Bat ang saya nitong mokong na to? Bat ba kasi ang tagal naman ng head nila
"Sir sabi po sa mechanical department Hatiin nalang sa dalawang team yung maminesite visit since may pinag-uusapan pa sila sir AJ" sabi nung kakapasok na staff
"Oh tawagin niyo si Engineer Garcia para siya na ang mag assist sa unang batch at si Engineer Ca na lang kila sir AJ" sabi namin ni Sir Ferrer
Tanginaaaa bagot na bagot na akong nag-aantay ditooooo.
"Sa second batch na ako, para kasama ko tong kaibigan kong to, iniwan na lang kami basta nung isang araw eh, di pa ata nakakamove on" sabi pa ni Enzo at umakbay sakin. Sinuntok ko lang din yung tiyan niya
"Don ka na lang sa best friend mo" sabi ko pa nakakaassaaaar. Umalis na rin yung unang batch at nauna na sa minahan.
"Sa wakaaas andito na ang aking head bestfriend" sabi ni Enzo sa likuran ko.
"Kunin ko lang yung full brim hard hat" sabi ko
Sa wakas at dumating rin yung head nila. Papasok lang sana ako sa office para kunin yung full brim ko at para sa head nilang paimportante pero napatigil at nagulat ako kung sino ang kanilang head engineer.
TANGINAAAAA ACE JASPER HONTIVEROS?!
Sinamaan ko naman ng tingin si Enzo bago ako pumasok sa office para kunin yung full brim hard hat.
Naka hard hard naman na siya kaya lang ay hindi pwedeng pumasok sa minahan kapag yung normal lang na hard hat for engineers ang gagamitin
Huminga muna ako saglit bago ulit ako lumabas pagkakuha ko sa full brim hard hat.
Tanginaaaaa bat ngayon paaaa?
"Tara na!" Sabi ko paglabas at inabot naman kay Sir AJ yung gagamitin niyang Hard hat. AJ na dapat ang itawag ko sakaniya para walang special treatment
"Sir? Ready na po tayo?" Baling ko pa kay Sir AJ
Ngumiti lang din siya bilang sagot. Sobrang namiss ko yoooon more than 2 years ko yun di nakita pero alam ko namang pilit lang na smile yon
Nauna na rin akong lumabas at nakasalubong ko pa si Paul "oooy alis na kayo?" Tanong niya pa
"Oo, gusto mo ikaw na lang sumama?" Loko ko pa sa kaniya
"Loko ka kaya mo na yaaaan ingaaaat!" Sabi pa niya at ginulo pa yung buhok ko bago siya naglakad paalis. Nagtanguan pa sila ni Enzo
Naka isang magazine palang kami ay nagrereklamo na si Enzo.
Maarte talaga tong lalaking to parang babae.
Inabot lang kami ng 2hours 30 mins sa paglalakad para makarating sa mismong minahan kapagod yun ah kaya umupo muna ako saglit habang yung mga kasama ko ay nag-eexplore pa kung anong material and machines yung mga ginagamit dito.

YOU ARE READING
DISSOLVED (Engineer Series #1)
FanfictionStory of an engineering student from Saint Louis University-Baguio BIBO SEA Calista Denise Fonacier a Mining Engineering student and Ace Jasper Hontiveros a mechanical Engineering Student, they are both from SLU-Baguio. "It's not about the label"
CHAPTER XXIV
Start from the beginning