Paakyat kami ngayon ni ate kaye dahil ihahatid ko siya gamit tong toyota hilux ni papa dahil ayaw niya naman ipahiram yung Nissan navarra niya.
Grabeng pilitan pa ang aking ginawa dahil ayaw niyang ipahiram dahil manual transmission nga raw. Sinabi pa niyang yung hiace na lang daw gamitin namin kung gusto ko.
Ano daw kaya yun aakyatt ako ng Baguiong naKa van tapos mag-isa ko lang na bababa
Hanggat maaari ay ayaw niya sanang mag manual ako paakyat pero sinabi ko naman na marunong na ako dahil tinuruan na ako dati ni Gelo.
Nasabi ko na rin kay papa na di na kami nag-uusap ni Gelo kaya tinigilan niya na akong tanungin kung kamusta or asan na ba yung kausap ko dati
Bukas na lang din ako bababa dahil ayaw ko na ulit magbalikan gaya ng dati.
Sobrang nakakapagon yung ganon di ko kinakaya.
Nang medyo malamig na ay binuksan ko na yung bintana at pinatay na ang aircon para di mahirapan ang makina paakyat.
Nag stop muna kami sa lion's head para mag cr dahil tong natutulog kong kasama ay naghanap ng cr pagkagising.
Like san ako kukuha ng cr eh nasa kennon road kami aish
Sinusulit niya na kasing matulog ngayon dahil bukas ay first day of school na naman
Dumiretso na rin kami sa grumpy joe para kumain at matutulog na lang kami dahil maaga akong uuwi bukas mga 8 HAHAHAHAHA Depende kung anong aras ako magigising HAHAHAHA
Maaga rin akong natulog pero nagising ako bandang 12:30 kaya nag scroll muna ako sa social media at naka tulog rin agad
Palabas na ako ng dorm para umuwi. Nakapangbahay lang ako dahil hindi naman ako lalabas ng sasakyan.
Naka white shirt at black shorts lang ako galing nike tas crocs lang.
Nalate din ako ng gising kaya alas onse na ako makakabyahe
Pumasok na ako sa sasakyan,papainitin ko lang saglit tong makina kaya lumabas muna ako saglit at tinignan kung may nangyari ba dito sa kapatid kong to at baka di na ako papasukin ng tatay ko sa bahay.
"Hoy Cali san punta mo?" Tanong sakin ni Enzo nang makita niya ako. Baka papasok na to "wala kang pasok?"
"Uuwi sa baba, di ako nag short term" sagot ko pero yung id lace niya ang napansin ko
"amfeeling bat mechanical na yang lanyard mo?" napakafeeling ng lalaking to akala mo naman talaga
"Nagshift na ako para magkasama kami ni Clein namimiss ko na siya eh" loko talaga to
Best friend kasi talaga niya si Clein kaya siya din kasama naming class staff dati. Ewan ko ba sa kaniya halos lahat ng mechanical friends niya dati pero nag mechatronics ang mokong, mas close pa nga ata niya mga taga mechanical kesa mga taga mechatronics.

YOU ARE READING
DISSOLVED (Engineer Series #1)
FanfictionStory of an engineering student from Saint Louis University-Baguio BIBO SEA Calista Denise Fonacier a Mining Engineering student and Ace Jasper Hontiveros a mechanical Engineering Student, they are both from SLU-Baguio. "It's not about the label"