抖阴社区

Kabanata XXVIII: Ang Bunga ng Pagmamahalan

3K 202 5
                                    

Kabanata XXVIII: Ang Bunga ng Pagmamahalan

“Sefar, anong pabango ang ginamit mo?” nagtatakang tanong ni Raziel habang nakatakip sa ilong. Ang nakasasakit sa ilong na amoy ang unang sumalubong kay Raziel pagkagising niya.

Napahikab si Sefarino saka niyakap ang piniks at isiniksik ang ulo sa leeg nito. “Pabango? Hindi ako gumagamit non. Bakit?”

“H-Hindi ko kasi gusto ang amoy,” pagtatapat ni Raziel saka pilit na kumawala sa mga bisig ng bampira. “Dumistansiya ka muna, sumasakit ang ilong ko at bumabaliktad ang sikmura ko.”

Mabilis na tumayo si Raziel kaya napatayo na rin si Sefarino at napapamurang inamoy ang sarili. “Hindi naman mabaho, Raz—”

“Mamaya na tayo mag-usap, Sefar.” Kasabay ng pagsarado ng pinto ang siyang paglalim sa pagkakunot ng noo ng bampira.

Ilang oras na rin ang nakalilipas at hindi pa rin lumalapit si Raziel kay Sefarino. Inis na ginulo ng bampira ang buhok saka sinulyapan ang kasintahan na masayang nagdidilig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makuha kung bakit may naaamoy itong hindi niya naaamoy.

“Insan? Ba’t ka tulala riyan?” nagtatakang tanong ni Orazi saka tumabi kay Sefarino.

“Orazi, amoyin mo nga ako kung mabaho ba ako,” utos na saad ni Sefarino dahilan para mapakunot ang noo ni Orazi.

“Ha?”

“Amoyin mo ako,” pag-uulit ng prinsipe.

“Insan, anong nangyayari sa utak mo—Bahala ka nga.” Hindi na nakapagbiro si Orazi nang tingnan siya ng seryoso ni Sefarino kaya wala siyang nagawa kundi ang ilapit ang ilong sa pinsan at doon sumalubong sa kaniya ang napakabangong amoy dahilan para mainis ito. “Insan, iniinis mo ba ako?”

“What now?” inip na tanong ni Sefarino.

Napangiwi si Orazi habang kumakamot sa ulo at inamoy ang sarili. “Mas mabango ka nga sa ’kin e. Baka ipinamumukha mo lang sa akin na kailangan ko ng maligo?”

“Then why Raziel said that I smell bad?” Mas nadagdagan ang kaniyang pagtataka habang patuloy pa ring inaamoy ang sarili.

Napatango si Orazi at napangisi nang may pumasok na rason sa isip niya. “Baka naamoy niya ang demonyo sa katawan mo?”

“Orazi.” Sefarino used his monotonous voice.

Orazi creeps a fake smile. “I-Ikaw naman ’di mabiro—”

“Kakain na,” wika ni Elerah na kararating pa lang sa sala.

Tumango lang silang dalawa saka sumunod sa ginang. Unang nakita ni Orazi si Raziel na prenteng nakaupo na.

“Mabaho ba talaga si Sefarino?” nagtatakang tanong ni Orazi saka umupo sa tabi ng piniks.

“Hindi naman sa mabaho. Ayoko lang sa amoy niya,” pangatwiran ni Raziel.

Nagsimula na silang kumain nang may naalala si Orazi. Tumayo siya saka binuksan ang isang cabinet at kinuha ang sinigang na naka-plastic pa. “May dala ako.”

Agad siyang kumuha ng mangko saka inilagay sa lamesa at isinalin ang sinigang na baboy.

Agad na tinakpan ni Raziel ang ilong sa nakasusukang amoy ng ulam. “Ang baho!” giit niya at hindi na napigilang sumuka sa gilid. Nanlaki ang mga mata nilang lahat nang matapunan ng suka si Sefarino. “Pasensiya ka na, Sefar,” nanghihinang saad ni Raziel saka tumingin kina Elerah. “Paumanhin po.”

Ngumiti lang ang mga ito habang si Sefarino ay ginulo lang ang buhok ni Raziel. “Don’t worry. Kumain ka na muna dahil magbibihis lang ako.”

“Buntis ka ba?” biglang tanong ni Orazi nang makaalis si Sefarino.

“Orazi, what kind of question is that?” saway ni Elerah.

“Buntis ka, Raziel.” Halos malusaw si Elerah sa pagtitigan nina Orazi at Raziel. Pareho itong seryoso at ang mga mata’y nangungusap.

“P-Papuntahin si Doyle rito,” utos ni Elerah na siya ring pagdating ni Deus. Kahit na hindi alam ang nangyayari’y sinunod niya ito.

“P-Pupunta po muna ako sa banyo,” paalam ni Raziel saka mabilis na tumayo kaya napasunod na rin si Orazi.

“Raziel, buntis ka, ’di ba?” Hindi pa rin tinantanan ni Orazi ang piniks.

Napahinto si Raziel at ngumiti. “Oo.”

“Kailan mo nalaman?”

“Dalawang linggo na rin ang nakakaraan,” pagtatapat nito.

Nagulat nang kaonti si Orazi. “Paano—ngunit hindi ba, babalik ka na? Sasabihin mo ba sa kaniya ang totoo?” Hindi niya maiwasang isipin ang hinaharap ng dalawa.

“May karapatan siyang malaman. Ang hindi ko lang kaya ay baka hindi ko magawang iwan siya,” Raziel honestly stated.

“Huwag ka na lang umalis.”

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon