抖阴社区

CHAPTER 5:

9 0 0
                                        

     The Pact and the Past

SABRINA LUNA CALYPSO / SOLANA BLAIRE OCAMPO

Ang buong silid ay tila gumagalaw. Ang mga ancient scrolls ay humihinga. Ang mga ilaw ay kumikislap sa isang ritmong parang tibok ng puso ng mundo mismo.

At ako—ako ay nakatayo sa gitna ng lahat ng ito, duguan, hingal, at nababalot ng liwanag na hindi ko maipaliwanag.

“Reincarnated Queen of Calypso,” bulong ng tinig mula sa scroll.
“You have awakened the Pact.”

Tumigil ang liwanag. At sa harap ko, isang insignia ang unti-unting lumitaw sa balat ng aking palad. Isang tatak—hugis buwan at espada. Kumikislap ito sa pilak na liwanag.

Bigla akong natumba. Umiikot ang mundo. Dumilim ang paningin.

---

A STRANGE VISION

Nagising ako sa gitna ng isang kagubatan. Hindi ito Calypso. Hindi ito mundo ko.

Ako'y nasa ibang katawan. Mas bata. Naka-armadura. Sa kamay ko, may hawak akong espada—pero gawa ito sa liwanag.

“Lead them,” sabi ng isang boses sa likod ko.
“You are the Moonbound Queen, daughter of starlight and shadow.”

Paglingon ko, nakita ko ang isang hukbo. Mga nilalang ng liwanag—may mga pakpak, may mga sungay, may mga mata na tila kalawakan mismo. Lahat sila, nakatingin sa akin. Humihingi ng utos.

“Ano ‘to…” bulong ko.

“This is who you were… and who you must become again.”

Bigla akong hinila pabalik sa realidad.

---

ROYAL LIBRARY - SECRET CHAMBER


GASP.

Napaupo ako. Nanlalambot, pero buhay. Tumatagaktak ang pawis ko.

Tumingin ako sa palad ko. Nandoon pa rin ang tatak. Nagsimulang bumabaon sa balat ko hanggang sa tila naging parte na ng laman ko mismo.

Hindi ko alam kung alin ang mas nakakabaliw—na may ancient magic sa katawan ko o na tila isa akong reyna ng isang nawalang sibilisasyon.

Pero isang bagay ang malinaw:

I’ve awakened something powerful. And now, I have enemies I can’t even name yet.


---

MEANWHILE... IN THE UNDERCITY

Sa pinakaloob ng lungsod, sa ilalim ng mga patong-patong na eskinita at tulay, naroon ang Black Sun Syndicate—isang organisasyong patay na sa papel, pero mas buhay kaysa dati.

Dito, si Ace Dela Rosa ay nakaupo sa harap ng Council of Shadows.

“Failed to eliminate her,” sabi ng isa.
“Unacceptable,” dagdag pa ng pangalawa.
“She’s gaining strength. We can’t risk her unlocking the full pact.”

Tahimik si Ace. Hindi siya makatingin sa kanila.

“She knew me,” bulong niya. “She called my name.”

“Then she must die before she remembers everything.”

Binigay sa kanya ang isang bagong blade—itim, may ukit ng ancient runes.

“This will sever the soul from the cycle of rebirth,” paliwanag ng master assassin.
“Use it. End her.”

Tumango si Ace. Pero sa loob-loob niya, may bagyong nagwawala.

REINCARNATED AS A STUPID QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon