"Pag kayo talaga di kinasal after 5 year magkalimutan na. Gago galing akong inuman kanina gigisingin ako para lang suduin ang inaasume niyang jowa" sabi pa niya habang hinahatid niya kami pababa dahil ilolock niya pa ulit yung gate.
"Gago salamat bro!" Sabi naman ni Jasper kay Enzo
"Pag kayo talaga di nagkatuluyan salamat na lang sa lahat sa inyong dalawa" pahabol pa niya "Gago ka Hontiveros pati negosyo namin sinusugal ko para sayo" at di pa tumigil
Tumatawa na lang kami ni Jasper paglabas ng gate at naglabas pa ng middle finger si Enzo
Tanginaaaa bat ayaw niyang tumino? Di sana may jowa na siya ngayon
"May unan sa likod babe" ayan na naman siya sa pababe babe niya na yan iih
" Jaspeeeer san mo ba kinuha yang babe babe na yaaaan?" Tanong ko sa kaniya ang cringe kasiiii
"Di nga kasi pwedeng baby, kasi baby na ang tawag namin kay jane" na touch ako sa sinabi niya at hindi ako nakaramdam ng selos.
He really treasure his family :)
"Yieeee kikilig yarn?" Asar ko pa sa kaniya
Pati kung san kami dadaan ay pinagtatalunan pa namin. Kung kennon ba or marcos.
Di daw kasi safe kapag sa kennon kaya nag marcos na lang kami
"Babe gising na kain muna tayo" may tumatapik ng madahan sa braso ko
Sheeeems nakatulog pala ako sa byahe?
Tinakpan ko naman ang aking mukha gamit nung unan dahil bigla akong nakaramdaw ng hiya.
Tinawanan niya lang ako tsaka niya tinanggal yun at binalik na sa likod
"Good morning Denise! Halika na alam ko gutom ka na rin" sabi niya bago humalik sa ulo ko at lumabas
Kaya agad na rin akong lumabas at nakitang nasa Jollibee binalonan na pala kami
"I should always include may hair na kapag naliligo" sabi ko pagkababa ko sa sasakyan. "Lagi mo kasing inaamoy yung ulo ko malay ko ba kung anong amoy non" sabi niya pagkapasok namin sa loob at nagtangka pa siyang halikan ulit yung ulo ko pero iniwas ko na, nakakarami na siya eh
Tinawanan niya naman ako at sinabing "walang dapat baguhin, ganyan kita nakilala okay?"
"What do you want?" Sabi pa niya na nakapagpanguso sakin dahil di ako makadecide kung anong kakainin ko
"Spag, peach mango pie at burger" sabi ko tsaka ngumiti
"Okay upo ka na" sagot naman niya tsaka na siya pumila

YOU ARE READING
DISSOLVED (Engineer Series #1)
FanfictionStory of an engineering student from Saint Louis University-Baguio BIBO SEA Calista Denise Fonacier a Mining Engineering student and Ace Jasper Hontiveros a mechanical Engineering Student, they are both from SLU-Baguio. "It's not about the label"
CHAPTER XVII
Start from the beginning