抖阴社区

                                    

"Kaya nga Cali sama ka na kahit wag ka na uminom tsaka sunday naman bukas eh"

"Ano bang iinumin?" napatingin ako sa gulat dahil sa narinig ko galing kay Cali

"Wow iinom ka? umiinom ka na?" gulat din na tanong ng mga kaklase namin



"Tara na kasi ngayon lang naman eh"

"Payag ka na kasi AJ para namang others to, ikaw lang ang key para sumama kami"

"Ayoko! punta lang kayo basta ako uuwi na ako"

"Ang kj talaga di ka naman iinom, si Cali nga sasama rin"

"Oo nga tol sumama ka na rin, at least kapag sumama ka mababantayan mo yung gusto mo don" nagulat ako nang sabihin yun ni Clein, halata na ba?

"Oo na mga gago, puntahan ko lang kapatid ko, sunod ako saan ba?"

"Gago tatakas ka pa, samahan ka na namin" kaya ang ending sinamahan pa talaga nila ako sa rizal para puntahan si Jane at sabay-sabay nang pumuntang Drop-out

Pagkarating namin sa Drop-out ay napansin kong wala pa si Cali, baka di lang din sumama or nalate lang

"Parating na daw yung hinahanap mo" bumulong pa ni Clein sakin, kaya binatukan ko na lang

Ang ending aay nakipagkwentuhan lang kami ni Cali at di na uminom, buti naman

Buti at may dala akong sasakyan para maihatid ko si Cal sa dorm nila since wala nang space sa sasakyan ni Enzo, yung iba naming kasama ay may dala ring sasakyan.

"Hindi okay lang, taxi na lang ako malapit lang naman"

"Sige na Cali convoy naman tayo ih tsaka mabait naman yan" buti at nagsalita si Enzo tsk kala mo naman di kami naging close kahit sandali lang.

napagdesisyonan namin na si antayin na lang si Enzo sa labas ng dorm nila dahil sila ang may ari ng dorm na tinitirhan ni Cali

On our way ay sobrang tahimik lang namin sa loob ng sasakyan

"Hello baby" sagot ko sa tawag ni Jane papabili lang to ng midnight snacks

"Kuya pampagana namang mag-aral"

"Osige ano bang gusto ng baby na yan?

"ay seryoso ba kuya? fries, mcnuggets and iced coffee"

"Okay fries, nuggets and iced coffee"

"Thank you kuyaaaa! labyuuuu"

"Okay, sige sige love you too"

"Anong mas gusto mo mcdo or jollibee?" baling ko kay Cali pagkaend ng call ni Jane.

"Ha?" gulat na gulat? "pareho, favorite ko yung fries, nuggets, crispy chicken sandwich at ala king ng mcdo tas sa jollibee naman yung chicken, spag, burger at ang all time favorite na peach mango pie" natawa ako sa sinagot niya napakadaldal ang cute lang.

ang sarap lang sa feeling she shared her problems kahit na iniiwasan na niya ako this past few weeks



Akala ko magiging okay na kami after we talked pero pati sa groupings iniiwasan ako tapos g na g lang naman siya dati everytime nagkakaayaan na kumain sa gate 4 pero bat ngayon sobrang pag-iiwas naman na ata ang ginagawa niya kaya nagpaiwan na lang ako at sinundo na lang si Jane dahil alam kong di pa yun kumakain ngayong araw, feel na feel maging doctor.

Pumasok lang kami sa Silang Building para makakain si Jane sa Cafe Luis, nakita ko pa si Cali lalapitan ko pa sana siya pero tinanguan ko na lang siya



DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now