"This feeling will pass. The fear is real but the danger is not." ― Cammie McGovern
Isang araw, nagising nalang akong may hawak na kutsilyo kung saan ang dulo nito ay nakatutok sa leeg ko. Hindi ko napigilang mapaluha habang nagdurugo ang kamay ko nakita ko ang sarili kong kaawa-awa. Hindi ko naman gustong mawala pero bakit sobrang sakit na?
Sobrang dilim ng paligid, hindi ako makahinga pinilit kong gumapang papuntang pintuan pero pakiramdam ko ito na ata ang aking katapusan?
Binabalikan ko yun mga ala-ala kung kailan ba ako naging masaya para kumapit pa pero lalo akong naguluhan wala akong matandaan bawat isip ko ay ang umiiyak lang na ako ang bumabalik sa aking isipan. Nanlalamig ako hindi ko maibuka ang aking bibig at walang tinig ang nalikha.
Biglang dumilim ang mundo at pagmulat ko ganon parin ang aking posisyon. Sinubukan kong tumayo at sumilip sa pintuan at dinig parin ang sigawan at basagan ng mga baso ng aking mga magulang.
"Hindi ko anak ang batang iyan! At kailanman hindi ko magiging anak yan! Wala akong anak na ganyan!! Sigaw ni papa." bakit hindi mo matanggap na ang walang pangarap na batang iyan ay anak mo ! sayo nagmana lahat ng panget!" Sabay walkout ni mama.
Narinig ko pa na nagwala si papa,ayokong lumabas at baka kapag nakita nya ako ay bugbugin na naman niya ako. Hindi pa naghihilom ang mga pasang nangyare nung isang araw. Hinintay kong makaalis silang lahat bago ako lumabas ng kwarto at gamutin ang mga sugat ko.Palaging ganon ang nangyayare sa bahay namin, mas gugustuhin ko pa ang tahimik kaysa ganon ang klaseng ingay na maririnig ko. Lagi silang nagtatalo sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa akin. Hindi ako makaalis ng bahay dahil ilan beses nila akong sinaktan kahit maraming tao. Lahat ng Tao'y Naka tingin lang sa akin sa mga oras nayun bakas ang pagkaawa pero walang ginawa. Lahat tiniis ko para matulungan lang ang mga maliliit kopang kapatid. Sila lang ang nagiging lakas ko kahit pakiramdam ko wala akong puwang sa aming mga magulang.
Palagi nila kaming pinagkukumpara at madalas bukambibig nila ang talento at katalinuhan ng mga kapatid ko habang ako na umaasang kahit minsan ay maipagmalaki nila. Pero habang tumatagal natatanggap ko na hindi lahat ng tao biniyayaan ng masayang pamilya.
Kaya ang ginawa ko mas pinagbutihan ko nalang sa trabaho kahit madalas din akong mabully dahil daw sa aking katangahan. Sa ilan taon kong pagtitiis natutunan ko narin n mawalan ng pake at hayaan kung anuman ang sasabihin ng iba kahit ba madalas ay may epekto parin sa akin ang mga naririnig kong salita. Mas inilayo kopa ang sarili ko sa lahat na hindi ko namamalayang nasanay na akong mag-isa at ngumiti kung kinakailangan para akong robot na nakaprogram na meron task at schedule kung Kelan dapat gawin ang isang bagay maging ang emosyon ko'y naapektuhan na at paunti-unti ng nawawala.Madalas parin akong umiyak sa gabi habang yakap ang unan,corny at weird mang pakinggan pero ang unan ang una kong naging karamay simula ng ako'y isilang.
Akala ng iilan walang gabi na hindi tayo nagtatanong ng worth natin.Hindi nila alam ilan balde na ng luha ang bumuhos sa gabi-gabing puno ng katanungan ang iyong isipan.Walang araw o minuto na hindi natin naiisip na mawala nalang sa mundo.Ilan guhit paba hanggang mawalan nalang ng pulso.Takot naman talaga akong mamatay,pero baka sakaling maibsan ang sakit sa tuwing ginagawa ko ito.Sa oras ng kamatayan mo hindi na importante kung nakapagpaalam kaba o hindi dahil kapag oras mo na ay oras mo na.Wala kang magagawa kundi mawala.

BINABASA MO ANG
The Healing Path
Poetry"You are not your illness. You have an individual story to tell. You have a name, a history, a personality. Staying yourself is part of the battle." - Julian Seifter