"Tara na ah, sabay na tayo mag jeep sa gate 4 na ako papasok" aya niya pa sakin akala niya ata maglalakad ako papuntang sakayan ng jeep
Inaya ko naman siyang sumakay na lang sa sasakyan tutal doon din naman ang way ko. Binuksan ko lang na lang muna yung bintana dahil ayaw ko munang mag aircon
Kung ano ano pa ang pinag-usapan namin at ang loko talaga buti na lang di niya naopen yung samin ni Gelo
Naging close lang naman kasi sila dahil sa pagshiship nila samin dati at syempre blockmates sila. Pero kami talaga ang unang naging close
"Wow bigtime ka pala ih pabaguio baguio lang na nakapambahay pero naka hilux pala ang loko"
"Gashong ka hinatid ko lang kapatid ko"
"bumaba ka na nga sinisira mo araw ko. Bye" sabi ko na nang nasa medyo tapat na kami
"Thank youuuu da best ka talagang kaibigan napakabig time, Next time ulit!" sabi pa niya bago bumaba.
Nang isasara ko na sana yung bintana ay sumigaw pa siya "bye cali sana piliin ka na rin, ingaaaat" kaya inirapan ko na lang siya bago isara yung bintana dahil mausok yung jeep.
Buksan ko na lang ulit kapag asa kennon na ulit ako
Panira talaga ng araw yun lalo na kapag kasama niya si Clein na nang-aasar.
Sabog ang araw mo kapag nakasalubong mo sila ng 7:30 ng umaga sinasabi ko nasa malayo pa lang ang nginingitian ka na. Kaya kung makakasalubong mo pa lang sila ay mag-iba ka na ng daan
Binuksan ko lang ulit yung bintana para di ako antukin at nagpa music na rin ng kung anong up beat HAHAHAHAHA
__________________
Pagkarating ko sa baba bandang alas dos ay nag drive thru lang ako sa jollibee at kumain lang sa sasakyan.
Tinext ko lang din si Shayne at Joan para sunduin sila, ayaw ko pa kasing umuwi dahil nasa work pa si papa.
Same school lang kasi si Shayne at Joan samantalang si Mariel ay nag-aaral kung saan ako nag senior high dati since for college talaga yun
Dinaanan ko lang si Mariel bago kami sabay na pumunta sa school nila Sha at Jo
"Bat ka ba nanunundo na lang basta? San ka ba galing?" Tanong ni Mariel pagkapasok niya sa passenger seat na naka uniform pa ng pang nurse
"Trip ko lang magdrive pa, hahanap na rin kung kanino ako makikidinner HAHAHAHA" sagot ko
Mabilis rin kaming nakarating sa school nila sha.
Inantay lang namin si jo at di pa siya dismissed.
"Saan tayo mag didinner? Sa bahay niyo sa sha" sabi ko kay sha HAHAHAHAHA napipilit ko ang gusto ko sakaniya at kay tita eh
" wala naman akong magagawa kung sa bahay ka dumiretso" HAHAHAHA MISMO
"Oh ikaw Mariel nag-aaral ka na naman ih" dabi ko kay Mariel na busyng busy sa phone niya.
"Di ako nag-aaral si Charlie kasi gusto niya pang sumama eh sabi ko girls night ngayon" sabi niya pa na naiiyak na.
Bigla namang tumawag si Charlie sa kaniya sakto naman dumating na si jo at sinabing sasama daw si Nahum kaya sinabi na rin ni Mariel na pwede nang sumama si Charlie
"Woooow fifth at sixth wheel na naman kami ni SHAAAA! WALANG BAGOOOO" sigaw ko bago pinaandar yung sasakyan
Pagdating namin sa bahay nila Sha ay nag hi lang kami kay kuya Lay, kuya ni Sha bago kumain.
nagkwentuhan pa kami at umabot pa hanggang alas otso.
Mag-isa ko na lang sa sasakyan dahil naka convoy na lang kami nila mariel at jo dahil kasama na nila ang kani kanilang mga jowa mga pisting yawa silaaaa. sinundo ko sila tapos mag-isa lang din pala akong uuwi
Nagpahinga lang ako agad at sa rest house lang ako umuwi dahil bukas pa naman ng hapon ang uwi ni papa

YOU ARE READING
DISSOLVED (Engineer Series #1)
FanfictionStory of an engineering student from Saint Louis University-Baguio BIBO SEA Calista Denise Fonacier a Mining Engineering student and Ace Jasper Hontiveros a mechanical Engineering Student, they are both from SLU-Baguio. "It's not about the label"
CHAPTER XI
Start from the beginning