抖阴社区

31: UNPLEASANT PRESENT

135 7 31
                                        


[UNPLEASANT PRESENT]

Zoelle's

(FOUR YEARS LATER)

Nang makalabas ako sa NAIA Airport, ang mainit na hangin ng Manila ang yumakap sa akin na parang isang makapal na kumot. At kahit nakasuot ako ng sunglasses ay naniningkit parin ang mata ko dahil sa sobrang taas ng sinag ng araw.

Hinawi ko ang buhok ko na hanggang dibdib ang haba bago ko hawakan ang handle ng maletang dala ko, at nagsimula nang maglakad. But I stop when my phone vibrated in my pocket. It was Zion.

Napa-irap ako. Ilang oras pa lang ang nakakalipas noong huli naming pagkikita pero ito na naman siya.

Napabuga ako ng hangin bago sagutin ang tawag niya. "I'm alive," I said dryly.

Natawa siya mula sa kabilang linya. "Good. Because Dad keeps asking where you are now."

"Can you guys relax? I'll be there soon. But before that, I have somewhere to go."

"Just let Guel pick you up."

"I know how to commute," sabi ko na ikinatawa niya. He's still treating me like a child, tss. "I'll talk to you later, bye," sabi ko bago ibaba ang tawag.

Muli kong hinila ang maleta ko at nagpara ng taxi.

"Kuya, sa Eternal Grove Memorial Park po," sabi ko sa driver nang makapasok sa humintong sasakyan.

Nagsimula nang umandar ang sasakyan at medyo naipit pa sa traffic dahilan para magkaroon ako ng pagkakataon na obserbahan ang cityscape sa labas ng bintana.

Glass towers loomed over the streets, their reflective surfaces mirroring the restless city below. 'Yong ibang mga buildings ay mayrong sleek, modern façades na may minimalist exteriors-clean lines, geometric patterns, and neutral tones.

'Yong iba naman ay pinanatili parin ang hitsura ng lumang Manila, na may Spanish-inspired architecture. I always admired how the city tried to balance its history with its future, though some designs felt forced, as if they were unsure of their identity.

Inabot ng kalahating oras ang naging biyahe bago ako makarating sa Eternal Grove. Hindi na rin gano'n kainit ang sinag ng araw dahil na rin sa mga puno na nasa paligid ng memorial park. I purchased a small bouquet outside the gate, the scent of fresh lilies mixing with the distant aroma of damp earth.

Walking toward his grave, at tila ba'y nanumbalik ang kirot sa puso ko.

Hanggang sa makita ko ang pangalan niya na nakaukit sa puntod. My throat tightened. Even after all this time, seeing it still hurt.

Lumuhod ako bago ipatong ang bulaklak sa gilid ng puntod. Malungkot akong ngumiti at hinawakan ang pangalan na nakasulat sa puntod.

"Hi Lo, I'm back," mahinang sabi ko. "Sayo parin ako unang pumunta ah, baka magtampo ka," mahina akong natawa. "I'm sure, you're with Lola Zenaida now. I hope you guys are happy."

Tahimik kong tinanggal ang iilang tuyong dahon sa puntod niya. Tulad ng pinangako ko sa kanya noon, sa kanya ako unang tatakbo kapag bumalik na kami dito sa Pilipinas. Pero tulad din no'ng nangyari noon, ako pa lang din ang nakakabalik ngayon dahil may kailangan akong asikasuhin.

Not a Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon