Kabanata XIV: Kyro Leone Lazarus
RAZIEL is arranging the flowers when the shop’s door suddenly opened and he spat on Sefarino looking at him. “Magandang umaga, Sefar!” nakangiting bati niya kay Sefarino pero sinamaan siya ng tingin nito kaya napakamot na lang siya sa batok niya.
Dalawang araw na ang nakakalipas nang iligtas siya ni Sefarino at sa dalawang na araw na iyon ay lagi na lang itong nakabuntot sa kaniya.
“Bakit hindi mo ako ginising?” inis na sabi ni tanong ni Sefarino.
“Ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi na lang kita ginising.”
“What? Dapat ginising mo ako—”
“Excuse me, Sefarino. Baka nakakalimutan mong nasa shop kita,” tipid na sabi ni Doyle.
“Umuwi ka na Sefar, nagtatrabaho pa ako,” taboy ni Raziel sa kaniya kaya napangiwi siya habang sinusundan ng tingin si Raziel na nag-aayos sa mga paso.
Padabog namang umupo si Sefarino sa upuan niya na nasa shop, naglagay na talaga siya ng upuan niya dito. Nanonood lang siya kay Raziel na ngayon ay masayang nag-a-arange ng mga bulaklak.
“Bakit ka ba laging nakabuntot sa kaniya?” tanong ni Doyle.
“I want to protect him.”
“Protect him, huh? You can’t even control your power so how?”
Sefarino pondered Doyle’s statement. It’s true, yet he’ll make every effort to keep his loved one safe. He does not want to be a burden on other people or weak any longer. Others fear him because they see him as robust, but they are unaware of his vulnerability and inability to control his power.
“Anong klaseng bulaklak ang hinahanap mo?” tanong ni Raziel sa isang lalaki na kakapasok lang. Tanya ni Sefarino ay nasa labing pitong taon na ito.
Ngumiti naman ito sa piniks kaya napangiti rin si Raziel. “Isang bulaklak para sa isang batang katulad ko,” sabi ni Seth, ilang araw na rin silang magkakilala ni Seth simula nang unang pasok pa niya lang sa trabaho.
Raziel smiled brightly at him. “Babagay sa iyo ang puting carnation dahil ang ibig sabihin nito ay inosente at dalisay na pag-ibig.” Kumuha ng isang white carnation si Raziel at ibinigay kay Seth. “Sa panahon ngayon, ang mga batang katulad mo ay mga inosente pa at walang kamuwang-muwang sa mundo. Kailangan mong maglakbay o matuto upang makakuha ng mga karanasaan.”
Ngumiti nang malungkot si Seth saka tinanggap ang bulaklak. “Tama ka, wala akong kamuwang-muwang sa mundong ginagalawan ko at gusto ko kumuha ng mga kaalam para mabuhay.”
“Wala ka bang pasok ngayon?” tanong ni Raziel kaya umiling si Seth.
“Mayro’n pero hindi ako pumasok.”
Napahinto naman si Raziel sa ginagawa niya. “Ha? Dapat kang mag-aral nang mabuti dahil para sa ’yo lang din naman ’yon,” nakangiting sabi ni Raziel kaya ngumiti rin si Seth.
“Hey, kid! What the hell are you doing?” hindi na maiwasang tanong ni Sefarino at lumapit sa kanila. “Laughing at each other, huh?”
“Nag-uusap lang kami,” sagot naman ni Seth pero tinaasan lang siya ng kilay ni Sefarino.
“Back-off,” malamig na sabi ni Sefarino kay Seth pero hindi siya pinansin ito at pumunta na lang kay Doyle para bayaran ang bulaklak.
“Sefar, puwede ka ng umuwi. Wala ka rin namang silbi rito.”
Sinamaan naman niya ng tingin si Raziel. “Alam mo, palakaibigan ka talaga and I hate it.”
Hindi siya pinansin ni Raziel dahil inasikaso nito ang bagong customer na kakapasok lang kaya padabog siyang napaupo ulit sa upuan niya.

BINABASA MO ANG
Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]?
Vampire[Published under Grenierielly Book Publishing!] Isang bampirang nahulog sa isang piniks ng hindi niya namamalayan. Sa unang pagkikita nila ni Sefarino Lazarus na isang bampira ay hindi naging maganda pero habang tumatagal ay nagiging malapit na sila...