抖阴社区

Chapter 1

37 3 0
                                    

"Sometimes the people around you won't understand your journey. They don't need to, it's not for them." – Joubert Botha

      Umaga na naman, heto na naman yung  panibagong araw na susubukin na naman ang tibay ng puso at isip mo. Kaya Bumangon na ako sa kama't napagdesisyunan ng maligo at habang nakikita ang repleksyon sa salamin,tulad ng nakagawian inaaral ko na naman kung paano ngumiti sa harap ng Ibang tao. Ang galing kong magpanggap akala ng iba napakamasayahin kong tao siguro- dati akong artista sa past life ko.

   Napatawa nalang ako ng mahina at nagmadali ng kumilos para pumasok sa trabaho.

   İlan minuto lang ang byahe ko papuntang trabaho,napaaga panga ako naunahan ko payung nagbubukas ng pinto. Pero bago ako pumasok bumuga muna ako ng hangin,umaga palang pero feeling ko pagod na pagod na ako. Yun wala panga akong ginagawa pero wala na akong energy para obserbahan ang paligid ko kase panigurado naman sila din ang lalapit sakin para bwesitin ako.

    Kahit umagahan wala akong gana kumain gusto ko ng matapos ang araw na ito at matulog ulit. Akala niyo siguro kung iisipin napakatamad kong tao pero malalaman niyo rin naman kung bakit ganito ako?

   "ang aga mo na naman ngayon,hula ko wala kang tulog na naman no? bati sakin ng katrabaho ko.

   "Nakatulog naman mga 2hrs ganon" sabay ngiti ko sa kanya.

  "Oh bakit naman?marami kabang iniisip " usisa pa nya.

         Ngumiti lang ako at hindi na nagpaliwanag pa.

        Bakit ko pa ikukwento sa iba ang pinagdadaanan ko eh hindi rin naman nila maiintindihan. Makikinig lang sila at magbibigay ng payo na mukhang mas kailangan panga ata nila. Ang mga tao ang hilig magbigay ng komento na akala mo lahat ay nalalaman nila. Laging sasabihin na magdasal kalang at tibayan mo ang loob mo pero hindi naman nila alam yun pinagmumulan ng paghihirap mo.

    Hindi porket may kung anong nararamdaman ka ay hindi kana paladasal. Minsan pa nga ay sisisihin kapa kase sobrang nega mo sa buhay , pero hindi yun totoo bago ka nakarating sa punto ng buhay mo na ganito sinubukan morin namang lumaban.

       Habang wala pa 'yun iba kong kasama ay nagsimula nakong tumipa para sa ipapasa namin na bagong kontrata sa lahat ng empleyado ng pinagtatrabahuan ko. Lumipas yun mga oras ng 'di ko namamalayang hapon na pala. Hindi na naman ako nakakain dahil inuna ko na matapos to para wala nakong iisipin pa kinabukasan kundi ang matulog na naman.

        Sa edad na bente syete ay sa trabaho at bahay lang umiikot ang buhay ko. Ilan beses na ba akong nagbreakdown ngayong buwan? Hindi ko na mabilang kase feeling ko napag  iiwanan na ako ng panahon. Yun mga kaklase ko dati may mga asawa't anak na. Yun mga mas bata sakin nauna pang mag-asawa. Yun buhay ko parang paulit-ulit lang ang mga nangyayare,sumasabay sa agos pero walang pagbabago.

      Naranasan mo naba yung gigising ka ng walang kahit na anong maramdaman? yun bang kailangan mo lang bumangon kase kailangan? Nakakadrain no? Parang anumang oras pwede kang mag shutdown at 'di na magising pa. Tapos yun inaasahan mo pang mga masasandalan mo ay unti-unti rin naglalaho. Kaya wala kana namang choice kundi sarilinin nalang ulit tutal doon ka naman na nasanay. Mas madali pang magpanggap na ayos kalang kaysa magpaliwanag kung bakit hindi ka ayos.

  Alam mo yung nakakatakot?yung hindi mo alam kung kanino ka lalapit sa tuwing ikaw naman yung nahihirapan kase nasanay sila na palagi kalang okay.Ang hirap mabuhay sa mundong ang dami mo ng pagod.Sana katulad ng iba ay kaya ko ipakita kung ano at sino ako.

The Healing PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon