抖阴社区

                                    


Pero may magandang offer sakin sa Australia, di pa ako nakapag decide kung tatanggapin ko ba yun.


Gusto ko muna ng jowa sksksks 23 na ako nbsb pa rin akoooo HAHAHAHAHA



Palabas na ako dito sa office nang may tumawag sakin. Pagtingin ko ay si Jane pala na kapatid ni Jasper.


Di pa kami nag-uusap ni Jasper after niya ako ihatid sa Manila dati ni hindi nga man lang kami nagbatian nung makapasa sa board exam ih. As in wala talaga parang hindi nagmahalan amp. chaaar


Sinagot ko na rin yung tawag sakin ni Jane


"Ateee Caliii" bungad sakin ni Jane. Kahit na wala na kaming communication ni Jasper ay di naman nawala yung samin ng pamilya niya, pero dapat bang putulin ko rin yung sa amin ng family niya?


 "asan ka ate?" 


"Pa out na ako sa work bakit?" Sagot ko sa kabilang linya


"Birthday ni mommy bukas pinapainvite ka niya, pupunta rin sila kuya Enzo at mga iba niyo pang kaibigan, magtatampo daw siya kapag di ka pumunta" paano kung magkita kami don? Sheeeem di pa ako ready tanginaaaa


"wag kang mag-alala at wala naman si kuya busy yun sa work at hindi makakauwi" sabi pa niya at nasagot naman ang aking katanungan.



"Osige try ko pakisabi kay tita" actually day off ko na talaga bukas hanggang sunday pero di pa ako sure kung pupunta ba ako


"Wag mo itry ateeee, pumunta ka miss na miss ka na namin ih" sabi niya at di ko namalayan nasa la union bridge na ako at paakyat na ako ng Baguio.


"Osige sige na tawagan kita pag-uwi ko"


Sa Marcos lang din ako dumaan dahil gabi na gaya nga ng sinabi niJasper dati, delikado.


Dumiretso lang ako sa condo para matulog na. Ewan ko ba at ura urada akong unakyat pagod na pagod tuloy ako


Medyo maaga akong nagising kaya nag-exercise lang din ako saglit bago nag-ayos at pupunta akong sm para bumili ng gift para kay tita.


Pumasok ako sa department store at nag tingin pero wala akong nakita na feeling ko magugustuhan ni tita.


Pupunta sana ako sa mile hi kaya lang I'm not ready pa kaya pumasok na lang ako sa guess para magtingin ng pwedeng iregalo kay tita


Pagpasok ko pa lang ay nakita ko agad yung bag na sobrang ganda sheeeems want ko rin to HAHAHAHA pero kay tita na lang hanap na lang ako ng ibang pwedeng bilhin.


Binayaran ko na rin yung bag at lumabas na para kumain na rin dahil hindi pa ako kumakain.


Pumunta lang ako sa jco para kumain. Nag-order lang ako ng tatlong alcapone at mixed berry frappe dahil di na ako pwedeng mag kape ngayon for some reason.

DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now