抖阴社区

01: WHICH IS WITCH?

Magsimula sa umpisa
                                        

Maya-maya ay may biglang pumasok dito sa classroom na babae at nadulas sa harapan. Sa sobrang lakas no'n ay gumawa iyon ng malakas na tunog, at naurong pa 'yong lamesa na nasa harapan na ikinagulat namin.

"Aray!" sigaw ni Alyx, ang kaklase naming kalahating hapon. "T-shirt, akala ko late na ako!" malakas niyang singhal at inayos ang salamin nitong tumabingi dahil sa pagkakadulas niya kanina.

"Kalmahan mo lang kasi Akiyama!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko.

Tumayo na si Alyx bago ayusin 'yong lamesa sa harapan. Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa upuan niya. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti at kumaway sa akin. "Hi, Devs!" bati niya.

"Ayos ka lang?" natatawa kong tanong.

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. "Oo, sanay talaga ako mag-swimming sa sahig," aniya dahilan para mas matawa ako.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makarating ito sa upuan niya. Natigilan ito nang mapagtanto na may bago siyang katabi---'yong babae na kamag-anak ni Elphaba. Umupo si Alyx sa katabing upuan at kinausap ito.

Hindi ko masyadong marinig ang usapan nila kaya ibinaling ko na lang ulit ang tingin sa notebook ko hanggang sa dumating na ang Prof namin sa Development Economics.

Sa kalagitnaan ng klase ay muli akong tumingin ako sa puwesto no'ng babae kanina. Messy hair, with an aura of mystery--yeah, she wasn't exactly your everyday pretty girl. But damn, she had a face that could make a guy stare a second longer than he should. It's just... that hair.

Pero seryoso, did she lose a fight with a hairbrush? O talagang gumising lang siya kaninang umaga at sinabing, 'Screw it, I'll let chaos reign'?

Biglang naagaw ng atensyon ko ang katabi niya na si Alyx na nakatingin sa akin. Tumingin siya sa katabi niya at tumingin ulit sa akin bago ngumiti na parang nang-aasar. Umiling ako at binalik ang atensyon ko sa harapan.

Natapos ang klase at agad akong lumabas pero biglang may kumalabit sa akin. Nang lingunin ko iyon, nakita ko si Alyx na nakangisi parin na nang-aasar.

"Bakit?" tanong ko.

"Ikaw Radcliffe ah!" aniya at sinundot pa ang braso ko. "Crush mo si Cervantes 'no!" pagpapatuloy niya na ikinalaki ng mata ko.

"Cervantes?" takang tanong ko. It's been 3 years since the last time I heard that surname.

"'Yong katabi ko kanina! I don't know her name yet, but I heard ma'am De Vera earlier na tinatawag siya sa apelyido. Bakit 'di mo alam 'yon? You're not paying attention sa crush mo!" sabi niya at ngumuso.

Natawa ako. "She's not my crush," sabi ko.

Nanlaki ang mga singkit niyang mata. "Eh! Nande?!" Kinunutan ko siya ng noo.

"What?"

Right. Hilig nga pala niya mag-insert ng Japanese words randomly. Sana next time may button na siya para sa subtitles.

"Oh my gosh!" Napasinghap siya. "You love her already?!" gulat niyang tanong at pakunwari pang tinakpan ang bibig.

Tinignan ko siya nang walang emosyon. "Psh, as if."

Humaba ang nguso nito. "But you were staring!"

"I was observing. Magkaiba 'yon." Nagkibit-balikat ako. "Nagtataka lang ako sa kanya kanina kasi hindi naman natin siya kaklase."

"Oh! Eh kasi ngayon lang daw naayos 'yong schedule niya," sabi niya. Oh?

"Irreg?"

"I think so," kibit-balikat na sagot niya.

Not a Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon