抖阴社区

                                    

“No you're not!” sabat ni Caesonia. Tinapunan niya ng matalim na tingin si Reivohr. “Susubukan kong magtanong-tanong sa mga kasama natin dito, baka may doctor sa kanila.”

“Caes—” Hindi na natapos ni Reivohr ang sasabihin dahil mabilis na tumakbo paalis si Caesonia para gawin na ang sinabi. Napabuga na lang ng hangin si Reivohr.

Wala nang nagawa si Reivohr. Umupo na lang siya sa tabi ni Zeig at saka pinunit ang damit niya para itali sa sugat niya.

We stayed silent after that. Sa sobrang tahimik, naririnig na namin ang mga pagsabog sa dagat kung saan nagaganap ang gyera. Sa tuwing may sumasabog, nakakaabot dito sa amin ang liwanag kaya napapalingon ako sa direksyon na pinanggalinan no'n.

“Sa tingin mo, gaano tayo katagal mabubuhay sa stiwasyong ito?”

Napabaling ako ng tingin kay Reivohr nang nagsalita siya bigla. He's staring at chaos in front of us, and his eyes tells me he's scared and feels hopelees.

“We weren't taught how to fight. Ni hindi nga sinabi sa atin na posibleng mangyari itong nangyayari ngayon,” dagdag niya.

I bit my lower lip and sighed after.

Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya. Kahit ako hindi naisip na mangyayari itong kaguluhan ngayon kaya hindi ako nakapagplano ng dapat gawin.

“Ang dapat nating gawin ngayon ay magdasal na lang,” tanging sagot ko sa kaniya.

He was about to say something nang marinig namin ang boses ni Caes na tinatawag kami. Kaagad kaming napabaling ng tingin sa kaniya at napaawang ang mga labi ko nang makita kung sino ang kasama niya.

“I didn't have any choice,” panimula ni Caes pagkarating niya sa tapat namin. “She's the only one with a kit with her.”

Napabaling ako ng tingin sa kasama niya. Aveyron was holding a rectangular box, which I assume was the first aid kit.

Tumango ako. “Okay.” Tumayo ako para makalapit si Aveyron kay Zeig at gamutin ang sugat ni Zeig.

Lumakad si Ave papalapit kay Zeig at saka siya lumuhod sa gilid ni Zeig. She opened the box and started treating his wounds. Pinagmasdan ko lang siya habang ekspertong gumagalaw ang mga kamay niya.

“I know you're thinking where the hell I got this first aid kit,” biglang salita ni Aveyron. “Mr. Siarez insisted I bring this here earlier.”

“I'm thinking why and when you became a spy and betrayed us, though,” mataray na sabat naman ni Caesonia.

Hindi sumagot si Ave at nagpatuloy lang sa paggamot kay Zeig. Nang natapos siya kay Zeig, pinaupo niya naman si Reivohr sa kabilang gilid at siya naman ang ginamot niya.

“I lied,” biglang salita ulit ni Aveyron.

“Yeah, obviously.” Umirap si Caes.

“You guys were actually my first friends.”

Napatitig ako kay Aveyron. Seryoso pa rin ang mukha niya habang pinupulupot sa tiyan ni Reivohr ang bandage.

“I wanted to help you guys, actually,” dagdag niya. “But it would mean my family's lives will be at risk, and yours too.”

Beyond the Boundary | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon