Nagsalubong ang mga kilay ko. “What do you mean?”
Hindi siya agad sumagot dahil isinara niya pa ang first aid kit bago siya tumayo at hinarap ako.
“I'm sorry,” aniya. “I understand if you will not forgive me because of what I've done. It's unforgivable. You treated me like a friend, gave me your trust, but I betrayed you.”
Napatitig ako sa kaniya. Her face was still in a poker face, but I could sense in the tone of her voice that she's sincere.
I sighed and opened my mouth to say something but I was interrupted by an old woman's screaming.
“What was that?” Nagbaling ako ng tingin sa direksyon na pinaggalingan ng sigaw.
“Lola!” sigaw ng bat at kasunod no'n ay nagsitakbuhan na paalis ang mga kasama nila.
Namilog ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko nang makita ang matandang babae na hawak-hawak sa leeg ng isang alien. The old woman struggled but it only resulted to her death.
Napasinghap ako nang walang pagdadalawang-isip na binaon nito ang malaking kamay sa dibdib ng matanda at marahas na hinila palabas ang puso nito. Nang hindi na nga humihinga ang matanda, tinapon niya ito sa dagat at sinunod niya naman ang bata. He held the girl's head and twisted it as if he's opening a water bottle. The child's painful screaming almost made me go deaf. Nang natanggal ang ulo nito, lumabas ang dugo mula sa leeg niya na para bang bagong bukas na hose ng tubig.
Hindi ako makagalaw. Unti-unting nanlamig ang buong katawan ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
“Shit! Shit! Shit! Let's leave now!”
Napakurap ako at natauhan ako nang may humawak sa braso ko at hinila ako patayo. Nang tingnan ko kung sino 'yon, si Aveyron pala. Nakaakbay din sa balikat niya si Zeig.
“I know where we can hide before the massive explosion will happen!” ani Aveyron kaya nakakunot ang noong napatingin ako sa kaniya.
“Massive explosion?”
Hindi niya nasagot ang tanong ko dahil may biglang dumaan sa gilid namin na sobrang bilis. Turns out, it was a large bolder and tumama iyon sa taong nasa malayong harapan namin na tumatakbo rin. Napisa siya at kumalat ang dugo niya sa lupa.
Napasinghap ako. Tumigil kami saglit at mag-iiba na sana ng daan para makapagpatuloy sa pagtakbo pero may papalapit din sa amin mula sa direksyon na tatahakin na sana namin.
The alien's eyes glimmered with fury. “Kerukim!” he growled.
“Fucking move!” natatarantang sigaw ni Caesonia at hinila ako.
Hindi pa kami nakalayo ay may lumipad papalapit sa amin at pinigilan nito ang malaking bato na tinapon sa direksyon namin gamit ang beam. Nahati ang bato at ang beam ay humati rin sa alien na naghagis sa bato.
The robot with orange lines in his skin turned around to look at us. Nang makita ko ang mukha niya, saka ko lang siya nakilala.
“Are you okay?” tanong ni Gregory.
Tumango ako. “Oo.”

BINABASA MO ANG
Beyond the Boundary | ?
Science FictionStatus: COMPLETED "Curiosity kills the cat. Going beyond the boundary means risking your life." In the year 3001, people have to live in large ships in the middle of the vast ocean after the World War V happened about 700 years ago. Anzaria lives i...
Chapter 34
Magsimula sa umpisa