抖阴社区

                                    

“It depends,” sagot ni Mr. Siarez. “We have to do a lot of things before we can decided to let you go or not. But usually, we don't send back home volunteers who survived.”

“This is fucking stupid,” I said between gritted teeth. “You sould the land to those creatures and now you want us to go back there jus to kill us? Nasasayahan ka bang makitang isa-isa kaming namamatay?”

I sent a death glare at the old man. Mabilis na naglaho ang kaniyang ngiti at napalitan iyon ng pagkaseryoso na nagsasabing tumigil ako at dapat ko siyang sundin dahil mas makapangyarihan siya.

“Ms. Fluxia, it's better to not say anything about something you don't know.”

“Then let us know! Let us know why the fuck you're doing this!”

His left eye twitched. His jaw clenched before he turned around and walked out of the door. “Send them for interrogation now.”

Hindi makapaniwalang napatitig na lang ako sa pinto. The doctor gave me one last glance before she left the room. Nang naisara ang pinto, napabuga na lang ako ng hangin.

Hindi ko alam kung ano ba ang papaniwalaan ko. Sa sinabi ni Kana, parang naging bayad ang lupa para sa digmaang talo ang mga tao. Ano naman ang ibig sabihin ni Mr. Siarez sa sinabi niyang 'wag ako magsalita sa bagay na hindi ko alam?

Napahawak na lang ako sa noo ko.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang doktora at may mga kasama na siyang humanoids na nag-assist sa amin palabas. Iniwan na muna si Caes sa silid dahil hindi pa siya gising, pero makalipas lang din ang halos kalahating oras ay nagising na rin siya sa wakas.

We were brought inside a very closed room with only the door as the opening. There was a table and a chair at the center, so I slowly walked towards it and sat down the chair.

A beep echoed in the whole room, and a woman's voice followed.

“Tell us everything you saw there.”

Nag-angat ako ng tingin sa kung saan galing ang boses. The wall in front of me slowly faded and a glass replaced it. Nakatayo sa kabilang side ng salamin ang doktor at may mga kasama siyang kagaya niya ang nakatingin din sa akin at handa nang idokumento ang sasabihin ko.

Napabuga ako ng hangin bago sinagot ang tanong nila.

They had a lot of follow-up questions before my interrogation ended at ang iba naman ang iba naman ang tinanong.

Nang lumabas ako ng silid na 'yon, a humanoid approached me and brought me to another room to run some tests on my body. Maraming tinurok sa katawan ko at kinuhaan pa ako ng sample ng dugo ko at iba pang bagay.

When everything was finished, binalik kami sa silid na nagsisilbing kulungan namin. We were all silently sitting on our beds, wondering if when we could go back home or if is it possible for us to go back home.

--

ILANG ARAW NA ang dumaan.

Nakahilata lang ako sa kama, nakatitig sa kisame, iniisip kung kailan na naman ba sila babalik para tusukan ng kung anu-ano ang katawan ko at kunan ng kung anu-anong pang-sample.

Sa loob ng limang araw na narito kami, halos kada oras ay binabalikan nila kami para imbestigahan ang mga katawan namin. At dahil si Caesonia ang may direct physical contact sa mga nilalang na 'yon, siya ang mas pinagtutuunan nila ng pansin.

May nakuha silang DNA mula sa dugo na naiwan sa balat ni Caesonia. Ang sabi nila ay na-mix ang iba no'n sa sariling dugo ni Caes pero dahil kaunti lang, mas dominant ang dugo ni Caes at napuksa ang DNA na 'yon.

And speaking of Caesonia...

Bumukas ang pinto at napabangon kaagad ako. Pumasok si Caesonia kasama ang doktora. May bagong bandage na naman sa hita at braso si Caesonia.

“Good news, kids,” panimula ng doktora. “Ipapadala na namin kayo pabalik sa inyo bukas.”

Napaawang ang mga labi ko. Finally!

“Pero hindi namin tatanggalin ang device na nasa leeg ninyo,” dagdag niya. “Hindi namin pinapayagang lumabas ang kahit anong nangyari rito. Sa oras na magsalita kayo tungkol sa nasaksihan ninyo sa lupa at dito sa ship, ia-activate namin ang ibang function ng device na nasa leeg ninyo at awtomatikong sasabog ang ulo ninyo.”

Natahimik ako. Naiangat ko ang kamay ko para haplusin ang parte ng leeg ko kung saan nakabaon ang device na sinasabi niya.

So this was the reason why volunteers don't come back at all, dahil namamatay sila kahit maka-survive man sila o hindi.

The old man from Grand Ship No. 99 also said he was a volunteer. And before he could even tell me more, may dumating para kunin siya. I'm sure he was executed for telling us about what's beyond the boundary that time.

Hindi ko pa rin maintindihan kung para saan pa't nagpapadala sila ng mga volunteer sa lupa. What kind of experiment are they doing this time? At kapag nakakabalik naman ang pinadala nila, pinapatay naman kapag pinagkalat sa ibang tao ang nasaksihan sa lupa.

Hindi ba't mas magandang alam ng lahat ang kung ano ang nandoon para naman hindi sila magmukhang tanga? They deserve to know the truth, too.

Paalis na sana ang doktora nang nagsalita ako.

“Can you tell us why you're doing this?”

Unti-unti siyang umikot ulit paharap sa akin. “Pardon, Ms. Fluxia?”

“Hindi ba't sinuko n'yo na ang lupa sa mga nilalang na 'yon? So bakit n'yo pa kami pinapadala ro'n? As far as I remembered, someone from their race told me it's the price for the world war that happened years ago with an agreement. Gusto n'yo lang ba talaga kaming mamatay? At bakit hindi pwedeng ipagsabi sa iba? They deserve to know the truth, too, hindi 'yong naniniwala sila sa kasinungalingan nakasulat sa mga textbooks at sa mga tinuturo ninyo sa paaralan.”

She gave me a smile, but that smile didn't reach her eyes. “Ms. Fluxia, you're too young to understand. Let's say it like this... may laruan ka at ang laruang ito ay pinaka-importante sa 'yo, pero may ibang kumuha no'n at nakinabang. Importante sa 'yo ang laruang 'yon, hindi ba't tama lang na bawiin mo kasi sa 'yo 'yon? At gagawin mo ang lahat nga paraang meron para lang mabawi 'yon.”

Napatitig na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

She sighed. “You should sleep. Tomorrow, we'll send you back to your home.” Lumabas na siya ng silid.

Napapikit na lang ako at ibinagsak ang katawan ko sa kama.

Beyond the Boundary | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon