抖阴社区

                                    


Di ko namalayan nakatingin na pala ako kay sir AJ grabe ang galing niya Head na siya agad ng department nila nakakaproud. Iniisip ko lang paano kung di ko siya hiningan ng space baka sobrang dependent ko pa rin sa kaniya


"Oh bat mo tinititigan yung head bestfriend ko Ha?" Di ko namalayan nakalapit na pala sakin si Enzo. Muntik ko pang nahulog ang walkie talkie ko dahil sa gulat bwesit buti nasalo ni Sir AJ?


"Loko ka" tawa ko pa "Si Sir AJ? Iniisip ko lang ang galing niya head na siya agad ng department niyo"


"Makapag sir ka naman sa best friend ko parang di minahal at nagstay sa almost 2 years unlabeled relationship ah" inirapan ko na lang ulit siya. Tanginaaaa anong gusto niyang itawag ko? Babe? Chaaaar wanhap


"Ano ngarod gusto mong itawag ko ngay?" Tanong ko pa pero dumating naman na si Sir AJ


"Tapos na po kayo sir? Gusto niyo na pong bumalik?" Sabi ko pero parang ang awkward ng term ko "I mean lumabas?"


Tinitignan niya lang din ako


"Oo tara na" si Enzo pa ang sumagot dahil atat na siyang lumabas, nauna na ring naglakad pabalik yung mga kasama namin.


Nahuli lang ako dahil kinausap ko pa yung ibang miners at may konting ginawa pa ako


Maglalakad na sana ako para maabutan yung mga kasama ko pero nakita ko si sir AJ na di pa naglalakad


"Tara na sir nauna na po yung mga kasama natin" pag-aya ko sakaniya. Naiiyak ako kapag naaalala kong may jowa na siya at hindi ako yung pinili, as if choice ka  iniwan mo nga siya ng ganon ganon lang.


"Can we talk?" Sabi pa niya habang naglalakad na kami pabalik pero mabagal lang


"Ano po yun sir?" Sagot ko na lang. Ayaw ko sana siyang tawaging sir kaya lang let's be professional HAHQHQ


"Babe"He corrected me or what.  "Can you please drop the formalities?" Sabi niya at tumigil pa kami sa paglalakad


"Po?" Sagot ko dahil di ko maintindihan yung gusto niyang mangyari, like tinawag niya ba akong Babe while he's in a relationship whith someone?


"TANGINA, I SAID DROP THE FORMALITIES" sigaw niya na ikinagulat ko dahil una sa lahat ay ngayon ko lang siya narinig na nagsalita ng bad word at pangalawa ay never niya pa akong sinigawan.


Di ko rin alam bat ako naiiyak ngayon sheeet tanginaaaa. Okay lang yaaaan Denise change is inevitable, maraming pwedeng mangyari/nangyari sa 2 years na di kayo magkasama


Di ko namalayan at sobra na pala yung iyak ko kaya pinunasan ko na lang yun at humarap kay sir AJ


"Ano pa bang gusto mo? May girlfriend ka na diba?Ayaw mo bang sumaya rin ako? Pinahatid ko na si Hilu (Hilux) sa bahay niyo para wag niyo na akong sabihan na pineperahan lang kita, yung sa mga iba mo pang binigay, sorry di ko muna maibabalik nasa condo pa kasi, ipapahatid ko na lang" sabi ko pa at nag-umpisa na ulit maglakad pero di pa ako nakakatatlong hakbang ay hinila niya ako saka niyakap


"Gusto ko ulit yung tayo! Please?" Sabi niya sakin na nakapag paiyak pa lalo sakin "wala namang nag-iisip na pineperahan mo lang ako diba?" Sabi pa niya pero umalis lang ako sa pagkakayakap niya


"Tara na baka maligaw ka pa, madaming masikot sikot dito" malamig ko pang sabi tsaka inumpisahan nang maglakad ng mas mabilis.


Sa sobrang bilis ng lakad ko ay nadapa ako pero tumayo lang din ako agad kaya yung pants ko ay sobrang naputikan. Tuloy-tuloy pa rin yung pagtulo ng mga luha ko parang ayaw ko pang maglet go pero kailangan.


 Nararamdaman ko rin na nakasunod pa rin sakin si Sir AJ


Nang medyo lumiliwanag na ay pinunasan ko na yung luha ko para di halatang umiyak ako


Chineck din ako nung lady guard kinapa ako dahil baka nagbulsa ako ng ginto CHAAAAR


Di ko na inaantay matapos si Sir AJ


"Oh nagswimming sa putikan ghoorrrl?" Sabi pa ni Enzo sakin pero nginitian ko lang siya at dumiretso na sa office ko para maligo at makapag palit


Di na rin ako lumabas pagkatapos kong maligo dahil ayaw ko muna ng kausap


"Ma'am paalis na po yung mga visitors, pinapatawag po kayo for picture taking" sabi ng isang staff kaya kinuha ko naman agad yung hard hat at vest ko bago lumabas


Pinapapwesto pa ako sa gitna kaya lang ay magkakatabi kami ni Sir AJ kaya sa gilid na lang ako pumwesto


"Oh si Engineer Hontiveros naman tsaka si Engineer Ca" sabi naman ni sir Ferrer. Bat ako? Di naman ako yung head ng department namin. Tumingin naman ako kay Enzo na parang humihingi ng tulong


"Sama na ako para bff goals" sabi naman niya bago tumawa para mawala yung awkwardness maaasahan din naman kasi tong mokong na to eh


Alam niyang pumagitna sa mga kaibigan niya.

DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now