抖阴社区

12: STRANGE CHANGES

243 16 12
                                        

[STRANGE CHANGES]

Devin's

"You have to expand your understanding," 'yan ang madalas sabihin sa akin ni Dad, "because everyone has their own battles, their own stories." And it became a mantra-isang bagay na araw-araw kong dala simula noong bata pa ako.

I've learned not to judge anyone without truly knowing and understanding their story. And I thank my father because of that.

Sadyang minsan...

"Don't waste your time to someone like me. Just... Stop," sabi niya bago tuluyang umalis sa harapan ko.

That, that is... I don't understand.

Sinubukan kong ilagay ang paa ko sa sitwasyon niya. Sinubukan kong intindihin kung bakit...

Maybe she has this trust issues? Or I offended her? Or maybe because of Drake?

Pero kahit anong gawin ko... I just don't get it.

At isa sa mga hindi ko na rin maintindihan ay kung bakit ba sobrang gusto ko parin siyang intindihin kahit na pinagtatabuyan niya ako.

But yeah, she wants me to stop bothering her? I understand. No problem, done.

I stopped greeting her at school, I stopped looking for her, I stopped worrying if she's getting bullied or what, I just stopped and pretend I don't know her-katulad ng gusto niya.

Muli kong natagpuan ang sarili ko na ginagawa ang mga bagay na matagal ko ng hindi ginagawa dahil sa kagustuan ko na makilala siya.

Pinilit kong alisin siya sa utak ko pero hindi iyon naging madali dahil usap-usapan na sa buong school ang relasyon nila ni Drake--Kahit saan ako magpunta, iyon ang palagi kong naririnig sa paligid ko.

"Ang seryoso naman po ser." Nag-angat ako ng tingin kung saan nanggaling ang boses at nakita si Cassie na nakatayo sa gilid ko. Naka-ponytail ang mahaba niyang buhok at malawak na nakangiti sa akin.

Kasalukuyan kasi akong nandito sa Café nila para mag-review sa nalalapit na Midterm exam-kahit na tinatamad pa ako. Ito na lang kasi ang nag-iisang lugar na naiisip ko para makatakas sa maiingay kong mundo.

"Puwede mang-istorbo?" tanong niya at itinuro ang upuan sa harapan ko.

"Yeah, sure," sabi ko. Inusog niya ang upuan sa harapan ko at naupo. Napansin ko na nakasuot siya ng uniform na pang staff dito. "Nagtatrabaho ka na rito?"

Tumango siya at tumingin sa paligid. "Yup. Na-stroke si papa eh. Kaya kailangan ko nang tumulong dito," aniya.

"I didn't know that, bakit hindi nabanggit ni Jake sa amin 'yan?"

Nagkibit-balikat siya, "Malay ko sa kumag na 'yon."

"Kaya ba 'di ka na rin sumasabay sa amin?" tanong ko.

Tumango siya. "Bakit miss niyo na ba ako?" tanong niya at natawa.

Bukod kasi sa aming lima ay madalas din namin siyang kasama noon high school. Kababata ni Jake, kaya naging tropa na rin namin.

"Kamusta pala si Tito?"

"Ayon, nagpapagaling parin sa hospital," sabi nito at ngumiti. But I know that smile. That was the same smile she always put to hide. "Eh ikaw?"

Not a Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon