抖阴社区

                                    


Binaba ko lang sa table yung milktea ko para makapag bless kina tito at tita. Nag hi lang din ako sa batang cute at kinarga ko agad pero gusto na niya agad bumaba at maglakad.


Binaba ko lang din siya at hinawakan yung isa niyang kamay bago kami naglakad ng sabay, ang cute baka anak ni kuya Jayson.


Pabalik balik lang din kami sa paglalakad sumisigaw pa siya sa tuwa nang may mapansin akong nakatingin samin, si Sir AJ pala na kasama na nila tita ngayon andon na rin si pala si Jane, wow may reunion ata sila eh


Sheeeemsss paano ko ibabalik tong batang to ngayon.


Kinarga ko na yung baby dahil nagpakarga na rin naman siya


Ibibigay ko na sana kay tita yung baby pero bigla siyang nagsalita ng "daddy" kaya nagulat naman ako na inaabot niya yung kamay niya kay jasper.


Sheeeet anak niya? Katanghaaaan na namaaan Denise malamang tinawag na daddy diba? edi tatay na siya Nagmukha na namang kabit for the second time around ang ate niyo girl


Binaba niya muna yung hawak niyang milktea kung di ako nagkakamali ay sakin yun. Bago niya kunin sakin yung anak niya ay bumaling muna siya kay Josh


"Very good ka ngayon sa milktea flavor ah?" Sabi niya na ikinatawa naman ni Josh


"Hindi naman sakin yan" sagot naman ni josh


"YUCK KUYAAAA! DUGYOT KAAAAA AYAAAN MILKTEA PAAAA" malakas naman na sabi ni Jane.


Shaaaaks edi indirect kiss kami? Gashooooong


Tinamaan din ako ng hiya kaya nagpaalam na ako kila tita na mauuna na ako. Sinabi ko rin kay Jane na bukas na lang kami magkita.


"Tita, tito una na po ak. Enjoy the day po" sabi ko at aalis na sana pero nagsalita pa si tito


"Anong aalis, anong mauuna? Kumain muna tayo tara naaaa" sabi pa ni tito kaya wala na akong nagawa

Sa John Hay lang daw kami kakain dahil nagluto pala si tita at magpipicnic pala dapat sila na hindi kasama si Jane dahil nga magkikita dapat kami ngayon.



Nagfefeeling kapamilya na naman ako. Namumukha tuloy akong kabit pota


Nauna nang umalis sila tita kasama sina josh, jane at yung baby. Sinabi kong sunod ako dahil naka sasakyan ako ganon din si Sir AJ.


Umupo muna ako saglit at hinawakan yung milktea ko  kanina, iinuman ko sana kaya lang naalala ko ininuman na pala ni AJ. Di pa rin nagsisink in sakin lahat ng nangyayari at mga nalaman ko ngayong araw.



Tanginaaaa may anak na siya tapos ako nbsb pa rin di pa fully moved on. Aminado naman kasi ako, tsaka konti lang naman na HAHAHAHA WANHAP JOKE CHAAAAR


Nang tatayo na sana ako ay andon pa rin pala si AJ


"Tara na ba?" Tanong niya pa sakin. Bat di na lang kasi siya nauna


Tumango na lang ako at naglakad na rin kami papuntang parking pagpasok namin sa parking ay nagsalita ako para di awkward


"Ang laki na ng anak mo ah?" Sabi ko at ngumiti naman siya


"Ah oo his name is David Jasper Hontiveros, he's turning 1 on saturday" sabi naman niya kaya di ako nakapagsalita tanginaaaa di pa rin ako makapaniwala may anak na siya pero infareness ang agang naglakad nung bata



"Ooooooh" tanga mo Cali yan lang ba kaya mong sabihin? kinagat ko pa yung loob ng cheeks ko 


"I Adopted him sa pinsan ko mother side so basically he's my nephew, kaya wag nang malalim ang iniisip mo jan" sabi niya, tanginaaaa halata ba? "tsaka wala nga akong jowa paano ako magkakaroon ng sariling anak?"



Tumango lang ako. Atleast wala pa siyang anak HAHAHAHAHA pero no need to explain chz



"Saan ka nagpark?"sabi pa niya tsaka ko tinuro yung right side kaya pumunta rin siya nakita ko naman yung sasakyan niya Toyota hilux lang din pero hindi yung binalik ko na gift ni Papa samin dati. Di ko nga alam kung nasan na yun ngayon eh.


Magkatapat lang pala yung sasakyan namin


"Ah cali?" Tawag niya sakin pagbukas ko ng sasakyan. Tumigil naman siya saglit.. "Can we talk after natin kumain?"


"Ha?kailan? Tungkol saan? Ah sige" ay ang tanga naman talaga Denise


Tumawa naman siya bago pumunta sa sasakyan niya kaya pumasok na rin ako sa sasakyan ko.


Convoy lang kami nasa likuran ko lang siya pero nung kamaliwa na kami sa john hay ay nauna na siya since siya naman ang nakakaalam kung saan sila pumepwesto dito


"Si ate Cali may favoritism kay ate Jane, ang unfair" sabi ni Josh habang inaayos yung pagkain


 "mommy alam niyo ba na uuwi si ate?" Baling niya pa kay tita


Tumawa naman kami nang umiling si tita


"Oh diba?" Sabi pa ni josh aynako


"Aynako hayaan mo na yang dalawang yan anak ha? Namiss ka lang ng dalawang yan" sabi pa sakin ni tita


"Duh? Baka may mas nakamiss pa jan at pinuntahan pa niya sa Australia" bigla namang nagtakip si jane ng bibig dahil may nasabi siyang hindi ko dapat malaman


"Oh naubusan ng break fluid?" Malokong tanong ni Josh HAHAHAHA "pasmadong bunganga ampu" this time ay si Josh naman ang nagtakip ng bibig dahil sa di niya naituloy na bad word


Tumawa lang kami ng tumawa buong stay namin sa john hay.


Ang cute rin maging tatay ni AJ napakacaring pero napaka impossible na mangyari samin non.


Baka nga yung pag-uusapan namin mamaya ay closure na namin yun HAHAHAHA


Pero oks lang para makamove on na rin kami sa isa't- isa for real  sksksksks


Nauna nang umuwi yung pamilya ni AJ kasama si dj yung anak niya.

DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now