抖阴社区

01: WHICH IS WITCH?

Magsimula sa umpisa
                                        

"Buti nakausap mo. Kanina kasi no'ng tinatanong ko siya, hindi niya ako pinapansin." Naalala ko na naman.

Oo, gets ko naman na hindi ako 'yong pinaka-interesting na tao sa mundo, pero ano man lang 'yong reply 'diba?

"Hindi rin naman siya gano'n kadaldal. Isang tanong, isang sagot lang siya eh. Tapos englishera," dagdag ni Alyx.

Great. So, she's not just a witch---she's an elitist witch.

"Related ba siya kay Ash?" Sa wakas ay natanong ko na rin.

Kumurap si Alyx ng ilang beses bago magsalita, "Oh! Kaya pala pamilyar 'yong last name niya!" Bigla siyang natigilan at tumingin sa akin, "Hanggang ngayon parin ba..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin. Napabuntong hininga na lang siya at umiling. "Move on na, Devs. Tagal na no'n!" Mahina niyang hinampas ang braso ko.

Natawa ako. "I know, I know!" Inayos ko ang straps ng bag ko bago ngumiti sa kanya. "Alright, mauna na ako," paalam ko sa kanya.

"Hai! Mata ashita," aniya at nag-bow pa sa akin. Ginaya ko siya as respect na rin sa culture niya.

Pagkatapos no'n ay naglakad na ako paalis habang nakalagay ang kamay ko sa bulsa ng slacks ko.

Meron pa akong isang klase mamaya pero may vacant ako ngayon na tatlong oras kaya naisipan kong pumunta sa Campus pool sa may bandang likod ng University.

Kaso nang makarating ako roon ay ginagamit iyon ng mga Senior High para sa PE class nila.

Napaisip tuloy ako kung saan ako tatambay ngayon. Gusto ko sana pumunta ng cafeteria kaso busog pa ako at ang init pa ro'n.

Habang naglalakad ay napadaan ako sa isang garden na walang tao. Ang alam ko, wala talagang pumupunta rito dahil ang sabi may multo daw, but I think it's a good idea na rito muna tumambay at magpalipas ng oras.

As if some floating white lady would scare me off. Except na lang siguro kung gusto niyang kunin ang kaluluwa ko---then we'd have to negotiate.

Naglakad ako papunta sa ilalim ng isang puno ng narra para doon maupo at sumilong. Napangiti ako habang nakatingin sa paligid. Sobrang tahimik at walang mga tao. Mahangin din dahil sa mga halaman sa paligid.

Bakit ngayon ko lang pinintuhan 'tong lugar na 'to? Simula ngayon, dito na ako palaging tatambay.

Sumandal ako sa puno at nilabas ang notebook ko para magkunwari na mag-review sa susunod na subject. Pero sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay nakaramdam ako ng antok dahil sa sobrang tahimik ng lugar kaya humiga na lang ako sa damuhan para umidlip.

Then I heard it.

Isang babae na kumakanta.

No'ng una, akala ko nanaginip lang ako. Pero hindi, it was real... And close.

Okay. Either totoo 'yong ghost rumors sa garden na 'to, or I had just stumbled into some angel's personal concert.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Parang malapit lang kasi. Tumingin ako sa taas ng puno pero wala namang tao ro'n. Kaya naman sinubukan kong sumilip sa likod ng puno na sinasandalan ko kanina.

Then I saw her.

The girl with wild hair---'yong tinutukoy nilang Witch.

Nakaupo siya sa damuhan habang nakasandal rin sa puno. She's wearing an earbuds, completely lost in whatever she was listening to. Nakapikit ang mata habang gumagalaw ang bibig dahil sa pagkanta.

Pero hindi rin nagtagal nang mapansin niya ako.

Nanlaki ang mata niya at sa mga sandali na iyon ay nakita ko na nagkaroon ng emosyon ang mukha niya. She looks surprised. Or Annoyance? At hint na rin ng, please tell me this guy is blind so he won't recognize me--look

Tinanggal niya ang earbuds niya. Itinaas ko naman ang kamay ko na para bang may kasalanan akong ginawa.

"Sorry, I don't know that you're here. Kanina pa ako sa kabila, tapos I heard you sing, akala ko multo." Nginitian ko siya para ipakitang hindi ako nangangagat, mahirap na, baka biglang mag-cast ng spell sa akin 'to.

Pero hindi parin siya nagsalita.

Okay, maybe mentioning ghosts wasn't the best way to introduce myself to someone called a witch.

I scrambled to fix it, "I mean your voice is amazing. I just, I just thought na may multo kasi akala ko ako lang ang nandito," malumanay ang boses kong sabi pero hindi ulit parin siya nagsalita.

Is she mute? Or deaf?---Pero may suot siyang earbuds kanina, at narinig ko rin siyang nagsalita no'ng nagtanong siya sa classroom kanina.

Napalunok ako ng laway dahil hindi ko alam kung anong gagawin. Baka mamaya, binibigyan na niya ako ng sumpa sa utak niya.

"A-Ah anyway, I'm Devin," pakilala ko. "Magkaklase tayo sa Development Economics; sa klase ni Mrs. De Vera kanina," sabi ko ulit pero hindi parin siya nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa akin.

Bakit hindi siya sumasagot. Hindi ba siya marunong makipag-usap?

"Ikaw? What's your name?" tanong ko ulit at naghintay saglit para sa sagot niya pero nanatiling tikom ang bibig nito habang nakatingin sa akin.

Okay, natetense na ako.

Tumingin ako sa hawak niyang cellphone. Maybe she needs her personal space at nakakaistorbo ako.

"Ah, never mind. Mauuna na ako, pasensya na ulit," sabi ko at nagpanggap na hindi iyon ang unang beses na hindi ako pinansin ng babae.

Nang makalayo na ako sa garden, itinaas ko ang kamay ko at inihilamos sa mukha ko.

Sa tinagal-tagal kong nabuhay sa mundo, doon lang ako naramdaman nang sobrang kahihiyan.

And for some insane reason?

I kinda wanted to talk to her again.

Not a Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon