Pagbalik niya sakin ay dala niya na lahat ng order dahil koti pa lang ang tao.
Sheeeem andito na naman si Dan with his cousins, kasama rin nila si kuya Cris which is yung friend ni ate Kaye.
Kinawayan ako ni kuya Cris kaya kumaway lang ako pabalik. Pagtingin ko sa kasama ko ay iniwas niya lang yung tingin niya.
Lumapit naman si Kuya Cris sakin
"Oy belated Happy birthday pala" nagthank you na lang din ako
"Si Jasper pala kuya, boyfriend ko" ngumiti rin sa kaniya si Jasper at tumayo para makipag kamay.
Ang tangkad ni Jasper 5'10" ata ang height niya eh
Umalis na rin kami agad
"Sino yung isang kasama nila kuya Cris? Bat iba yung tingin sayo? type ka ata HAHAHAHA"
"Sino? Si Dan? "
"I don't know"
"Lah? Yun yung kinwento ko sayo dati na student pilot na di ko bet kasi mayabang" sagot ko at tumango naman siya "I don't reply naman na sakaniya" I assured
Sumakay na kami sa sasakyan at inumpisahan niya nang magdrive nagulat nga ako kasi di siya gumamit ng waze at di rin siya nagtatanong sakin kung saang direksyon ba kami pupunta, pero alam niya naman.
"Nakapunta ka na ba dito dati?" Tanong ko at sumagot lang siya na twice
"Weh? Anong ginawa mo dito?" Ano ba yaaaaan Cali resort to oh di naligo
Sinabi ko rin na idiretso niya at pupunta muna kami sa bahay.
Tinuro ko na lang kung saan ang house namin dahil feeling ko naman yung resort lang ang alam niya.
Pero tumigil siya sa tapat ng gate, bat niya alaaam?!
"Stalker ka ba? Bat mo alam san bahay namin?" Tanong ko. Pero wala akong nakuhang sagot
Tuloy-tuloy lang din yung lakad namin na parang di siya kinakabahan.
Pagpasok namin sa bahay ay andon na silang lahat yumakap pa sakin si Eisle yung anak ng panganay namin.
"Hi tito saaaam!" Sabi pa niya. Ha? Di naman sam pangalan ni jasper. Tumingin ako kay jasper at kumindat pa ang loko
Lumabas naman galing sa kusina si papa kaya nagbless at kiss lang ako.
Ipapakilala ko na sana si Jasper kay papa pero yumakap na sila sa isa't- isa, Nag fist bump pa sila ni papa. Wow close sila
"Tito nililigawan ko na po tong bunso niyo" sabi pa ni Jasper na nakapag pangiti kay papa
"Sa wakas! Magkakajowa na yung anak ko ng igorot" wow binunyag yung isang gusto ko sa lalaki HHAHHAHA
Iniwan na ako ni Jasper at sumama na kay papa. Oh di sila na magjowa.
Nauna na nga ata sila sa resort dahil pagkababa ni jasper sa mga gulay na dala niya na di ko alam na meron pala ay nawala na sila.
Naligo na rin ako para makapunta na kami sa resort. Close din yun ngayon dahil gagamiitiin ngayon
Pagdating namin sa resort ay andito na rin pala sina papa at Jasper. Bat ba mukhang close na sila? Yaw ko na lang mag-isip.
Dumating na rin yung mga kaibigan ko at nagulat nung ipinakilala ko si Jasper.
Wala kasi akong pinagkwentuhan bukod kay ate kaye baka kasi majinx at diba nga akala ko may jowa.
Mga banda alas tres ay inumpisahan na nila papang uminom pero di na rin uminom si jasper dahil magdadrive pa siya paakyat, buti nga at alam niya. HAHAHAHA
"Uncle una na po ako" paalam naman ni Jasper kay papa at sa mga tito ko
"Ingat balong ingat" sabi naman ni papa.
Ihahatid ko lang siya palabas ng parking at naka rash guard pa rin ako.
(Secret lang : di ako marunong lumangoy HAHAHA shs na rin naman kasi ginawa yung resort)
"pinsan mo pala si Gab?"
"yeah! why? sayang nga she needs to stop for a while"
"ay may chika ako sayo pag-akyat mo" parang I smell something fishy dito ah, hindi sa kanila pero siguro gab and one of the boys HAHAHAHAH
"May di ka pa sinasabi sakin" bungad ko nagulat naman siya si sinabi ko
"Okay, pumunta ako dito dati pinaalam ko sa papa mo na liligawan kita" nagulat naman ako sa sinagot niya.
"Paano mo nalaman yung address?" Sabi ko pa
"Kaibigan ko kaya yung may ari ng dorm niyo" tawa pa niya.
HAHAHAHA yun pala yung sinasabi ni Enzo kanina
"Bye ingaaaat!" Sabi ko na lang sa kaniya
"Magpalit ka na later, baka sipunin ka. Alis na ako tawag ako later pagdating ko sa house" sabi pa niya "love you babe" sabi pa niya sabay yakap sakin at halik sa ulo kahit na basa pa ako
"Byeeee ingaaaat" kumaway pa siya bago pinaandar yung sasakyan

YOU ARE READING
DISSOLVED (Engineer Series #1)
FanfictionStory of an engineering student from Saint Louis University-Baguio BIBO SEA Calista Denise Fonacier a Mining Engineering student and Ace Jasper Hontiveros a mechanical Engineering Student, they are both from SLU-Baguio. "It's not about the label"
CHAPTER XVII
Start from the beginning