Kabanata XVIII: His Decision
“MAGANDANG GABI po,” magalang na bati ni Raziel kay Edoardo na ngayon ay nasa labas ng kwarto niya.
“Puwede ba tayong mag-usap?” Tumango naman si Raziel saka sumunod kay Edoardo papunta sa garden.
Maliwanag ang garden dahil sa buwan na nagsisilbing ilaw at ang mga bituin. Dahil sa lamig ng hangin ay napayakap si Raziel sa sarili niya.
“Upo ka,” sabi ni Edoardo kaya umupo rin si Raziel.
“I heard that you’re in a relationship with my grandson,” sabi ni Edoardo kaya mabagal na tumango si Raziel.
“O-Opo.”
“What’s good about my grandson?”
Napangiti si Raziel saka tumingin sa mga kalangitan. “Hindi ko po alam, nagising na lang ako na mahal ko na siya. Una kong nalaman ang nararamdaman ko nang malaman kong naghahanap siya ng bagong alaga.”
“I’m not against on your relationship but you have rules that must be followed.” Napatingin naman agad si Raziel kay Edoardo na ngayon ay nakangiti sa kaniya. “Sinabi ko na sa iyo na nagmahal na rin ako ng isang katulad mo.”
“A-Ano pong nangyari sa inyo?” nagtatakang tanong ni Raziel.
Ngumiti naman si Edoardo sa kaniya tapos tumingala sa makulimlim na kalangitan. “We separated.”
Dalawang salita na nagpalamig sa katawan ni Raziel kaya napayuko siya saka nag-isip kung ganoon din ba ang kalalabasan ng kanilang pagsasama.
“I accepted her, my family accepted her but in the end, our relationship ended because of that rule, ang pinakaunang batas na dapat sundin ng isang piniks.” Tahimik lang si Raziel na nakikinig kay Edoardo. “Bumalik siya kung saan ang mundo niya, iniwan akong durog, she changed me kaya hindi ko siya makalilimutan, ang unang babaeng minahal ko ng lubusan. Ang hindi ko lang matanggap ay biglaan ang pag-alis niya. Masakit malaman na mas pinili niya ang bumalik kaysa sa akin pero naintindihan ko naman ’yon dahil magkaiba ang mundo namin.” Tumingin si Edoardo sa kaniya saka matipid na ngimiti. “Mahal mo ba talaga si Sefarino?” tanong ni Edoardo na nagpabigla kay Raziel. Hindi niya akalaing pagdudahan siya nito. “O minahal mo lang siya dahil magkamukha sila ni Leone?”
“Leone erased their memories even your memories about the Lazarus except my memories.” Tumayo si Edoardo saka ang bughaw na hangin ang bumalot sa buong katawan niya nang ilang segundo at nang nawala ito ay nagbago na ang itsura niya. “Do you remember me, Raziel?”
Gulat na nakatingin si Raziel sa binatang nasa harapan niya. Ang isa sa mga gumabay sa kaniya. “Naalala po kita.”
“Baka nalilito ka lang sa nararamdaman mo. Lumaki si Sefarino na magkamukha sila ni Leone,” sumbat ni Edoardo kaya naalarma si Raziel. “Hindi ba?”
“Inaamin kong may pagkakahawig talaga ang mukha nila subalit mahal ko si Sefarino.”
“Choose wisely, Raziel. Sundin mo ang tinitibok ng puso mo habang may oras pa at sana huwag na huwag mong pagsisisihan ang magiging desisyon mo. Tahakin mo ang landas na karapat-dapat sayo,” payo ni Edoardo sa kaniya.
“Paano... kung mali ang matatahak kong landas?” tanong ni Raziel.
“Walang landas na mali o tama, Raziel, dahil kahit anong landas ang tatahakin mo ay may maganda at hindi magandang maidudulot,” wika ni Edoardo. “Ayokong matupad ang sinasaad ng propesiya.”
“Raz? Lo? Anong ginagawa n’yo rito?” napalingon naman si Raziel.
“Nag-uusap lang kami, Sefar,” maikling sagot ni Raziel.

BINABASA MO ANG
Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]?
Vampire[Published under Grenierielly Book Publishing!] Isang bampirang nahulog sa isang piniks ng hindi niya namamalayan. Sa unang pagkikita nila ni Sefarino Lazarus na isang bampira ay hindi naging maganda pero habang tumatagal ay nagiging malapit na sila...