Hello po sa lahat! Panibagong lapag na naman haha. Gusto ko lang kayong i-update tungkol sa physical book ng Twisted Fate. Kahit na mag-update ako sa group page ay mga kapatid ko lang ang nandoon haha kaya rito na lang muna.
Ang fixed price po ay ₱410 at hindi pa po kasali ang shipping fee. Kagaya ng sinabi ko noong April, mahaba-haba po kasi kaya masyadong mahal. Malapit na rin itong magkaroon ng pre-order form (baka may nag-aabang?) at mahaba rin ang pre-ordering period kaya mahaba rin po ang panahon na mag-ipon kung gusto n’yo pong bumili. Salamat po!
Sino po ang gustong bumili ng physical book ng VS 1: Twisted Fate? (Comment lang po kung mayroon man, update ko na lang po kayo dahil kapag nag-start na ang pre-ordering at isa ka po sa o-order, isasali kita sa gagawin kong gc para sa updates po.)

BINABASA MO ANG
Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]?
Vampire[Published under Grenierielly Book Publishing!] Isang bampirang nahulog sa isang piniks ng hindi niya namamalayan. Sa unang pagkikita nila ni Sefarino Lazarus na isang bampira ay hindi naging maganda pero habang tumatagal ay nagiging malapit na sila...