ihahatid niya ako ngayon. Di na rin kasi siya nagtext kagabi


Bigla namang may kumatok at feeling ko si Jasper na yun at tama nga ako.


"Kaya ko" sabi ko nang kukunin niya sana yung dala kong maleta. Pero kinuha niya pa rin yung isa na nasa kamay ko.


Nilock ko naman agad yung condo para makaalis na kami agad.


Sa dating condo lang din nila ate  ako titira sa manila dahil ayaw ko ng may ka roommate


Mabilis lang din yung byahe namin kumain lang kami nung may nadaanan kaming jollibee


"Bye babe, ingat ka dito ha? I love you" sabi pa niya habang yakap yakap niya ako. "Magiging engineer tayo ha?


Paalis na rin kasi siya at hinatid niya lang talaga dito . Tumango lang ako sa mga sinabi niya.


So far kami pa lang dalawa ang nakakaalam and I don't know kung ipapaalam pa namin sa iba.


"I love you too byeee. Ingat sa byahe" sabi ko at kumalas na ako sa pagkakayakap at pumasok sa sa loob ng condo.


"Ang mga memories sa Baguio ay naiwan sa Baguio"

DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now