抖阴社区

01: WHICH IS WITCH?

627 22 54
                                        

[WHICH IS WITCH?]

Devin's

Natapos na kaming kumain at naisipan ko ng pumunta sa next class ko kahit ilang minuto pa ang natitira bago magsimula ang klase.

Wala pang tao sa room nang makarating ako ro'n dahil masyado pang maaga para sa susunod na klase. Pero mas mabuti na rin 'yon para solo ko ang aircon. Para naman sulit 'yong tuition fee na binabayaran ko rito.

Naglakad ako papunta sa bintana para ayusin ang kurtina at hinayaan na makapasok nang malaya ang liwanag sa buong paligid. Sumilip ako sa bintana pero puro puno lang naman ang nakikita ko at 'yong Nursing Building.

Umatras ako. Hindi naman gano'n kalawak ang buong silid, sakto na sa kuwarentang estudyante. Tapos 'yong mga upuan ay katulad pa sa Japan na hiwalay 'yong lamesa sa upuan. Maglalakad na sana ako pumunta sa upuan ko nang marinig ko na may nagbukas ng pinto.

Tumingin ako ro'n. "Excuse me, is this the next class of Mrs. De Vera?" tanong nito sa malumanay na boses. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na siya 'yong babae kanina sa cafeteria na may magulong buhok.

Tumango ako bilang sagot. "Yeah," sabi ko, pinipilit na maging casual. "Why?" tanong ko. Pero hindi niya ako pinansin, dumiretsyo lang siya sa pagpasok dito sa loob bago isara ang pinto.

Nanlaki ang mata ko dahil do'n. Bakit siya pumasok? Papatayin ba niya ako rito?

Napaatras ako nang kaunti nang naglakad ito palapit sa akin. Pero hindi niya ako pinansin at dumiretsyo sa upuan sa likod.

Napatikhim ako at inayos ang sarili. "Are you supposed to be in this class?" tanong ko ulit at naglakad sa upuan ko.

Muli, 'di niya ako pinansin na para lang akong hangin rito. Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. Okay, then. Guess I'm not worthy of a reply.

Nagpanggap ako na hindi ako napahiya sa ginawa niya at umupo na lang sa upuan ko na malapit sa bintana at hindi na lang siya pinansin. Binalot kami ng katahimikan at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig sa buong paligid.

Bumaling na lang ang tingin ko sa pader namin na kulay cream. Maaliwalas ang paligid kahit na nakapatay ang ilaw dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana na nasa kanang bahagi. May bintana rin sa kaliwa, na nakatapat sa corridor pero mataas iyon para iwas sa distraction tuwing nagkaklase.

Sinuklay ko ang itim kong buhok paitaas pero wala ring dulot dahil mabilis din iyong bumalik sa noo ko. Kaya wala na akong ginawa kundi hayaan na lang.

Nag-stretch ako at sinubukan na alisin sa isip ko 'yong babaeng kasama ko pero hindi ko magawa dahil naalala ko ulit 'yong ginawa niya kay Jake kanina kaya hindi ko na napigilang ngumiti.

Muli akong napatingin sa babae na nasa gilid ko. Tahimik lang itong nagbabasa ng libro. Pero nabobother ako sa buhok niya. Hindi ba siya naiirita o naiinitan? Puwede ba mag-volunteer na ayusan siya?

'Tsaka bakit pala siya nandito? Isang linggo na ang nakakalipas magmula nang magsimula ang first sem at hindi ko naman siya nakikita sa klase na 'to.

Sandali, ano bang paki ko? Umiling ako at pinagmasdan na lang ang whiteboard sa harapan. May iilan pang nakasulat doon dahil siguro sa huling klase na gumamit ng silid.

Kinuha ko ang notebook ko sa bag at sinubukang i-recall ang mga tinuro sa amin last time dahil baka biglang magkaroon ng recitation mamaya.

Hindi rin naman nagtagal at isa-isa ng nagsidatingan ang mga kaklase ko. Napansin din nila 'yong bago naming kasama, pero walang nagtangkang lumapit dito dahil well... Nakakatakot siya.

Not a Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon