I think it's best naman para atleast pati yung family niya maiiwasan ko
Pagdating ko sa office ay pinasa ko na agad yung resignation letter ko.
"Balik ka dito after mo mag work don ah, kung sakaling magfofor good ka na dito sa Pilipinas" may isang linggo pa naman ako dito
"Tara na sa labas at padating na rin yung mga taga RDC Sa mechanical department lang dapat sila since galing lang din sila sa mechanical department ng rdc pero nag request sila na mag mine site visit at ikaw ang sasama sakanila, baka huling punta mo na rin to sa minahan dito sa company, pero basta bumalik ka dito" sabi pa niya tsaka tumawa
"Sir babalik pa naman ako mga 2years after" palabas na kami ng office at sakto naman ang dating ng mga visitor
"Tang- engineer fonacier" di pa natuloy ang pagsabi ng bad word kaya napatingin ako don na ikinagulat ko
Sila lang pala yung visitors
"Oooooy gashong ka Enzo hanggang dito dinadala mo kakalatan mo. Nagrequest pa kayo ng mine tour ah, sa machines at mechanical department na lang kayo" nagyakapan pa kami bilang pagbati.
"Ga" di niya naman naituloy ang pagmumura niya nang marealized niya na madami pa lang nakakarinig
"Di ko nga alam na papasok pala kami sa minahan ngayon, yung head ata namin sa Mechanical department ang nagrequest, sino ba naman kami para tumanggi wala naman kaming latin award at di naman kami topnotcher sa board exam" napakapasmado talaga ng bibig nito
"Ang dami mong sinabi! Galing na kayo sa mechanical department?"
Nagpakilala pa sila isa-isa kay sir Ferrer at nagkamayan
"Oo kagagaling lang namin don, at andito kami para sunduin yung kasama naming mining Engineer na papasok sa minahan" sagot niya at magsalita pa ulit siya "kaya lang wala pa yung bibo naming head" sabi pa siya habang tumatawa
Grabe siya manlait ng senior niya ah
"Oh ang OA na naman" sagot ko na lang nagkwentuhan pa kami dahil wala pa naman yung head nila
"Itong si Engineer Ca. NBSB baka may may pwede kayong ireto dito sa bunso namin" sabi ni sir Ferrer akala mo naman talaga. Tumawa tuloy si Enzo
"Sir, di niyo lang alam baka nasa unlabeled relationship yan" sabi pa niya at tumawa kaya nakitawa na rin ang iba naming kasama.
Moved on na yung kaibigan niya siya na lang ang hindi
Sinamaan ko lang siya ng tingin "bunganga mo pasmado, ikaw na lang di naka move on don" sabi ko saka ko inirapan
"Bunso alert na namaaaaan"
"Pero talaga bang ako na lang?"tawa niya pa ulit

YOU ARE READING
DISSOLVED (Engineer Series #1)
FanfictionStory of an engineering student from Saint Louis University-Baguio BIBO SEA Calista Denise Fonacier a Mining Engineering student and Ace Jasper Hontiveros a mechanical Engineering Student, they are both from SLU-Baguio. "It's not about the label"
CHAPTER XXIV
Start from the beginning